RACHEL Sa bawat taon na dumadaan ay mas naging matibay ang pagsasama namin ni Adam. Binata na talaga ang kambal namin. Grabe talaga na mga bata dahil nagpatuli ba naman na hindi man lang nagsabi sa amin. Nagdesisyon na sila para sa mga sarili nila. Ayaw ko man aminin pero may lungkot na akong nararamdaman. Hindi ko nga talaga kayang pigilan ang paglaki ng mga anak ko. Nakakalungkot lang pero kasi ganun talaga ang buhay. Kailangan kong tanggapin na darating ang araw na magkakaroon na sila ng sariling pamilya. Sana lang talaga ay masaksihan pa ng asawa ko ang paglaki nilang lahat. “Mommy,” narinig ko na tawag sa akin ni Adler pero hindi ko siya pinansin. “Mom, sorry po.” malambing na sambit niya. Hindi ako nagsalita kaya lumapit siya sa akin. Paika-ika pa ang lakad niya lalo na kakatul

