ADAM SEBASTIAN Kapag ganito na hindi okay ang pakiramdam ng asawa ko ay talagang nag-aalala ako sa kanya. Noong nakaraan ay nagagalit siya lagi, nagseselos siya lagi pero syempre ay okay lang ‘yun sa akin. Mas gusto ko nga na nagseselos siya kaysa ako ang magselos dahil parang mawawala ako sa sarili kapag may nakatitig lang sa asawa ko. Ilan na ang anak namin pero hindi nagbabago ang katawan niya. Lalo na ang mukha niya. Habang tumatagal ay mas lalo pa nga siyang gumaganda kaya naiinis ako na may mga lalaki na interesado pa rin sa asawa ko. Kahit ako ay nababaliw pa rin sa kanya at wala naman nagbago sa bagay na ‘yon. Mas lumala pa nga yata kaya nagagalit na siya kapag kinukulit ko siya. Makita ko lang siyang nakasuot ng sexy na pantulog ay may nabubuhay na agad sa pagitan ng mga hita ko

