RACHEL “Mahal,” narinig ko na tawag sa akin ni Adam. Hindi ako sumagot at pinupunasan ko ang mga luha ko. Alam ko naman na hindi nakakatuwa ang ginagawa ko sa kanya pero kasi masaya ako. Feeling ko kasi hindi ako magiging okay kapag hindi ko siya naging target. Natutuwa ako at sobrang naexcite. Matagal na rin kasi akong hindi nakahawak ng baril. “Mahal,” malambing na sambit niya ulit. “Why are you here?” tanong ko sa kanya. “Bakit ka umiiyak?” “Wala, hindi naman ako umiiyak.” pagtanggi ko. “Mahal, you’re not good in lying.” sabi niya sa akin. “Galit ka sa akin?” wala sa sarili na tanong ko. “Galit? Bakit naman ako magagalit sa ‘yo?” tanong rin niya sa akin. “Kasi sa mga ginawa ko kanina.” “I’m sorry sa nasabi ko kanina, mahal. Alam ko naman na parte ito ng pregnancy mo. Kaya la

