RACHEL “Happy birthday, mahal ko.” malambing na bulong sa akin ni Adam at niyakap niya ako mula sa likuran. “Thank you, mahal ko.” sagot ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. “I love you,” bulong pa niya sa akin. Birthday ko na pala. Bigla akong malungkot pero iniisip ko na lang na okay lang ang lahat. Na kahit pa wala na si daddy ay alam ko na nasa tabi ko rin siya ngayon. Alam ko na binabantayan niya ako palagi. “Are you crying?” malumanay na tanong sa akin ni Adam. “I missed my dad. I missed him so much,” umiiyak na pala ako at hindi ko man lang namalayan. “Me too, mahal ko. Pero alam ko na masaya siya ngayon. At alam ko na masaya rin siya para sa ating dalawa. Gagawin ko ang lahat para mapasaya kita.” “Thank you, mahal. Kasi dahil sa ‘yo hindi ako mag-isa. Dahil sa ‘yo,

