Bago pa man kami sumalakay, nakuha ko na lahat ang armas sa basement. Ang basement ng bahay na tinitirhan namin ngayon ay konektado sa basement ng lumang bahay namin. Ngayon na hawak ko na ang buhay ng lima. Gusto kong masaksihan nila ang pagpatay ko sa kanila. Gusto kong napapapanood ng isa kung paano namatay ang kanyang kasamahan habang palapit nang palapit na sa kanya ang kamatayan. Naitali na sila lahat ng mga tao ni Franco. Nakaluhod sa harap ng nasa trono. Trono ang tawag ko sa upuan kung saan nila ako pinaupo noon. Katulad ng kanilang ginawa sa akin. Hawak ko rin ang baseball bat na siyang inihampas nila sa akin ng paulit-ulit. Ibabalik ko sa kanila ang lahat ng sakit ng ginawa nila sa akin. Mararamdaman ng bawat isa ang hapdi ng kanilang ipinalasap noon. Naroon na ang lahat. Sina

