ADAM SEBASTIAN “Adler, anak can we talk?” tanong ko sa tatlong taong gulang kong anak. “Yes po, daddy.” cute na sabi niya. “Baby, alam ni daddy na three years old ka lang at baka hindi mo pa ako maintindihan pero baby. Bawal na kayong maglaro ng wrestling o boxing ni Raleigh. Kahit pa sinabi ng tito William niyo ay ‘wag na wag niyong susundin. Kasi mas nakakatakot kapag ang mommy mo ang nagalit,” sabi ko sa kanya. “Pero masaya po ‘yon, daddy.” “I know, alam ko na masaya pero baby pa kayo at baka kung ano ang mangyari sa inyo. Paano na lang kung mabali ang neck niyo o mabasag ang ulo niyo? Kaya simula ngayon ay bawal na po ‘yun.” kausap ko sa kanya. “Dahil po ba magagalit si mommy? Takot ka po ba kay mommy?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. “Baby, alam mo naman siguro kung ano a

