Planado kong hindi na muna susugod ang lahat. Binilinan kasi kami niEman na ako ang hayaan nina Kokoy na magplano para masukat ang aking kakayahan. Walang bilib sa akin ang mga kamasa ko. Paano ba nila paniniwalaan ang isang binatilyo. Ngunit, ang utos ay utos. Wala sa kanilang pwedeng umangal. Ramdam naman siguro nila na ako ang apple of the eye ni Mael. Kaya nga tatlo muna kaming sumugod at nagpakita para kung lalaban sila ay may mga back-up pa kami. “Ihagis na ninyo ang attache case na ‘yan dahil kung hindi, sabog lahat ang mga bungo ninyo!” banta ni Kokoy sa kanila. Dilat na dilat ang mga mat anito. Walang panginginig ang paghawak niya ng kanyang baril. Nakakagat labi pa. “Kayo! Ibaba ninyo ang inyong mga baril! Itaas ang kamay!” utos ko sa mga binatilyong kasama ang kapatid kong s

