Chapter 8

1047 Words
LEYANA Kinaumagahan ay nagising akong mag isa na lang ako dito sa kama. Napatingin ako sa hubad kong katawan. Ni-hindi man lang nagawa ni sir Bradley na takpan ng kumot ang katawan ko bago niya ako iwanan dito sa kwarto. Masakit ang buong katawan ko, as super sakit ng mga kasukasuan ko na para bang buong araw akong naglinis at naglaba ng bahay at mga damit nila tita Jilda. Paano ba naman hindi sasakit ang katawan ko, nagising na lang ako na nasa ibabaw ko na si sir Bradley. Ang akala ko ay natapos na siya sa akin kagabi, hindi pala dahil ilang beses pa niya na inangkin ang katawan ko sa paraan na gusto niya, kaya napagod ako ng sobra… Napangiwi ako ng maingay na tumunog ang tiyan ko. Gutom na gutom na ako. Sanay naman akong malipasan ng gutom dahil madalas akong nauubusan ng pagkain nila tita Jilda, pero ngayon ay kakaiba. Hindi ko kayang tiisin ang gutom ko dahil nanghihina ako sa pagkahapo ng katawan ko. “Gutom na talaga ako…” sambit ko at wala sa sarili na gumalaw upang tumayo sa kama. Napangiwi akong bigla dahil sa sakit sa pagitan ng aking mga hita kaya naman hindi ko natuloy ang pagbangon ko sa kama. Ka agad akong napabaling ng tingin sa pinto nang marinig kong bumukas iyon at pumasok ang isang may edad na babae, may dala ito na tray ng pagkain. Mabilis na kumalam ang sikmura ko sa amoy ng masarap na agahan. Lihim akong napangiti dahil sa wakas ay malalaman na ang tiyan ko. Gutom na gutom na kasi akong talaga. As in empty na ang lakas sa buong katawan ko. “Magandang umaga, hija!” nakangiti na bai nito sa akin. Napalunok at nahihiya na nag iwas ng tingin sa kanya dahil nakita kong napatitig siya sa mga saplot namin ni sir Bradley na nagkalat sa lapag. Kaagad kong hinila ang kulay puting kumot saka ko tinakip sa hubad kong katawan. Ano ba ‘to? Bakit ba naman hindi ko naisip na takipan ng kumot ang katawan ko. Nakakahiya tuloy sa babae. Tahimik na nilapag ng babae ang tray na dala nito sa side table malapit dito sa kama. “Mauna ka na daw mag almusal, hija, si senyorito ay mamaya na lang dahil nag-eexercise pa siya sa labas.” nakangiti nito na sabi. “S-salamat po,” tipid at nahihiya kong sagot na hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata nito. “Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka, hija,” Paglabas ng babae ay kaagad akong kumilos kahit masakit ang gitna ko. Hindi ko na talaga kaya ang gutom, Kaya naman kahit sobrang sakit ay pinilit ko ang tumayo at kunin ang tray ng almusal ko. Nang hawak ko ang tray ng pagkain habang nakaupo ako sa kama ay napatitig ako sa almusal na hinanda sa akin ng babae. Napapikit ako nang mahilam ang mga mata ko ng aking mga luha. Sa talambuhay ko, ngayon palang ako makakakain ng ganito karaming pagkain… May bacon, egg, hotdog, sliced bread and gatas. Sa bahay kasi ni tita Jilda ay madalas na tira tira lang ang pagkain na kinakain ko… Wala akong maayos na pagkain sa puder ni tita Jilda simula pagkabata ko. Makakain man ako ng masarap tulad ng cake kung may mag-bibirthday na kapitbahay namin at bibigyan ako ng palihim. May mga umaga pa nga na kahit ako ang nagluto ng almusal ay tanging kape lang ang pupuno sa gutom kong sikmura. May mga gabi rin na natutulog akong kumakalam ang tiyan ko dahil naubusan ako ng hapunan ng pamilya ni tita Jilda. At ang pinaka masakit at mahirap sa lahat ay noong elementary ako na papasok ako sa school na gutom at walang baon… Luma ang uniform at pinaglumaan mga school supplies and bag ng anak ni tita Jilda. Sa tuwing may mga even sa school ay walang ina o ni kamag anak ang dumadalo para sa akin… Sanay akong mag isa. Dahil mag isa lang naman talaga ako. Si tita Jilda ang kaisa isa kong kamag anak pero hindi niya ako itinuturing na kamag anak… Kun ‘di isang katulong… Pero naisip ko, mabuti pa ang katulong. May maayos na pagkain kahit paano, may sweldo. Ako? Kahit nasa akin na ang lahat ng gawain sa bahay ni tita Jilda, balewala parin ‘yon sa kanya. Pabigat at malas sa buhay pa rin niya ako kung iturin at hindi isang pamangkin… Naghahalo ang lasa ng bacon at luha ko dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong tumahan. Ganito pala ang feeling ng walang kaagaw sa pagkain… Yung hindi ako mauubusan dahil para talaga sa akin ito. Siguro kung buhay si Mama, hindi ganito ang buhay ko… Hindi ko naranasan ang lahat ng pasakit ni tita Jilda sa akin… Pero ganun pa man, utang ko pa rin kay tita Jilda ang lahat. Kinupkop niya at binihisan kahit paano. At sapat na sa akin ‘yon, kasi alam ko naman na hindi niya ako minahal bilang anak ng kapatid niya, ng Papa ko. Pagkatapos kong lunukin ang bacon sa loob ng bibig ko ay ang hotdog naman ang sunod kong tinikman. Ang sarap! Ang sarap, sarap ng hotdog! 18 years old na ako pero ngayon ko lang nagawang namnamin ng ganito ang hotdog, noon kasi… palihim lang ako kung tumikim at kumain ng hotdog dahil ang sabi ni tita Jilda ay sapat lang ‘yon sa dalawang anak niya at sa kanila. Toyo at mantika lang ang madalas kong ulamin or ‘di kaya naman ay kape… Yung kape na black coffee talaga. At kung minamalas pa ay kape na walang asukal ang madalas kong ilaman sa kumukulo kong sikmura dahil hindi nakabili si tita Jilda dahil mahal daw ang kilo ng asukal. Nang malunog ko ang hotdog sa loob ng bibig ko ay egg and sliced bread naman ang sumunod kong tinikman. Lumuluha na napapikit ako ngunit may luha sa aking mga matang ninamnam ko ang egg at bread sa loob ng bibig ko. Ang sarap ng almusal ko ngayon! Dumilat ako at kinuha ko ang isang baso ng gatas saka ko inisang lagok iyon. Bihira akong makainom ng gatas dahil mahal sabi ni tita Jilda at para lang 'yon sa dalawang anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD