SPECIAL CHAPTER 22

1605 Words

RACHEL Naiiyak ako sa sobrang saya ko. Ang galing ng kambal kong anak. Sa edad nila ngayon ay masasabi ko na para na talaga silang professional na dalawa. Hindi ako makapaniwala na kasama ko na ngayon ang mga anak ko. Kung noon ay ako lang at kasama ko si Shen na naging taga-cheer ko ngayon ang ibang anak ko na ang nagche-cheer sa aming tatlo. “Baby, relax at kapit ka lang kay mommy. Hayaan mo muna ako na makasama ko ang mga kuya mo.” kausap ko sa baby na nasa tiyan ko. Mukhang nakikisama naman siya. Walang paglagyan ang saya sa puso ko. Hindi ko alam, pero sobrang nagpapasalamat ako sa araw na ito. Nagpatuloy kami hanggang sa natapos namin ang race. Pagbaba ko pa lang sa sasakyan ay nagulat ako dahil hinihingal ang asawa ko palapit sa akin. “Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD