RACHEL “Adler!” sigaw ko sa limang taong gulang kong anak na sobrang kulit. Ang bilis talaga na lumipas ng mga araw kung noong tatlong taong gulang sila ay sobrang kulit nila. Mas domoble na yata ngayon. Naririnig ko na naman kasing umiiyak ang maliit nilang kapatid na babae. “Mommy, si Adler po inagaw niya ang dodo ni baby.” sumbong sa akin ni Raleigh sa akin dahil umiiyak si Alliyah. “Adler, you want palo?” tanong ko sa kanya dahil malapit na namang maubos ang pasensya ko. “No, mommy. Tinikman ko lang naman po kung yummy ang milk niya.” sagot pa niya sa akin. “Tinikman mo lang o inagaw mo? Bakit wala ng laman? Ganyan ba ang tikim? Inubos mo na po,” nagpipigil ng galit na tanong ko sa anak ko. “Masarap po pala kaya naubos ko,” nakangiti na sagot niya sa akin. “Anak, puwede ka nam

