THIRD PERSON POV Lumipas pa ang maraming mga taon at tuluyan ng nagbibinata ang dalawang makulit na bata noon. Summer na at wala ng pasok sa school. Kaya naman sumama ang mga ito sa kanilang kaibigan na maligo sa ilog. Kahit pa mayaman ang pamilya ng mga ito ay hindi sila pinalaki ng magulang nila sa luho. At ganun rin naman ang nais nila. Mas gusto rin nila na lumaki sa simple pero masaya na pamilya. Kaya ang mga kaibigan nila ay ang mga taga-rito lang din sa kanila. “Bro, magpatuli na tayo.” sabi ni Adler sa kanyang kakambal. “Saan?” “Doon oh, may nagtutuli daw doon eh.” “Ha? Hindi ba tayo magsasabi kay daddy?” sabi naman ni Raleigh. “Hindi na, kaya naman natin ito eh.” “Pero kasi diba sa doktor dapat tayo pumunta–” “Okay naman ‘yan eh. Para naman ma-experience natin ang tradit

