RACHEL Motherhood isn’t easy. Mahirap maging isang mommy pero sa kabila ng lahat ng hirap ay masaya ako na malusog ang mga anak ko. Makulit sila pero okay lang kaysa maging sakitin. May lungkot lang akong nararamdaman lalo na kapag tumatawag sa akin si Reighn. Alam ko na nagpapanggap lang siya na malakas kahit pa nalulungkot at natatakot siya doon. Ngayon na legal age na siya ay malaya namin siyang pinapayagan na mag-explore. Pero tuwing naririnig ko ang iyak niya. At tuwing nalalaman ko na inaatake na naman siya ng anxiety niya ay sobrang nag-aalala ako para sa kanya. Lalo na mag-isa lang siya doon. Natatakot ako na kapag nagmahal siya ay baka hindi niya kayang i-handle ang first heartbreak niya. Pero sana naman ay tulad ng daddy niya ang mapili niya. “Mahal, puntahan kaya natin ang an

