RACHEL “Mahal, sorry na po.” Pabulong-bulong na sabi sa akin ng asawa ko dahil nararamdaman na siguro niya na naiinis na ako. “Tsk! Tigilan mo ako.” asik ko sa kanya. “Wala naman kasi akong kasalanan eh. Nadamay lang ako. Si William talaga ang may gawa ng lahat. Sa kanya ka lang dapat magalit,” sabi niya sa akin. “Hindi mo man lang sawayin. Sinasabi ko talaga sa ‘yo kapag ang mga anak mo nagkapilay ikaw ang pipilayan ko. Hindi niyo ba naisip na baka mabalian sila ng leeg sa ginagawa nila? Si Raleigh hindi na matigil-tigil sa pag-iyak,” saad ko sa kanya na may kasamang pagbabanta. “Kasalanan mo kasi eh,” sabi ni Adam sabay binatukan ang kapatid niya niya na nakangiti lang simula kanina. “Aray! Nanakit ka kuya.” reklamo niya. “Nadadamay ako sa mga kalokohan mo eh. Kailan ka pa ba magt

