CHAPTER 2 - BUKO JUICE

2053 Words
Nasa Principal's Office kaming lahat. Ako, si Duchess, si Phoenix, si Maxwell, pati na ang apat na ka-grupo niya. Kanina pa sinisermunan ni Sir Macapagal ang grupo nila Maxwell, pero wala doon ang atensiyon ko. Mataman kong pinagmamasdan si Phoenix na nasa tabi ko. Napapagitnaan nila akong dalawa ni Duchess. Si Phoenix ang nasa may tabi ng mesa ni Principal. Naka-side view siya sa akin ngayon, at matamang nakatingin at nakikinig kay Principal Macapagal, kaya kitang-kita ko ang malalantik nitong mga pilikmata. Hindi ko alam kung paghanga o inggit ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. Eh, mas mahaba pa kaya ang mga pilikmata niya kaysa sa akin! Saka lang natigil ang pagtitig ko sa mga pilikmata ni Phoenix nang magsalita ito. "Stop calling her Miss Piggy!" galit na baling nito kay Maxwell. Bahagya akong nagulat sa pagsigaw niya. Palibhasa, busy ang utak ko sa ibang bagay. "Wala kang karapatang laitin ang anyo ng isang tao!" gigil na sabi pa ni Phoenix kay Maxwell. Huh? Ako ba ang topic nilang dalawa ni Maxwell? Malamang! Ako lang naman ang mataba sa kuwartong ito. Pero binalewala ko lang iyon, kasi mas napansin ko pa ang maninipis na mga labi ni Phoenix, na lalo pang nagmukhang manipis dahil sa galit niya. "Wow... kung ayaw mong tawagin ko siyang Miss Piggy, eh di ikaw na lang ang tatawagin kong Mr. Stickman," sagot sa kanya ni Maxwell, sabay binuntutan ng tawa. Pati 'yung mga kasama niya ay nakitawa din sa kanya. Saka lang ako parang namulat sa nangyayari nang marinig ko ang tawanan ng grupo ni Maxwell, at ang malakas na boses ni Mr. Macapagal. "Enough, Mr. Libero! Nandito ka na nga sa harap ko, and yet you do not respect me!" Saka lang tumahimik ang grupo ni Maxwell. Ganunpaman, kita sa mga mukha nila na balewala lang sa kanila ang galit ni Mr. Macapagal. Si Maxwell, nakayuko nga pero nakangisi. Ganun din ang ibang kasama niya na tila nagpipigil lang na mapangiti. "All of you! I want your parent or guardian here in my office at eight o'clock tomorrow morning. Kung hindi ninyo madadala ang mga magulang ninyo bukas, you are automatically expelled from this school," kalmado pero maigting na deklarasyon ni Mr. Macapagal. Agad na nag-angat ng tingin si Maxwell sa kanya. Galit itong tumingin kay Mr. Macapagal. "You have no right to do that, Mr. Macapagal. My parents are major stockholders in this school. Ano'ng karapatan mong patalsikin ako dito? Kung meron mang dapat umalis dito, walang iba kung hindi ang payatot na 'yan!" galit na sagot ni Maxwell, sabay turo kay Phoenix. "Rich students in this school like us, are the ones funding the scholarships of those poor students, like him. Katulad ng payatot na 'yan," dagdag pani Maxwell, habang titig na titig kay Phoenix. Mataman na nakatitig lang din si Phoenix kay Maxwell, na tila hindi man lang naapektuhan sa sinabi ng huli. "Libero! Enough! Hindi mo kailangang ipamukha 'yan sa mga scholars ng school na 'to! They strive for whatever the stockholders are spending for them. And besides, Ms. Samaniego's family has the most number of shares in this school, not yours." "For your information," dagdag pa ni Mr. Macapagal. Tila iisa ang nasa isip na ang buong grupo ni Maxwell at si Phoenix ay sabay-sabay na lumingon sa puwesto ko. Hindi sinasadyang nagkasalubungan kami ng tingin ni Phoenix, pero agad din itong nag-iwas ng tingin sa akin. NAGPAHULI na kami ni Duchess sa paglabas sa opisina ni Mr. Macapagal. Nauunang naglalakad ang grupo nila Maxwell, na malakas pang nagtatawanan, na para bang balewala lang ang nangyayaring panenermon ni Mr. Macapagal sa loob ng Principal's Office. Kasunod nila si Phoenix, na halata mong dumidistansiya nang bahagya sa grupo ni Maxwell. Nagulat na lang ako nang habulin ng tawag ni Duchess si Phoenix. "Phoenix!" Agad na huminto si Phoenix sa paglalakad, at saka nilingon kami ni Duchess. Napalingon din ang grupo nila Maxell. May sinabi si Maxwell sa grupo na naging dahilan na naman ng tawanan ng mga ito, na nakapagpalingon ni Phoenix sa kanila. Nagpatuloy lang sa paglalakad ang grupo ni Maxwell. Hindi na rin naman sila pinansin pa ni Phoenix. Napaka-cool headed talaga ng lalaking ito. Di bale, huwag kang mag-alala Phoenix. May plus one point ka sa puso ko. Lantud lang, Zaekah? Hindi ka naman pinapansin ng crush mo. Napansin ko ang nagmamadaling paglakad ni Duchess papunta sa kinatatayuan ni Phoenix, kaya binilisan ko na ring maglakad para makasunod ako agad kay Duchess. "Salamat sa pagtulong mo sa amin ni Zaekah," narinig ko na lang na sabi ni Duchess kay Phoenix, nang makarating na ako sa kinatatayuan nilang dalawa. Nasiyahan naman ako sa inakto ni Duchess, na na-appreciate niya iyong ginawa ni Phoenix para sa amin. "Pero pwede ba... bawas-bawasan mo ang lakas ng loob mo! Huwag kang makipagsabayan sa mga katawan na katulad ng kay Maxwell!" dagdag ni Duchessm na ikinadismaya ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Duchess iyon kay Phoenix. "Duchess! Nakakahiya naman kay Phoenix. Tinulungan na nga niya tayo kanina, eh." "Eh kasi naman, babe... paano kung hindi dumating si Principal kanina dun? Eh, baka nalampaso na 'to nila Maxwell." Hindi na ako nakasagot kay Duchess. Iyon din kasi ang naiisip ko. Nagulat ako nang balingan ako ni Duchess. "Isa ka pa. Ang lakas din ng loob mong iharang 'yang katawan mo dito kay payatot. Paano kung ikaw ang tinamaan ng suntok ni Maxwell na para dito sa payatot na 'to? Eh di, pati ako, nalagot sa Daddy mo?" Napamaang ang mga labi ko. "Duchess??" "Ano?" tanong ni Duchess. "Pati ba naman ikaw, nakiki-payatot diyan kay Phoenix?" sagot ko kay Duchess, sabay tingin kay Phoenix. Nakita ko naman na parang naapektuhan si Phoenix sa pagtawag ko sa kanya ng payatot. Nag-peace sign ako agad sa kanya. "Ay! Sorry, Phoenix..." saka ako alanganing ngumiti sa kanya. Binalingan ko si Duchess. "Ikaw, Duchess...para ka ring iyong grupo nila Maxwell... kung makapintas ka kay Phoenix..." sita ko kay Duchess. Pinaikot ni Duchess ang mga mata niya, at saka malalim na bumuntonghininga. "Tsk! Sorry. Naiinis lang kasi ako. Ang lakas kasi ng loob nitong makipagsabayan kanina. Eh, ang nipis naman ng kaha." Inirapan pa ni Duchess si Phoenix, bago ito tumingin sa akin. "Asus..." nilapitan ko si Duchess at saka siya inakbayan, "for sure, hindi naman itutuloy ni Maxwell 'yung kanina... puro porma lang 'yun!" Bahagyang iwinagwag ni Duchess ang braso kong naka-akbay sa balikat niya, halatang nainis ito sa sinabi ko. "Puro porma... sige nga, what if itinuloy niya?" sagot sa akin ni Duchess. Matamis kong nginitian si Duchess. "Chill... wala namang nangyari, di ba? Tapos na 'yun. Bakit ba g na g ka pa rin?" natatawang sabi ko sa kanya. Pagkatapos ay nakangiti pa rin na binalingan ko si Phoenix. "Pasensiya ka na dito. Baka magkakaregla lang itong kaibigan ko, kaya siya ganyan. Aray!" Bigla ko tuloy ibinaling ang tingin ko kay Duchess, dahil sa lakas ng pagkakahampas nito sa balikat ko, pero agad ko rin namang binalingan si Phoenix. "Thank you uli, Phoenix. Pasensiya ka na. Nalaktawan mo tuloy iyong dalawang subjects natin. Ako na ang bahalang kumausap kay Sir Torres saka Mam Remigio mamaya. Or, ang Tatay ko na lang ang bahalang mag-explain. For sure naman, malalaman niya itong nangyari. Hindi pwedeng hindi makarating sa kanya." Seryoso ang mukha na bahagya lang tumango si Phoenix. Tuloy, ay muli kong napansin ang maninipis at may kapulahang labi niya. Parang ang sarap kagatin... Zaekah Marie! Nakagat ko tuloy ang dila ko dahil sa pagsupil sa akin ng sarili ko. Hindi ko naman mapakita kay Phoenix at Duchess na nasasaktan ako, kaya dinaan ko na lang sa pagngiti. "Okay lang. Kahit huwag na. Ako nang bahala sa sarili ko. Susubukan ko na lang makahingi ng kopya ng lesson natin kanina sa ibang kaklase natin." Pati ang pagsasalita nito ay kakaiba. Lalaking-lalaki, at tila ma-awtoridad. Seryoso lagi. Parang puro pag-aaral lang ang alam nitong si Phoenix. Hindi katulad ng iba naming mga kaklaseng lalaki, kung hindi puro kalokohan ang lumalabas sa bibig eh, pambu-bully naman angn gawain, katulad ng grupo nila Maxwell. "Aray!" Agad kong tiningnan nang masama si Duchess, dahil sa sakit nang pagkakapalo niya uli sa balikat ko. "Ano ba..." reklamo ko, sabay hinaplos-haplos ko ang pinalo niyang balikat ko. "Bakit ka ba nananakit?" "Kanina pa kita tinatanong kung pupunta na ba tayo sa room natin, o mag-cafeteria muna tayo..." "Ah... nagtatanong ka ba?" nako-conscious kong sagot. My gosh! Ano ba kasing ginagawa ko, at hindi ko naririnig si Duchess? Lalo akong na-conscious nang mapalingon ako kay Phoenix, at nakita kong nakatingin din pala ito sa akin. Para tuloy gusto ko na lang maglaho bigla dito sa kinatatayuan ko. Bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko. "Babe? Bakit ka namumula?" biglang tanong ni Duchess sa akin. Agad akong napahawak sa mukha ko, dahil sa naramdaman kong biglang pag-iinit nito. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Phoenix na tumingin pa kay Duchess, pagkatapos ay sa akin. Naramdaman ko naman ang pagbilis pa lalo ng t***k ng puso ko. "Ano... parang ano kasi..." Sh*t! Ano ba kasi'ng dapat na sabihin ko? "Ano, babe? Okay ka lang ba? Ha?" tila natatarantang tanong sa akin uli ni Duchess. "Ano... Wa-Wala! Okay lang ako. A-Ano lang kasi--" Hindi sinasadyang napatingin uli ako kay Phoenix, na nakatingin pa rin sa akin. Shocks! Ano ba kasi'ng idadahilan ko? "A-Ano kasi... parang nag... nagpa-palpitate yata ako..." Ay sorry na po, Lord sa pagsisinungaling ko... "Ha? Nahihirapan ka bang huminga? Bakit? Ano pa'ng ibang nararamdaman mo?" natatarantang sunod-sunod na tanong sa akin ni Duchess. "Ha?" Bigla tuloy akong na-guilty sa pagsisinungaling ko sa nakikita kong pag-aalala ni Duchess sa akin. "A-Ano... naga-anxiety attack lang siguro ako sa nangyari kanina. Oo. 'Yun nga. Wa-Wala 'to. Lilipas din 'to." Ang kailangan ko ngayon ay makalayo sa taong dahilan ng ipinagkakaganito ko, Duchess! "Gusto mo bang tawagan ko na sila Tito at Tita?" Duchess is pertaining to my parents. "Ha?? Of course, no! I mean... hindi na kailangan. Ipapahinga ko lang ito, okay na. No need na tawagan sila." Napa-irap pa ako kay Duchess. Gusto ba niyang ma-grounded ako kay Tatay? "Alam mo, ang mabuti pa, mag-cafeteria na lang tayo. Tama, babe. Kailangan ko lang ikain 'to," sabi ko na lang kay Duchess, kahit hindi naman ako gutom. "Ikain?? Sus mio, babe... kain na naman?" nanlalaki ang mga matang pagkontra ni Duchess sa sinabi ko. Anak ng! Duchess naman... makisama ka naman muna... Ang gusto ko lang naman ay makalayo kay Phoenix. Pakiramdam ko kasi hindi ako makahinga kapag ganitong nasa malapit siya at nakatitig siya sa akin nang katulad ng tingin niya sa akin ngayon. Pakiramdam ko, kapag nagtagal pa ang mga tingin sa akin ni Phoenix, matutunaw na ako dito! "Sa clinic kaya tayo magpunta, babe?" suggestion pa ni Duchess. Hindi sinasadyang napalingon ako kay Phoenix, na ngayon ay magkasalubong na ang mga kilay habang nakatingin sa aming dalawa ni Duchess. Clinic? Ipapahamak ba ako ni Duchess? Wala sa loob na umikot ang mga mata ko. Hindi sinasadyang nahagip ng tingin ko ang isang puno na kahawig ng puno ng buko, pero mas mababa ito. "Buko," wala sa loob na nasabi ko pala. "Buko?" narinig ko na ulit ni Duchess sa sinabi ko pero patanong. Nilingon ko si Duchess. Nakatunganga itong nakatingin sa akin. "O-Oo. Buko... juice. Tama! Buko juoce. Gusto ko ng buko juice! Tara na sa cafeteria. Gusto ko nga ng buko juice." "Ha??" "Oo. Tara na, babe! Bilis na! Baka maubusan ako. Sige na, Phoenix. Bye na, ha..." Hindi ko na tinapunan ng sulyap man lang si Phoenix, Baka kasi nahahalata na niya ang kilos ko. Nakakahiya... Hinila ko na si Duchess paalis sa lugar na iyon, kasi kung magtatagal pa kami, matutunanaw na talaga ako sa kahihiyan kay Phoenix Villanueva, ang super duper ultimate crush ko sa lahat ng naging crushes ko. Medyo nakalayo na kami ni Duchess sa pinag-iwanan namin kay Phoenix. Hila-hila ko pa rin si Duchess papunta sa cafeteria. Pinangatawanan ko na lang din na gusto ko talaga ng buko juice. Dumerecho na kami agad sa counter, para umorder. "Ate, one avocado shake please," sabi ko sa cafeteria staff. "Akala ko ba buko juice ang gusto mo?" narinig ko na lang na tanong ni Duchess sa tabi ko. Shocks! Oo nga pala... "Buko shake na lang pala, Ate..." ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD