“Hanggang diyan ka na lang! Mga pulis ito! Sumuko ka na! Ibaba mo ngayon din ang pasyente at saka mo itaas mo ang iyong kamay! Sumuko ka na sa amin kung ayaw mong masaktan!” sigaw ng isang pulis. Hinarap ko sila ng buong tapang. Nabilang kong walo silang lahat. Nakatutok ang baril nila sa akin. Hindi ako makalalaban. Imposibleng magawa kong makipagbarilan sa kanila kung sakaling ipipilit ko dahil karga ko ang walang malay kong asawa na hindi ko alam kung humihinga pa. Iniisip ko pa rin ang kaligtasan ni Donna. Ayaw kong madamay pa ang aking asawa kung makikipagputukan ako sa mga alagad ng batas. “Sandali lang! Hindi na ako lalaban. Ibaba ko ang pasyente basta walang magpapaputok! Matatamaan ninyo ang pasyente!” “Sige, ibaba mo ang pasyente. Itaas mo ang kamay mo para sumurender. Wa

