ADAM SEBASTIAN “What the fvck?!” napamura ako ng wala sa oras sa nais niyang gawin. Kahit naman siguro ay mapapamura kung ikaw ang gustong maging target. “Minumura mo ba ako?” tanong niya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay. “Hindi po, mahal. Pero puwede ba na ‘wag na ‘yang gusto mo? Delikado kasi talaga ‘yang nais mo. hindi siya safe,” sagot ko sa kanya. “Natatakot ka ba? Wala ka bang tiwala sa akin?” tanong pa niya sa akin gamit ang kahinaan ko. Ang hinhin ng boses niya kaya naman apektado na ako. “May tiwala ako sa ‘yo kaya lang delikado ang nais mo kaya hindi talaga puwede.” Aaminin ko na natatakot na ako sa kanya. Kanina lang ay pinatulog niya ako at ngayon iba na naman ang trip niya. Bakit feeling ko mas malala na siya ngayon? Ganito ba talaga ang mga buntis? O baka si

