CHAPTER 1 - BULLIED

2004 Words
"Good morning, Tita!" Dinig ko ang boses ni Duchess, ang best friend ko. But I don't care. At huwag niya akong mamadaliin, dahil hindi pa ako tapos kumain. Tinusok ko ang isang hotdog mula sa nakahaing plato dito sa mesa, at saka kinagatan ito. Sakto namang pumasok si Duchess at Nanay. "Babe! Sabi ko na nga ba, at hindi ka pa rin tapos kumain," bungad ni Duchess dito sa dining. Tinaasan ko lang ng isang kilay si Duchess, at saka ipinagpatuloy lang ang pagkain habang naglalakad si Duchess palapit sa mesa. Nasa likuran niya si Nanay. AT oo, babe ang tawagan namin ng best friend kong ito. "Babe, tara na. Alam mo namang terror ang teacher natin sa unang subject," sabi pa ni Duchess, na nakatayo na sa tapat ko. "Babe, kaya nga naglo-load na ako ng pagkain sa tiyan ko, para hindi ako nai-stress sa kasungitan ni Sir Baldivia," sagot ko kay Duchess, sabay dampot sa baso ko na may lamang juice. "Sus mio, babe... ako naman ang mai-stress mamaya sa paghatak sa 'yo papunta sa room natin. Panigurado, hindi ka na naman makakapagmadali sa paglakad niyan mamaya," reklamo ni Duchess. I am Zaekah Marie Samaniego, nag-iisang prinsesa ng Samaniego family. I am 16 years old, 5' 7" in height, but weighing 200 pounds. Itinaas ko ang dalawang kamay ko, tanda ng pagsang-ayon ko kay Duchess na titigil na akong kumain. Ano'ng magagawa ko? Ang sarap-sarap kayang kumain! At isa pa, ako yata ang taong hindi mapili sa pagkain. Basta makakain 'yan, go lang! At wala rin namang pakialam ang mga tao sa paligid ko kung mataba ako. Kaya wala naman akong nakikitang problema sa pagiging mataba ko, at okay lang din naman sa akin. "Hmm, wait. Final subo na lang." Nakita kong sumimangot si Duchess sa sinabi ko. "Eto na nga, oh... Umm! Wait. Sayang 'yung juice. Uubusin ko lang." Lalo pang sumama ang mukha ni Duchess. Sa lahat pa naman ng ayaw ko, iyong minamadali ako sa pagkain. "Wait mo na lang ako sa labas, babe. Para hindi ka mainip sa akin," sabi ko kay Duchess, pagkatapos ay tinungga ko na iyong lamang juice nung basong hawak ko. "Naku, hindi na. Hihintayin na kita. Baka kapag umalis ako, sumandok ka na naman ng kanin at ulam. Magpanibagong round ka na naman." "Tss..." sabi ko sa pagitan ng pagnguya, at saka inirapan si Duchess. Para naman kasing nanay ko itong si Dichess. Hindi naman ako na-offend sa sinabi niya. Pero, kilalang-kilala niya kasi ako, at iyon talaga ang balak ko kapag napaalis ko na siya dito sa dining table. Binigyan niya ako ng 'I-know-you-right' na tingin. "Fine," mahina kong sabi sa kanya, na may tanda ng pagsuko sa kakulitan niya. HUMIHINGAL na naupo ako sa tabi ni Duchess. Pareho kaming sa likuran naka-upo. Sasakyan nila ang gamit namin ngayon papasok sa eskwelahan, dahil coding ngayon iyong ginagamit ko na sasakyan namin na panghatid-sundo sa akin sa eskwelahan. "Ano ba 'yan. babe... mula sa bahay ninyo hanggang dito sa labas ng gate ninyo, hinihingal ka na agad?" sabi nito, habang mataman akong pinagmamasdan. Malakas akong bumuga ng hangin. "Oo nga, eh..." "Sabi na kasi sa 'yo, hinay-hinay na sa pagkain, eh." Ngumuso ako. "Masarap kumain, babe..." "Wala naman akong sinasabing hindi masarap kumain, pero limitahan mo na." Parang bigla naman akong nalungkot nang marinig ko iyong salitang 'limitahan'. Parang ikade-depress ko yata na hindi ko makakain ang lahat ng gusto kong kainin. "Babe... iyong totoo... Ang pangit ko na ba dahil sa katabaan ko?" Mataman munang tiningnan ni Duchess ang mukha ko, bago niya ako sinagot. "Hindi ka pangit, babe. Saka, 'yang mukha mo, hindi nakakasawang tingnan 'yan. Kahit nga maging dambuhala ka pa, maganda ka pa rin. Dugong Samaniego ka kaya! Wala namang pangit sa lahi ninyo. " Pinaabante na ng driver nila ang sasakyan, at naglakbay na palabas ng subdivision namin. "Ang gusto ko lang sabihin sa 'yo, babe... baka mamaya makasama naman sa health mo 'yang gana mo na 'yan sa pagkain. Alam mo... mabuti pa, samahan kitang magpa-check up sa Tita Samantha ko, at saka, magbawas ka na sa pagkain mo." Bumuntonghininga ako. "Okay," malungkot na sagot ko kay Duchess. "Hay naku... nagpapakonsiyensiya pa siya..." sabi sa akin ni Duchess na may kasamang pag-irap. Palihim akong natawa. Iyon naman talaga kasi ang purpose ko. Ganito kami ka-close ni Duchess. Mula High School ay magkasama na kami. Daig pa namin ang magkapatid, since para rin naman akong solong anak ng mga magulang ko. Dahil mula nang magka-isip ako, ang Kuya Zyrus ko, kay Ate Ysa lang lagi nakabuntot. Kulang na nga lang, pati sa bahay nila Ate Ysa, eh bantayan niya ito. "Oh, seryoso ba na malungkot ka sa magiging pagda-diet mo?" tanong sa akin ni Duchess mga ilang minuto ang nakaraan nang mapansin niyang tahimik lang ako sa tabi niya. Ngumuso uli ako. Sa totoo lang, nalungkot talaga ako. Pero hindi naman ako ganun ka-apektado. Gusto ko lang talagang konsiyensiyahin si Duchess. "Kasi, ngayon pa lang, parang nami-miss ko na iyong mga paborito kong pagkain..." "Grabe ka naman, babe, para malungkot ka nang ganyan. Para sa iyo rin naman 'yun," natatawang sabi ni Duchess, sabay palo sa braso ko. "Aray, ha..." sabi ko sabay himas sa hinampas niyang braso ko. "Eh, sa 'yun talaga ang napi-feel ko ngayon, eh," pagsusungit ko pa sa kanya. "Oo na. Naku! For sure Zaekah Marie, mahihirapan tayo sa goal mong pumayat!" komento ni Duchess. "Sino ba kasing gusto akong pumayat? Ako ngang may katawan, hindi nagrereklamo. Tapos kayo naman, masyadong affected sa katabaan ko. Hmp!" Napa-iling na lang si Duchess. "Okay, fine... nagre-remind lang po ako sa health ninyo, Mam," sarkastikong sagot ni Duchess. Inirapan ko ito. "Hayaan mo na ako sa kaligayahan ko. Maganda pa rin naman ako, ah! Di ba, Kuya Fernan?" baling ko sa driver ng pamilya ni Duchess, na nasa unahan. Dinukwang ko pa talaga ito, para itanong sa kanya iyon. Tumingin ito sa akin sa rear mirror. "Oo, naman! Kahit malusog ka, maganda talaga ang mukha mo, Zaekah. Pero mas okay siguro kung slim ka. Kapag slim ka na, pwede ka nang sumali sa mga beauty contest." Sumandal uli ako ng pagkaka-upo. "Sus, kuya! Wala akong plano sa mga pageant-pageant na yan! Iniisip ko pa lang na ilang beses kang magpapalit ng damit at costume, napapagod na ako," sabi ko, at saka ako humalikipkip. Tinawanan naman ako ni Duchess at Kuya Fernan. "Aba, eh bakit naman? Ang ganda-ganda niyang mukha mo. Pinaghalong espanyol at amerikano. Tapos, ang ganda pa bf height mo. Iyong katawan na lang talaga, Zaekah ang kailangan mong i-work out. At pasadong-pasado ka na!" nakangiting sagot sa akin ni Kuya Fernan. "Never, Kuya Fernan. Hinding-hindi ako sasali sa mga pageant na 'yan, kahit pa magugunaw na ang mundo!" MAY pagmamadali sa paglalakad namin ni Duchess mula sa pinagparadahan ni Kuya Fernan ng kotse niya, papunta sa unang subject namin, dahil nga may pagka-terror ang teacher namin dun. "Huwag ka nang magmadali, babe. Hindi na baleng mapagalitan tayo ni Sir Baldivia," diinan pa ni Duchess ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. "Hindi. Okay lang ako. Kaya ko pa naman. Aangal na lang ako, kapag hindi ko na kaya," sagot ko sa kanya, sa pagitan ng pagkahingal. "Naku, pare! Lumilindol yata? Umaalog ang semento, oh! Nararamdaman n'yo ba?" Hindi ko na sana papansinin pa iyon dahil nga sa nagmamadali na kami ni Duchess. Pero nakarinig ako ng malakas na tawanan pagkatapos nung pasaring na 'yun. Bigla akong napahinto sa paglalakad, kaya napahinto rin si Duchess na nasa tabi ko. "Babe..." tila nakiki-usap na sabi sa akin ni Duchess. Alam kasi niya na hindi ko aatrasan kung sino man ang mga iyon. Nilingon ko si Duchess. "Sumusobra na ang mga 'yan, eh!" mahina kong sagot sa kanya. "Babe, isipin mo na lang na male-late na tayo sa klase." Pero hindi na talaga ako natinag ni Duchess. Bigla akong bumaling sa likuran, at saka isa-isang tiningnan ang mga lalaking nagtatawanan doon. Ang grupo ni Maxwell ito, na pawang mga nasa Grade 12. Ahead sila ng isang taon sa amin ni Duchess. Nang makita nila akong nakatingin sa kanila ay nakakalokong lalo pa silang nagtawanan. "Ano ba'ng problema n'yo?" matapang kong tanong. "Ha? Bakit? Inaano ka ba namin?" Si Maxwell ang sumagot, ang leader ng grupo nila. "Iyon nga, eh! Inaano ka ba kayo? At lagi n'yo na lang akong pinaparinggan tuwing dumadaan ako dito sa hallway." "Babe, let's go. Huwag mo na silang pag-aksayahan ng panahon," narinig kong sabi ni Duchess sa tabi ko. "Mali-late na tauo sa first subject natin." "Mauna ka na, babe. Hindi ko na kayang palampasin ang pambu-bully na ginagawa ng mga ito sa akin," sagot ko kay Duchess, nang hindi siya tinitingnan. Ang konsentrasyon ko ay nasa limang lalaki na nasa harapan ko ngayon. "Wow? Babe... Mag-jowa kayo?" nakangising tanong ni Maxwell, sabay tawanan uli ng grupo nila. Naningkit ang mga mata ko. Alam kong pinagtitinginan na kami dito ng ibang mga estudyante, pero hindi ko na kasi kayang palampasin ang ginagawa sa akin ng grupong ito. "Alam mo... hindi ka lang bastos. Madumi pa ang isip mo. Hindi ka nababagay dito sa St. Andrew,'s sa gaspang ng ugali mong 'yan," kalmado kong sabi sa kanya. "Talaga lang? Eh, mukhang ikaw nga yata ang hindi dapat dito sa school natin, eh. Tingnan mo nga iyong semento... bawat nadaanan mo, nagbitak-bitak!" sagot sa akin nito, sabay tawa na naman nang malakas. Mas malakas pa sa tawa niya kanina. Iyong mga kasama niya ay nakitawa na rin. Para silang mga puppet na kapag pinatawa ng amo nila ay kailangan nilang tumawa! "Babe, tara na. Huwag mo na ngang pag-aksayahan ang mga 'yan. Late na tayo," narinig kong sabi ni Duchess sa tabi ko. Sasagot pa sana ako kay Duchess, nang may magsalita sa likuran namin. "Tigilan n'yo nga si Zaekah! Wala kayong kaya kung hindi ang mga babae!" Sabay-sabay kaming napalingon lahat sa bagong dating. "Phoenix?" "Wow! May tagapagtanggol si Miss Piggy..." sagot ni Maxwell sa kanya, sabay nagtawanan na naman silang grupo. Naikuyom ko ang isang kamao ko. Gusto kong suntukin si Maxwell ora mismo. "Pre, ang lakas ng loob ipagtanggol si Miss Piggy. Eh, malnourished naman ang katawan niya!" At nagtawanan na naman sila g lima. Napalingon ako kay Phoenix. Kita ko ang pagngangalit ng mga pangna niya. Naawa ako sa kanya, at sa kanya nabaling ang pambu-bully ni Maxwell. Payat kasi si Phoenix. Super payat. Actually, kung tutuusin, may katotohanan ang sinabi ni Maxwell na parang malnourished ito base sa kulay ng balat niya, at sa sobrang nipis ng katawan niya. Hindi kami close ni Phoenix para ipagtanggol ako nito. Sa katunayan, wala yatang ka-close si Phoenix sa klase namin. Lagi lang itong nag-iisa at laging nasa isang sulok kapag free class namin. Isa pang napapansin ko sa kanya, ay parang hindi ito kumakain kapag oras ng recess. Hindi rin ito nagi-stay kahit sandali pagkatapos ng klase. Sa katunayan, ay lagi itong nagmamadaling umalis, kapag natapos na ang huling subject. Nakita kong naglakad si Phoenix papunta sa amin ni Duchess. Nagulat pa ako nang kunin niya sa akin ang hawak kong mga libro. "Tara na, Zaekah. Huwag mong ubusin ang panahon mo sa mga inutil na tulad nila." Sa isang iglap ay nasa tabi na namin si Maxell, at kinuwelyuhan si Phoenix. Ganunpaman, hindi ko kinakitaan ng pagkatakot si Phoenix. Sa katunayan ay nakipagsukatan pa ito ng titig kay Maxwell. Tumaas ang isang braso ni Maxwell, umamba ito ng suntok. Hindi pa rin natinag si Phoenix, kahit na alam naman nito ang gagawin ni Maxwell sa kanya. Ako ang biglang kinabahan sa maaaring mangyari kay Phoenix. Hindi malayong hindi gawin ni Maxwell ang binabalak niya kay Phoenix. Pero sa katawan ni Phoenix na 'to, paano naman siya lalaban sa malaki at batu-batong katawan ni Maxwell? Akmang susuntukin na ni Maxwell si Phoenix, kaya iniharang ko ang katawan ko sa pagitan nila. "Tama na, Maxwell!" "Libero! Villanueva! What is this all about?!" Napalingon kaming lahat kay Mr. Macapagal, ang aming School Principal. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD