RACHEL Pinayagan ko ang asawa ko na umalis para pumunta sa friends niya. Iyon ay dahil sa ang buong akala ko ay hindi pa naman ako manganganak. Pero hindi ko inaasahan na pumutok na ang panubigan ko. Manganganak na pala ako kaya naman kailangan ko ng magpahatid sa ospital dahil baka bigla na lang lumabas si baby. “Ako na po ang sasama sa ‘yo, mom.” sabi sa akin ni Adler. “Ako na lang, anak. Walang kasama ang mga kapatid mo dito–” “Ako na po ang bahala sa kanila, mom.” saad naman ni Raleigh. “Okay, sige.” nakangiti na sabi ko. Umalis na kami at kasama ko si Raleigh. Wala naman akong gaanong nararamdaman ngayon. Kaunting sakit lang naman. Pero alam ko na malapit ng lumabas ang baby lalo na pumutok na ang panubigan ko. Mabilis lang kaming nakarating sa ospital. Kaagad namang dumating si

