ADAM SEBASTIAN “Miss, umalis ka na. Hindi mo ako kailangan na papiliin dahil sino ka ba? Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga guards,” sabi ko sa kanya. “Hindi ko alam na may ganyan ka pa lang ugali. Ang buong akala ko pa naman ay mabuting governor ka. Pero dahil lang sa asawa mo ay ganyan ka. Takot na takot ka ba sa kanya? Gusto ko lang naman na magpasalamat sa ginawa mo sa akin pero tinanggihan mo,” natatawa na sabi niya. “Oo, takot ako sa asawa ko dahil mahal na mahal ko siya. At nagiging masama talaga ako kapag siya ang usapan. Alam ng mga tao kung gaano siya ka selosa kaya hindi na bago sa kanila ang ganito. And you, isa ka lang sa mga babaeng nagpapapansin sa taong may asawa na. Saan ka ba kumuha ng lakas ng loob na magugustuhan kita? Eh wala ka pa nga sa kalinkingan ng as

