RACHEL Hindi ko talaga inaasahan na lalabas ang balita tungkol kay Katherine at Adam. Nawindang ako sa balita na okay na silang dalawa at balak nilang ayusin ang buhay nila. Naiinis ako pero kailangan kong ikalma ang sarili ko bago pa ako tuluyang magalit. Kasabay ng balita na ‘yon ay ang blind item nila na isang may edad na politiko ang nakipagrelasyon sa mas bata pa sa kanya. Kahit hindi ko hulaan ay alam ko na kami ni Adam ang tinutukoy nila. Nakakatawa lang na kailangan pa nilang pagsabayin ang dalawang balita na si Adam lang naman ang nilalaman. At nakakatawa lang ang delulu ni Katherine na okay na sila ni Adam. Like what? Saan banda? Kailan? Maagang natapos ang class ko kaya palabas na ako sa campus pero sinalubong ako ni Vin. “Miss sexy, pinapasundo kana ni Gov ngayon.” sabi

