“Dad, kami na lang ang maglilinis sa mga bangkay dito. Umuwi na muna kayo at magpahinga.” “Sige, anak. Salamat sa tulong ninyo. Baka hinihintay na ako ng Mommy mo ngayon. Malapit nang matapos ang aking paghihiganti. Isa na lang ang hindi ko nababalikan. Matatahimik na tayo anak. Makakapag-bonding na tayo nang walang inaalala.” “Oo, Dad. Maibibigay na natin kay Mommy yung hinihiling niyang katahimikan. Yung buhay na hindi nakalagay sa hukay ang isa nating mga paa.” “Tama ka anak. Hihintayin kita sa bahay ha? Sasabihin ko sa Mommy mo na susunod na kayo.” “Paano pala itong buong mansiyon, Dad kapag malinis naming ang mga bangkay?” “Plano ng Mommy mo na gawing bahay-ampunan.” “Maganda ‘yon, Dad. Sige, Dad. Mauna ka nang umuwi at susunod na kami.” Hindi na ako makapaghintay na ibalita ka

