RACHEL Maaga akong nagising ngayon dahil may pasok pa ako. At pagkamulat ko ng mga mata ko ay bumungad agad sa akin ang gwapong mukha ni Adam. Kagabi ang isa sa mga masayang gabi ng buhay ko. Paulit-ulit kong naramdaman kung gaano ba niya ako kamahal. “Good morning, mahal ko.” malambing na bati sa akin ni Adam. “Good morning, mahal.” nakangiti na sabi ko at hinalikan ko ang labi niya. “Masakit ba ang katawan mo?” tanong niya sa akin. “Opo, pero may pasok ako ngayon. Ayaw ko ng umabsent dahil may OJT ako sa Capitol,” sabi ko sa kanya. “Pero kung hindi pa rin maganda ang pakiramdam mo ay magpahinga ka na lang dito, mahal.” alam ko na inaantok pa siya. Dahil nakapikit siya habang nagsasalita. “Kaya ko po,” sabi ko sa kanya. “Okay, ihahatid na lang kita.” Ngumiti ako sa kanya at niya

