RACHEL Malakas ang kutob ko at talagang nagkatotoo. Hindi ko lang talaga inaasahan na muli na naman akong mabubuntis kahit pa maliit pa ang anak naming si Riva. Pero wala naman akong magagawa lalo na malandi rin talaga ako. Kapag kasi kinakalabit ako ng asawa ko ay bubukaka rin naman ako agad. Kaya ang naging ending ay naging sunod-sunod ang pagbubuntis ko. Kaya ipinanganak ko si Camilla Sophia. Babae na naman ang sumunod na anak namin. Kung ang mga lalaki kong anak ay hindi natutuwa. Kakaiba naman ang anak kong si Alliyah dahil tuwang-tuwa talaga siya na babae ang mga kapatid niya. “Mommy, alam mo ba supportive na talaga ako sa ‘yo.” “Bakit naman,” tanong ko kay Alliyah. “Kasi babae ang mga naging kapatid ko at gusto ko pa ng isa,” sabi niya sa akin. “Ha? Isa pa?” tanong ko sa kanya

