THIRD PERSON POV “Alamin mo kung nasaan ngayon si Katherine.” utos ni Adam kay Vin. “Okay, Gov.” “Nasa condo siya ni Nate.” saad ni Vin ng mahanap niya ito. “Okay, pumunta tayo doon ngayon.” Bumiyahe si Adam kasama si Vin papunta sa condo ni Nate. Kailangan niyang makausap si Katherine. Nang nasa tapat na sila ng pinto ng condo ay kaagad niyang pinindot ang doorbell. Ang ganda pa ng ngiti ni Katherine ng buksan nito ang pinto pero kabaliktaran naman kay Adam dahil madilim ang mukha nito at anumang oras ay mananakit na ito. “Anong ginawa mo sa mag-ina ko?” galit na tanong ni Adam kay Katherine. “What are you talking about?” nawala ang magandang ngiti nito nang makita ang madilim na awra ni Adam. “Stop lying and stop pretending na hindi mo alam. Dahil alam ko na tauhan niyo ang may k

