RACHEL “What do you want?” tanong ko sa Lyra na Lyna ewan ko ba kung ano ba ang pangalan ng babaeng ito. Hindi rin naman kasi siya mahalaga para tandaan ko talaga ang pangalan niya. “Wala naman akong gusto. Nasaktan lang ako dahil akala ko mabuti kayong mga tao pero bakit naman ganito? Ganito ang trato niyo sa mga katulad ko. Gusto ko lang naman magpasalamat, may mali po ba sa bagay na ‘yon?” umiiyak na tanong niya sa akin. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Confirm nga na trap lang ito para maging masama ang asawa ko. Gusto niyang kunin ang simpatya ng mga tao na narito, ang taong bayan. Dahil alam niya na may camera ay mas ginagawa niyang kawawa ang sarili niya. “Miss, ito oh panyo. Pamunas sa luha mo,” nakangisi na sabi ko sa kanya. “Mabuti ka ba talagang asawa

