RACHEL “Shen, saan tayo pupunta mamaya?” tanong ko sa kaibigan ko na bigla na lang sumulpot dito sa bahay at niyaya ako na lumabas mamayang gabi. “Samahan mo ako doon sa kaibigan ko. Wala kasi akong ibang puwedeng makasama eh.” sagot niya sa akin. “Magpapaalam muna ako sa asawa ko.” “Sige, tapos isama na natin si baby girl. Teenager na siya kaya pwede natin siyang isama. Don’t worry dahil safe naman doon sa pupuntahan natin,” sabi pa niya sa akin. “Okay, sige. Isama natin siya,” sabi ko sa kanya. Tumawag ako sa asawa ko at nagpaalam ako na sasama kami kay Shen. Pumayag naman siya at nagpaalam rin sa akin na niyaya siyang uminom ng mga kaibigan niya. “Tandaan mo ang mga sinabi ko. Kapag nalaman ko na may sinuway ka sa mga sinabi ko ay malalagot ka sa akin.” sabi ko sa kanya. “Opo,

