Chapter 2

2032 Words
LEYANA "Tita Jilda 'wag niyo po akong iwan dito! Please, Tita Jilda 'wag po!" sigaw kong pagmamakaawa kay tita jilda nang iwan niya ako dito sa babae na kausap niya. May inabot na sobre ang babae kay tita Jilda at pagkatapos ay hindi na niya ako muling hinarap pa. Tumakbo ako upang habulin si Tita dahil para itong bingi na kahit sobrang lakas na ng aking pag sigaw ay hindi pa rin niya ako narinig. "Tita hintayin niyo po ako!" sigaw ko at tumakbo ako papunta sa kanya ngunit mabilis na may humawak sa aking braso na isang lalaki. Tinignan ko ang kamay nito na nakahawak sa aking braso. "Binitawan niyo po ako! Pakiusap po! Ang Tita Jilda ko iniwan na ako!" umiiyak na pagmamakaawa ko sa lalaki. Ngumisi lang ito sa akin at pumaling ng tingin sa babae na kausap ni tita Jilda kanina. "Dalhin mo dito 'yan," utos ng babae sa lalaki na nakahawak sa aking braso. "A-ayoko po!" piglas na sigaw ko nang kaladkarin ako ng lalaki patungo sa lamesa na kinauupuan ng babae. Pasadlak akong pinaupo ng lalaki pero dahil nagpipipiglas ako ay bumagsak ako sa lapag. "Ingatan mo s'ya! Malaking pera ang binayad ko sa Tita ng babae na 'yan!" sigaw ng babae sa lalaki dahil sa aking pagbagsak sa lapag. Kaagad na inaalalayan ako ng lalaki at tinayo at pagkatapos ay in-upo sa silya. "Sorry, boss, ang tigas kasi ng ulo e!" sagot ng lalaki sa babae. Tinitigan ako ng babae simula sa aking ulo at lahat ng parte ng katawan ko, pero mas napako ang mga mata nito sa aking dibdib. Kumibot ang labi nito pangisi na animoy nanalo ito sa lotto. "Mm…Not bad, mababawi ko ng triple ang hininging kabayaran ng Tita Jilda mo sa 'yo," sabi nito na nakatitig pa rin sa akin... sa aking mga hita. Short lang ang suot ko at simpleng sando dahil ang sabi ni tita ay sapat na ang ganitong suot ko. Naalarma ako sa aking narinig na sinabi ng babae. "A-ano po ang ibig mong sabihin? Nasaan na po ang Tita Jilda ko?" kinakabahan na tanong ko sa babae. "May utang sa akin ang Tita Jilda mo na seventy thousand, plus nagpadagdag pa siya ng one hundred thousand kapalit mo. Malaking halaga ang pinakawalan ko sa 'yo kaya dapat mabawe ko 'yun sa 'yo." Mas lalo akong naguluhan sa sagot nito sa akin. Pero ang tanging alam ko lang ay may utang si tita sa babae at kumuha pa ng additional one hundred thousand ang tita ko bilang... kabayaran sa akin? BININTA AKO NI TITA JILDA! Tumango-tango sa akin ang babae nang makitang nag-sink in na sa aking isipan ang ginawa ni tita Jilda. Pinambayad niya akong ng utang niya sa babae at humingi pa ito ng karagdagan pera. Tita Jilda... Hindi ko napigilan ang aking pagluha na napatitig ako sa babae. Nagsindi ito ng sigarilyo tsaka binuga sa muka ko ang usok. Napa-ubo ako dahil sa usok ng sigarilyo na kumalat sa mukha ko. "Alam kong hindi ka naman mangmang para hindi mo ma-gets ang nangyayari, pero sige, ipapaliwanag ko pa rin sa 'yo para naman malinaw ang lahat." tumayo ito at lumakad papunta sa aking likuran. Hinaplos niya ang aking buhok pababa kaya napapitlag ako nang hawakan niya ako sa aking balikat. Piniga pa niya ng bahagya. "Kung ako sa 'yo, magpapasalamat ka pa sa akin dahil matagal na kitang niligawan sa Tita Jilda mo." muli itong lumakad at umupo sa silya na tinayuan nito at tinitigan ako. "Gago talaga 'yang si Ruel, akalain mong pamangkin ng ka-live in partner n'ya e gusto pa n'yang taluhin!" may gigil ng inis sa tinig ng babae na sabi. "At 'yang Tita Jilda mo, mas yadong bulag sa Ruel na 'yon. Kaya mabuti na lang talaga at hindi natuloy ang masamang balak sa 'yo ng hayok sa laman mong Tito. Dahil alam mo, kung natuloy man ang masamang balak sa 'yo ng lalaking 'yon ay hindi ka kakampihan ng Tita Jilda mo. Ang Tito Ruel mo pa rin ang pipiliin nun kaysa sa 'yo. At alam ko naman na alam mo na rin ang bagay na 'yan," Napalunok ako sa sinabi ng babae. Tama naman ito dahil kahit sinabi ko kay tita na hindi ko inakit si tito Ruel ay sa akin pa rin siya nagalit. Ako pa rin ang lumabas na masama sa kanya. Alam kong mahal na mahal ni tita Jilda si tito Ruel kaya galit na galit siya sa akin dahil balak ko pa raw agawin sa kanya ang asawa niya. Pero bakit ko naman gagawin ang bagay na 'yon sa kanya. Hindi ko kayang akitin si tito Ruel dahil nirerespeto ko ito dahil asawa siya ni tita Jilda. "Ano po ang gagawin niyo sa akin..." lakas loob na tanong ko sa babae. Tama naman ito, hindi ako mangmang para hindi ko malaman kung ano ang ginawa ni tita Jilda sa akin. Beninta niya ako sa babae na nasa harapan ko ngayon. Nilibot ko ang aking mga mata dito sa loob ng kinaroroonan ko. Sa tingin ko ay restaurant ito. Siguro sa gabi lang nagbubukas kaya naman sarado sila ngayon umaga dahil naka taob ang mga silya sa ibabaw ng lamesa. Napatingin ako sa harapan... sa stage na may mga ilaw... Ano itong lugar na pinag dalan sa akin ni tita Jilda... Club... "170,000 ang pera na pinakawalan ko sa tita Jilda mo, hindi naman gan'on ka big time ang club ko kaya iisipin ko pa kung kanino kita ibibigay na mayamang pulitiko para mabawi ko ang pera na pinuhunan ko sa 'yo." So tama nga ang hinala ko! Sa Club ako dinala ni tita! Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at tumakbo papunta sa naka saradong pinto. Hindi ako sinundan ng lalaki kaya naman binilisan ko ang aking pagtakbo ngunit ng sapitin ko ang pinto ay bumagsak ang aking dalawang balikat at mabilis na bumalong ang aking mga luha. Naka-lock ang pinto... Tita Jilda... Bakit niyo po ito ginawa sa akin... Napaluhod na lamang ako sa lapag at niyakap ang aking sarili. Wala na. Wala ng pag-asa pa na makawala ako sa lugar na ito. Tuluyan na akong iniwan at bininta ni tita Jilda sa babae. May narinig akong yabag ng mga paa mula sa aking likuran pero hindi ako pumaling ng tingin rito. Yumuko ang babae saka hinaplos ang aking mahabang buhok. "Magpasalamat ka sa akin dahil may puso pa rin ako para sa 'yo, girl. 'wag kang mag-alala, hindi naman kita ibibigay sa kung sino-sino lang. Big time ang pagbibigyan ko sa 'yo kaya napakaswerte mo." Sabi nito. "G-gusto ko na pong umuwi..." humihikbi na sagot ko. Tumawa ito ng malakas. "Sorry, girl, pero malabo na 'yang gusto mo. Kaya kung ako sa 'yo, makipag tulungan ka na lang sa akin para pare-pareho tayong hindi ma-stress. Easy lang naman ang gagawin mo dito sa club, pasayahin mo lang ang guest natin. Ganun lang kadali," Tumayo ako at hinarap ko ang babae. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Ayaw lang nito na deretsuhin ako. "Pasasayahin ang mga guest dito sa loob ng club mo? Trabaho po 'yon ng isang bayarang babae 'di po ba?" malakas ang t***k ng aking dibdib na matapang na tanong sa babae. Ngumisi ito sa akin at pagkatapos ay hinaplos ng marahan ang aking pisngi. "Tama nga ang Tita Jilda mo, matalino kang bata... Maganda, at higit sa lahat... You're so pure kaya mapagkakakitaan kita." ang marahan na mga haplos ng babae sa aking pisngi ay dumiin saka ako hinawakan sa aking panga. "Mabait ako, Leyana, girl. Babae rin ako kaya alam ko ang pakiramdam ng nasa sitwasyon mo. Tulad mo ay nakaranas rin ako ng pagmamalupit mula sa aking mga kamag-anak kaya napadpad ako dito sa club. Pero gusto ko rin sabihin sa 'yo na ang pagiging mabait ko ay may hangganan. Pera ang dahilan kaya ka nandito kaya ngayon, ang sabi ng tita Jilda mo eh pampabawe mo lang daw sa kanya ang pera na pinag bentahan sa 'yo sa pagpapalamon sa 'yo simula ng mamatay ang Nanay mo. You see, malupit ang mundo, girl. Kaya dapat lang na maging matapang ka sa lahat ng hamon ng buhay." binitawan nito ang panga ko. Tumingin ito sa lalaki. "Dalhin mo na 'yan sa taas," utos ng babae sa lalaki. Gustuhin ko man mag pumiglas at sumigaw ay hindi ko magawa. Useless lang din naman kung gagawin ko ang bagay na 'yon. Hinawakan ako sa braso ng lalaki saka sinimulan na hilahin ako sa kung saan ako dadalhin nito. "Sandali," pilgil na sabi ng babae kaya napatigil kami sa aming paglalakad at napabaling ng tingin rito. "Ano po 'yon, Madam?" tanong ng lalaki sa babae. "Ingatan n'yo ang babae na 'yan," bilin nito sa lalaki. "Yes, Madam!" sagot naman ng lalaki at muli akong hinila sa braso palayo. Dinala ako sa itaas ng lalaki kung saan maraming kwarto. Tumapat kami sa isang pinto at binuksan iyon. Napatingin sa amin ang may-edad na babae sa pagkagulat. "Oh, may bago. Ingatan daw 'yan sabi ni Madam," wika nito sa may edad na babae. Binitawan ng lalaki ang braso ko at lumapit sa akin ang may edad na babae. "A-ang bata naman nito..." puno ng nanghihinayang na sambit ng may edad na babae at hinawakan ako sa palapulsuhan ko. "Tiba-tiba sa babae na 'yan si Madam, kaya alagaan mong mabuti 'yan!" nakangising sagot ng lalaki. "Sige na, iwanan ko na siya sa 'yo, bahala ka na sa kanya," sabi pa nito at lumabas na ng pinto. Nangilid ang aking mga luha nang maramdaman ko na may mabuting puso ang may edad na babaeng kaharap ko. Hinaplos niya ang likod ko. "Ano ang pangalan mo? At paano ka na punta dito? Napaka bata mo pa ija para masayang ang buhay mo sa lugar na 'to..." "L-Leyana po ang pangalan ko..." humihikbi na sagot ko. "Maupo ka muna dito, ija," pinaupo niya ako sa kama. Sa tingin ko ay kwarto niya ito. "Ako naman si Aling Marian, kusinera ako dito," pakilala nito sa akin sa kanyang pangalan. Umupo ito sa aking tabi. "Paano ka na punta dito?" ulit na tanong nito sa akin. "Ang Tita Jilda ko po... Binenta ako doon sa babae sa ibaba..." patuloy pa rin ang aking pagluha. Tinitigan ko ito sa mga mata. "Tulungan niyo po ako para makatakas dito sa lugar na 'to. Parang awa niyo na po Aling Marian, bata pa po ako at ayoko po dito..." napahagulgol ako ng iyak at napayakap sa kanya. "Kaka-18 years old ko palang po, marami pa po akong pangarap sa buhay ko. Ayoko po dito!" sambit ko kasabay ng aking paghikbi. Hinaplos ni Aling Marian ang likod ko. "Pasensya ka na ija, gusto man kitang tulungan ay hindi ko magagawa dahil bantay sarado tayo ng mga tauhan ni Madam Carla," malungkot na sabi ni Aling Marian sa akin. Maya-maya ay muling bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin ni Aling Marian sa pinto. "Oh, mga damit mo." wika ng lalaki kanina na naghatid sa akin dito sa kwarto. Binaba nito ang bag ko... Si Tita Jilda ang nag-ayos ng mga damit ko siguro dahil hindi naman ako nag-impake ng mga iyon. Pumaling ito ng tingin kay Aling Marian saka nagsalita. "I-ready mo daw ang babaeng 'yang sabi ni Madam dahil may costumer na 'yan mamaya!" sambit nito at pagkatapos ay lumapas na ulit ng pinto. Napa hagulgol ako ng iyak pagkasarado ng pinto. Ang lupit mo Tita Jilda... Ang lupit-upit mo... "Tama na 'yan, ija, mamalatin ka na niya kakaiyak mo, hindi matutuwa si Madam Carla pag minalat ka dahil may customer kana mamaya." Ani Aling Marian kaya mas lalo akong humagulgol ng iyak. Hindi ito ang pangarap kong buhay. Kahit katulong ay mas gugustuhin ko pang uri ng trabaho kaysa ang magbigay ng aliw sa mga lalaki... Kung buhay lang sana ang mga magulang ko ay hindi ganito ang magiging kapalaran ko... Kung hindi sana inakit ni Mama ang bunsong kapatid ni Papa ay hindi ako isisilang dito sa malupit na mundo. Kung sana kahit isa sa kanila ay may natira sa akin para alagaan at mahalin ako. Sana masaya ang buhay ko at hindi ako nauwi sa ganitong sitwasyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD