RACHEL “Anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya. Mabilis akong lumapit sa kanya at sinuntok ko siya sa tiyan. “Ouch! Nanakit kana,” reklamo niya sa akin habang nakahawak sa tiyan niya. “Sa tingin mo ba dapat akong matuwa?” naiinis na tanong ko sa kanya. “Natakot ba kita?” nakangisi pa na tanong niya sa akin. “Hindi ako takot, natakot ako para kay Reighn.” “Sorry po,” malambing na sabi nito. “Paisa nga ako,” sabi ko. “Anong pais–” Hindi ko na siya hinayaan na magsalita dahil umikot ako ay sinipa ko siya. Binuhos ko ang lakas ko para sigurado na makakatulog siya sa atake ko. “Mommy, okay lang po ba si daddy?” tanong sa akin ni Reighn. “Okay lang siya, baby. Tulog lang siya.” sagot ko kay Reighn. “Ang hina po pala ni daddy,” humahagikgik na sabi nito. “I’m sorry, baby. Naii

