bc

THE SINNER WIFE

book_age18+
787
FOLLOW
4.7K
READ
billionaire
dark
forbidden
love-triangle
possessive
badboy
city
reckless
intersex
stubborn
like
intro-logo
Blurb

❗️ R- ? SPG❗️

❗️NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.❗️

❗️THIS SYORY IS ON HOLD AT THE MOMEMT, WILL CONTINUE SOON❗️

"Gusto kong bigyan mo ako ng anak,"

Pakiramdam ko ay tumayo ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan ko dahil sa narinig ko ng sinabi ng kaharap ko.

"A-nong sabi mo? G-gusto mo na bigyan kita ng anak?! Nababaliw ka na ba, ha? Bradley? Kapatid mo si Simon, ang asawa ko, kaya alam mong hindi pwede 'yang gusto mo! Alam kong ginagawa mo 'to para makapaghiganti ka sa kanya. Pwes, makinig kang mabuti sa sasabihin ko sa 'yo. Itigil mo na 'tong kabaliwan mong 'to, dahil mahal ko ang kuya mo, at hindi ko kayang magpabuntis sa lalaki na kapatid ng asawa ko—"

"Kuya is no longer with us, Leyana! Patay na siya kuya, at kahit na anong gawin mo, hindi na siya babalik sa 'yo! Wala kang choice, Leyana. Just give me a f*****g child kung gusto mong tigilan ka na ni Mama! I want protect you from her, at magagawa ko lang yun kung magkakaroon tayo ng anak, Leyana, kaya sa ayaw at sa gusto mo, bubuntisin kita, and that's final!"

Si Leyana ay produkto ng isang forbidden affair, ulilang lubos at lumaki sa puder ng malupit at sugarol niyang tita Jilda. Kaya naman ng mabaon ito sa utang, binenta siya nito sa night club upang maging prostitute.

Sa unang sabak niya sa night club ay tatlong lalaki na kaagad ang gustong kumuha ng serbisyo niya. Ngunit bago pa pag pyestahan ang katawan niya ng tatlong vip customer niya ay nakilala niya si Bradley, sinagip siya nito at inalis sa night bar.

After five years, muling nag-krus ang landas nila ng lalaki.

Yoan Bradley was her husband’s younger brother. At simula ng pumasok si Bradley sa buhay nila ng asawa niya. Everything becomes tricky and complicated.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
T-Tito, R-Ruel? A…ano po ang ginagawa ninyo rito sa kwarto ko?" Magkahalong takot at gulat na tanong ko kay Tito Ruel. Nang magisnan ko siyang nasa loob ng aking kwarto at naka-tayo di-kalayuan sa kama ko. Hindi siya sumagot sa akin. Bagkus ay lumapit pa ito palapit sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ako sa hita. At marahan na pinisil ako roon. Napalunok ako nang amoy-amoyin niya ang buhok ko. Iniwas ko ang ulo ko palayo sa kanya. "Tito, Ruel, may kailangan po ba kayo?" Pilit kong pinakalma ang sarili, nagkunwaring hindi natatakot sa bagay na maaring mangyari sa akin anumang sandali habang nasa loob ng kwarto ko si Tito Ruel. Ngumisi ito sa tanong ko. At mas diniinan ang pagpisil sa hita ko. "Ikaw ang kailangan ko. 'Di ba gusto mong mag-aral? Kakausapin ko ang Tita Jilda mo na papasukin ka sa school. Pero sa isang kondisyon," bulong na sagot niya sa akin at akma sana niya akong hahalikan sa leeg ko. Mabilis ko siyang tinabig at tumayo ako kaagad sa kama ko. "Sandali Tito, ano po bang ginagawa n'yo—?" "Pwede ba Leyana! 'wag ka nang mag-inarte pa. Alam ko naman na gusto mo rin 'to 'di ba?" Putol na sabi niya sa akin at mariin akong hinawakan sa dalawang braso. Malakas ko siyang sinampal at itinulak. Nakita kong nanlisik ang mga mata niya dahil sa ginawa ko. Hinila niya ang buhok ko at sinadlak ako sa kama. "Tito, 'wag po! Pakiusap!" nagmamakaawa na sabi ko. Nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang takot. Pilit niyang tinakpan ang bibig ko, pero nagpumiglas ako at muling sumigaw ng malakas. "Tulong, tulungan n'yo po ako! Tita Jilda tulong!" Sigaw ko at pinagsasampal ko siya. Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto ng kwarto ko. Akma ko na sanang pipihitin pabukas ang seradura ng pinto nang muli ay hilahin niya ako sa buhok. "Sa palagay mo ba matatakasan mo ako, huh? Malaki na rin ang nagastos ko sa iyo. Kaya dapat na kitang singilin," sabi ni Tito Ruel sa akin at hinaklit ang damit ko. Nagsimulang mangilid ang mga luha ko nang marinig ko na napunit iyon. "Tita, Jilda! Tulong po! Tita Jilda, pakiusap tulungan mo ako!" Tinakpan ni Tito Ruel ang bibig ko ng palad niya. "Huwag ka nang sumigaw pa riyan, dahil wala namang makakarinig sa iyo," kinaladkad niya ako papunta sa kama at isinalya ako roon. Gulat na bumaling ng tingin si Tito Ruel sa gawi ng pinto nang bumukas iyon at iniluwa si Tita Jilda na tila umaapoy ang mga mata sa galit—sa akin? "Walang hiya kang babae ka!" galit na galit na sigaw ng Tita Jilda sa akin. Inilang hakbang niya ang kinaroroonan namin at sinabunutan ako sa buhok. "Hayop ka! Pinakain at dinamitan kita! Tapos ano? Ito pa ang igaganti mo sa akin? Hindi nga ako nagkamali. Manang-mana ka talaga sa nanay mong haliparot!" dagdag na sabi ni Tita Jilda sa akin at walang tigil na pinaulanan ng malakas na sampal ang magkabilaan kong pisngi. "Tita, tama na po…hindi po totoo ang iniisip n'yo. Si Tito Ruel po ang lumapit sa akin—at…" umiiyak na sagot habang sinasalag ang bawat hataw ng kamay ni Tita Jilda sa akin. Mas lalong sumikdo ang galit ng Tita Jilda sa narinig na sinabi ko. Mas pinag-igi pa nito ang pananakit sa akin na hindi ko naman alam kung bakit siya sa akin nagagalit. "Isa kang sinungaling! Katulad ng walang hiya mong ina! Kayo ng ina mo ang dahilan kung bakit namatay ang dalawang kapatid ko! Mga hayop kayo! Tapos ngayon pati na ang tao na nagpapakain sa’yo ay wawalanghiyain mo pa? Anong klase kang tao?" "Hindi po Tita, hindi po totoo ang iniisip n'yo," tumingin ako kay Tito Ruel na nasa likod Tita Jilda habang nakangising pinapanood akong sinasaktan ng asawa nito. "Tito, pakiusap po. Sabihin n'yo po ang totoo. Sabihin n'yo po na kayo ang pumasok rito sa kwarto ko at pilit n'yo na gustong hubaran ako. Pakiusap Tito… sabihin n'yo po ang totoo..." umiiyak na pagmamakaawa ko kay Tito na nagtangkang gumawa ng masama sa akin. Mabuti na lamang ay naisipan ni Tita Jilda umuwi ng bahay galing sa pakikipaglaro ng mahjong sa kapitbahay. Kung nagkataon ay hindi ko na talaga alam ang mangyayari sa akin. Matagal ko ng napapansin ang kakaibang kinikilos ni Tito Ruel sa akin. At nang sumapit na ako sa aking ika-labing walong taon ay mas lalo naging kakaiba ang kilos niya sa akin sa tuwing wala sa bahay si Tita Jilda at ang dalawang mga anak nila. Gusto ko man sabihin iyon kay Tita Jilda ay hindi ko magawa. Dahil natatakot ako na hindi siya maniwala sa akin, panigurado na masasaktan lang ulit ako. "Ano'ng hindi totoo ang sinasabi mo? Hindi ba't hinila mo ako papasok dito sa loob ng kwarto mo. At pagkatapos ay pilit mo akong inakit, kapalit nito ay para kausapin ko ang Tita mo na pag-aralin ka?" Nakangisi na pagsisinungaling na sagot ni Tito Ruel. Umaagos ang mga luha na sunod-sunod akong umiling sa hindi pagsang-ayon sa sinabi niya. "H-hindi 'yan totoo. Hindi 'yan totoo Tito! Ikaw ang pumasok dito sa loob ng kwarto ko habang natutulog ako—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil muling lumapat sa mukha ko ang malapad na palad ng Tita Jilda. "Malandi ka! Hayop ka! Balak mo pang akitin ang asawa ko, ah? Para ano? Para makapag-aral ka? Itong tatandaan mo, hinding-hindi ko pagtitiyagaan na gastusan ng pera ang pag-aaral ng isang tulad mo na malas sa buhay!" Inawat ni Tito Ruel si Tita Jilda sa pananakit sa akin nang makita na halos hindi ko na kayanin ang pananakit ni Tita Jilda. "Mahal, tama na 'yan. Maawa ka na sa kanya. Bata pa siya at hindi pa niya alam ang ginagawa niya. Isa pa, kahit naman ano'ng gawin niya na pang-aakit sa akin, hindi niya 'yon magagawa, dahil mahal na mahal kita at loyal ako sa 'yo," sabi ni Tito Ruel kay Tita Jilda, at pilit na inilalayo sa pagkakadagan sa katawan ko. Hinalik-halikan nito ang asawa hanggang sa unti-unting nawala ang galit nito at tuluyang bumitaw sa pagkakahawak sa buhok ko. "Tara na mahal, hayaan mo na 'yang pamangkin mo. Hindi ko naman siya papatulan kahit anong gawin niya, dahil ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko. At mahal na mahal kita," malambing na sabi ni Tito Ruel kay Tita Jilda at tuluyan ng hinila palabas ng kwarto ko. "Well, mabuti naman kung ganoon. Dahil sa oras na agawin ka sa akin ng haliparot na babae na 'yan, baka mapatay ko siya!" Narinig kong banta ni Tita Jilda sa akin. Humihikbi kong pilit na iginalaw ang buong katawan ko. Hindi ako makahinga ng maayos at namimilipit sa sobrang sakit ng ulo ko sa kakasabunot ni Tita Jilda sa akin. Manhid at tila nangangapal ang magkabilang pisngi ko sa sobrang sakit dahil sa walang habas na pananampal ni Tita Jilda. Bigla akong napatigil sa pagtayo nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa niyon ang nakangisi na mukha ni Tito Ruel. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, hindi ka paniniwalaan ng Tita mo. Kung nakisama ka na lang sana sa akin. 'Di sana napilit ko pa ang Tita mo na pag-aralin ka," madiin niya akong hinawakan sa braso at mayamang pinagkatitigan. "Makukuha rin kita, at sa susunod na gawin mo sa akin ang ginawa mo kanina, malalagot ka sa akin! Tandaan mo 'yan!" mariing banta ni Tito Ruel, at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas. Napahagulgol ako ng iyak. Bakit ba ang napakamalas ng buhay ko? Buong buhay ko ay kaakibat ko na ang kasalanan ni Mama sa pamilya ni Papa. Ang sabi ni Tita Jilda ay inakit ni mama ang kapatid ni Papa na si Tito Lance, kaya nagkaroon ng lihim na relasyon ang dalawa. At ako ang naging bunga ng nakakalason na pag-iibigan na iyon. Kaya galit na galit si Tita Jilda sa akin. Sa tuwing nakikita raw kasi niya ako ay bumabalik sa alaala niya ang lahat ng mapait na nakaraan. Namatay ng inatake sa puso si Papa sa sobrang sama ng loob nang malaman niya ang lihim na relasyon ni mama kay Tito Lance na siyang tunay na ama ko. Si Mama at Tito Lance naman ay pumanaw rin sa isang car accident dahil nag-agawan ang dalawa sa manibela ng sasakyan. Ipinikit ko ang mga mata na hilam sa sariling luha. Sa isang iglap lang, nawala sa akin ang lahat. Kaya pala ramdam ko na kakaiba ang trato sa akin ni Papa noon. Si Tito Lance naman ay mabait sa akin at palagi niya akong binibilhan ng lahat ng gusto ko. Siguro, kung buhay lang sila, masaya sana ang buhay ko ngayon. At kung buhay si mama, tatanungin ko siya kung bakit… kung bakit niya hinayaang maging ganito ang buhay ko? Kung bakit ako ang dapat na magdusa sa kasalanan niya? Ayaw kong magalit kay mama. Pero sa tuwing pinaparamdam ni Tita Jilda sa akin ang kalupitan niya dahil sa kasalanan niya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na kamuhian ko siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook