ADAM SEBASTIAN “Sasama ka ba sa amin papuntang US?” tanong ko kay Katherine. “Sasama ako, gusto ko na rin siyang makita. Miss ko na ang anak natin,” sagot niya sa akin. “Sasama rin ako, bro.” sabi sa akin ng bago niyang pag-ibig. “Mas maganda ‘yan para naman makilala ka na ni Reighn. Sigurado ako na matutuwa siya kapag nakita niya kayo.” saad ko. “Thank you, Adam.” sabi ni Katherine. Tao lang ang dati kong ex-wife, nagkakamali at napatawad ko na siya sa mga maling ginawa niya sa amin ng anak niya. Masaya na ako sa buhay ko kasama ang asawa ko at nais ko rin na maging masaya sa lalaki na alam kong tunay na nagmamahal sa kanya. Nagkamali siya pero pinatunayan niya na nagbago na siya. At masaya kami ng asawa ko dahil may taong nandyan para sa kanya. Ang taong kaya siyang ipaglaban at sa

