Tinuyo ko ang aking mga luha at pagkatapos ay kinuha ko ang kulay maroon na backpack kong ginagamit sa school nung second year high school ako. Hindi ko na kasi na ipagpatuloy pa ang aking pag-aaral sa high school dahil ayaw na ni tita Jilda na pumasok ako sa school.
Ganito lang talaga kaunti ang pinabaon ni Tita Jilda na damit sa akin. Sabagay, bihira lang din naman ang maayos kong mga damit. Hindi naman kasi ako pinag-aaksayahan ng pera ni Tita para bilhan ako ng damit na maisusuot ko.
"Maiwan muna kita dito, Leyana. Pupuntahan ko lang si Madam," paalam na sabi ni Aling Marian sa akin at lumabas na ito ng pinto. Pagkalabas ni Aling Marian ay kaagad kong itinaktak sa ibabaw ng kama ang laman ng bag. Umaasa akong inilagay ni Tita Jilda ang wallet ko dito sa loob ng bag dahil naroon ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko. Ang litrato namin ni uncle Lance at ni Mama at Papa. Kahit hindi ako mahal ni Papa. mahal na mahal ko siya... sila ni Mama...
Nabahala ako nang hindi ko makita ang wallet ko sa loob ng bag ko. Mabilis na kumunot ang aking noo ng may makita akong nakaipit na sulat sa panty ko. Kaagad kong kinuha iyon at binasa. Ganon na lang ang pag-awang ng aking labi nang mabasa ko ang nakasulat sa papel.
Galing kay Tito Ruel!
Kung gusto mong umalis sa lugar na 'yan, tawagan mo lang ako sa number ko. Kaya kitang ilabas diyan, Leyana, at pagkatapos ay pwede tayong lumayo sa Tita Jilda mo. Matagal na kitang gusto Leyana, kaya isang sabi mo lang gagawin ko ang lahat mailabas lang kita sa club na 'yan. Hihintayin ko ang tawag mo...
Nangilit ang aking mga ngipin na nilamukos ko sa aking palad ang sulat ni Tito Ruel. Hayop ka talaga Tito Ruel! I cursed him in my mind. I hated him! Nang dahil sa kanya ay galit na galit sa akin si Tita kaya ako nagawang ibenta dito sa club.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil napadpad ako dito sa club na ito. Pero mas pipiliin ko pa ang ibang lalaki ang umangkin sa katawan ko kaysa kay Tito Ruel. Kahit sinusumpa ko siya ay asawa pa rin siya ni Tita Jilda. At mahal ko pa rin si Tita Jilda kahit puro pasakit at pang-aapi ang dinanas ko sa kanya.
Mabilis akong napatayo nang marinig kong bumukas ang pinto. Tinago ko ang nilamukos kong papel sa aking likod nang makita kong pumasok ang babae. Ang tinutukoy nila na Madam Clara. Nang mapansin nito na may tinatago ako sa aking palad ay mabilis ito na humakbang palapit sa akin at pagkatapos ay pilit na inagaw ang papel sa palad ko.
"Ano 'yang tinatago mo, ha? Ano, nagbabalak ka bang tumakas dito?!" nasa tinig nito ang galit ng makuha ang papel sa aking palad.
Hindi ako sumagot bagkus ay napayoko na lamang ako sa hiya sa oras na mabasa niya ang laman ng sulat ni Tito Ruel sa akin.
Matinis na humalakhak ang babae matapos nitong basahin ang sulat ni Tito Ruel.
"May sa hayop din talaga 'tong Tito Ruel mo e 'no! Bakit, kaya ka ba niyang bayaran ng 200 to 300 thousand sa akin?" sabi nito saka nilamukos ang papel at tinitigan ako.
"Ikaw, interesado ka ba sa alok sa 'yo ng Tito Ruel mo?" pagak itong tumawa sa harap ko. "f**k his d*ck! Nasawa na siguro sa Tita mo kaya ikaw naman ang gustong tikman. You see, you should thanked me dahil nilayo kita sa kanila. Eh unang kita ko pa lang sa pagmumukha ng Tito Ruel mo na 'yon, hindi ako nagkamali ng naisip. Manyakis ang lalaking 'yon!"
Tumingin ang babae sa kasama nito na nasa likuran niya. "Sige na, isama mo na siya sa magiging kwarto niya," utos nito sa babae na nasa likuran niya.
Lumakad ang babae na inutusan ni Madam Clara palapit sa akin. "Lika na girl," nakangiti na sabi nito sa akin.
Tumingin muna ako sa mukha ni Madam Clara at pagkatapos ay tinitigan ko ang babae na nasa harap ko. Ilang taon lang ang tanda nito sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 22 or 23 lang ang edad nito.
"Ku-kukunin ko lang ang mga gamit ko," mahinang sagot ko saka ko mabilis na sinamsam ang aking mga damit at binalik sa loob ng bag. Sumunod ako sa babae nang lumakad ito papunta sa direksyon ng pinto ngunit hindi pa man namin nasasapit ang pinto ay nagsalita ang tinatawag nilang Madam.
"Turuan mong mabuti ang babae na iyan, Dimple," wika nito sa babae na kasama ko.
Dimple pala ang pangalan nito. Tumigil si Dimple sa paglakad at pumaling ng tingin sa Madam.
"Noted po, Madam Carla,"malapad ang ngiti sa labi na sagot ni Dimple sa kausap. "Ako pa ba?" dagdag na sabi pa niya saka sinabayan ng hagikgik at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang paglakad palabas ng pinto.
"Ito ang magiging kwarto natin," sabi ni Dimple nang buksan nito ang pinto ng silid kung saan ako mamamalagi. Humakbang ito papasok sa loob at sumunod lang ako sa kanya na yakap ng mahigpit ang bag ko.
"Sa ngayon, dalawa lang tayo ang andito sa kwarto, pero tatlo talaga tayo na magkakasama dito. Wala kasi ngayon si Aria, nasa vacation kasama si mayor!" nakangising sabi nito.
Mabilis kong pinaikot ang mga mata ko dito sa loob ng malaking kwarto. Malaki nga ang loob nito at kasya ang kahit apat na matutulog. Sa tingin ko palang ay malambot din ang mga kama. Malayong-malayo sa kwarto ko sa bahay ni Tita Jilda. Nakita kong may kanya-kanyang vanity mirror sa gilid ng kama. Iba't-iba rin ang mga pabango at make-up ng mga ito na nakita ko sa vanity nila.
"Iyon ang spot mo," turo ni Dimple sa akin saka ito umupo sa ibabaw ng kama niya at pinagkrus pa ang mga hita. Makinis si Dimple at maganda din.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong nito. Lumakad ako sa kama na tinuro niya na magiging spot ko saka ko siya sinagot.
"Ako si... Leyana," naiilang na sagot ko sa kanya.
Nginitian niya ako. "Nice to meet you, Leyana! Ang ganda ng name mo!"
"Salamat," tipid na sagot ko at saka ko ito ginantihan ng ngiti.
"Alam mo tulad mo rin ako noon nung unang beses na mapadpad ako dito sa club ni Madam Clara," pagkukuwento nito sa akin. 19 years old palang ako nun eh. Nung una sobrang iyak-iyak pa, pero ng naglaon, wala na. Gamay ko na ang ganitong klase ng trabaho, magbibihis ka lang ng sexy at pagkatapos kaunting pa cute sa mga customers ay okay na. May datong ka na!"
Patuloy na pagkukwento ni Dimple.
"Ikaw, ilang taon ka na? At paano ka napadpad dito sa club ni Madam Clara?" pag-uusisa nito sa aking buhay na inabot ang phone sa ibabaw ng vanity mirror at naging abala sa screen ng cellphone.
"Pinambayad ako ng Tita Jilda ko doon sa babae na kausap mo kanina,"
Tumango-tango ito pero ang mga mata ay nasa screen pa rin ng phone nito. "Hay! Ang swerte talaga nito ni Aria, kung saan-saan siya pinapasyal ni mayor!" napa-ngiwi ito at nasa mukha ang kagat ng inggit sa Aria na tinutukoy.
"Kung saan may big time din akong mayor na magdadala sa akin kung saan. Nakakasura na din kasi dito sa loob ng club," maasim ang mukha na sabi pa niya at sige pa rin ang scroll sa phone. Tumingin ito muli sa gawi ko.
"Virgin ka pa siguro 'no?" walang keme na tanong nito sa akin na animoy tinanong lang ako kung ano ang pangalan ko.
"H-Ha?" naiilang na tanging sagot ko sa kanya. Humalakhak ito ng malakas saka muling nagsalita.
"Confirm! Virgin ka pa nga!" sambit nito na nakatitig sa akin. "Ang swerte mo kasi Virgin ka pa, hindi ka ibibigay ni Madam Clara sa putso-putso lang na lalaki. Sure akong tiba-tiba sa 'yo si Madam!"
Nakangiti siya na pumarito sa kama ko at tinabihan ako ng upo. "Wala ka pa bang boyfriend? Kung ako sa 'yo sana binigay mo na lang sa boyfriend mo 'yang virginity mo kaysa makuha lang ng ibang lalaki."
Napatitig ako sa mukha ni Dimple dahil sa walang paligoy-ligoy nito na pagsasalita. Masyadong bulgar ang bibig niya at hindi kayang mag-filter ng mga salita. Ganito ba talaga pag sa club nagtatrabaho? Napaisip ako. So pagdating ng panahon ay magiging katulad ko na rin si Dimple dahil narito na ako sa club?
Nilabas ako ang mga damit ko sa bag at inisa-isa ko iyon ayusin ng tupi sa ibabaw ng kama. "Wala akong boyfriend eh, saka, mas okay na rin siguro na sa iba ko ibigay ang virginity ko kaysa naman ang Tito Ruel ko ang kumuha niyon sa akin." sagot ko sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata na napatitig si Dimple sa akin. "What do you mean?" manghang tanong niya.
"Pinagtankaan kasi akong rape-in ng live in partner ng Tita Jilda ko," pag-amin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit na-ikwento ko kay Dimple ang tungkol sa ginawa sa akin ng tito Ruel ko. Siguro dahil na-feel ko na mabait si Dimple at hindi naman nalalayo ang edad naming dalawa kaya tingin ko naman ay nauunawaan niya ako. Yung pinagdadaanan ko.
"Ang salbahe naman ng Tito Ruel mo na 'yon! Yay*k sa laman ang g*g*!" salubong ang mga kilay na mura ni Dimple kay tito Ruel.
Napatigil kami sa pag-uusap ni Dimple nang bumukas ang pinto at niluwa roon ang panibagong lalaki.
"Hoy, ikaw, bago. Pinasasabi ni Madam na magpahinga ka daw para fresh ka mamayang gabi!" sabi nito sa akin sabay tapon ng kulay pulang manipis na dress sa kama na kinaroroonan ko.
"Oh, 'yan ang isusuot mo mamaya sabi ni Madam! Magpaganda ka raw at kung kinakailangan ay maligo ka ng pabango gawin mo! May big time kang customers mamaya." pagkatapos nitong magsalita ay kaagad ding lumabas ng kwarto.
Mabilis kaming nagkatinginan ni Dimple pagkaalis ng lalaki.
"Ganiyan talaga dito pag may bago at virgin, puros big time ang customer mo kaya dapat magada at mabango ka." sabi nito na mukhang base sa kaniyang sariling experience dito sa club.
----
Inayusan ako ni Dimple ng make up at tinulungan akong maging presentable at maganda sa harap ng mga tao. Ang akala ko ay dalawa lang kaming babae na narito ay nagkamali pala ako. Nang sumapit ang gabi ay halos sabay-sabay na nagsilabasan sa kwarto ang iba pang mga babae na mga naka-pustura na ang mga ito.
Nagkikiskisan ang mga kolorete sa mukha at ang kakapal ng kulay pulang lipstick sa labi. Halos kapirasong tela na lang ang suot ng mga ito sa katawan. Maiingay sila at tulad din ni Dimple ang bibig, walang preno at masyadong bulgar sa pagsasalita.
"Leyana ang pangalan mo 'di ba?" napabaling ako ng tingin sa babae na nagsalita. Ngumunguya ito ng chewing gum at may hawak na sigarilyo.
"O-opo..." mahina at tipid na sagot ko.
"So ikaw pala ang star of the night ngayon!" sabi nito at tumingin sa mga babae. "Girls! Look, we have a new star of the night, look here. She beautiful and virgin!" nakangisi at malakas na sabi nito saka sinabayan pa ng buga ng usok ng sigarilyo sa ere.
Nagsilapitan naman sa akin ang mga babae at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Napapailing ang mga ito na animoy nanghihinayang sa akin...
"Si Madam talaga! May panibagong buhay na naman siyang sisirain!" sabi ng isang babae.
"Well, gano'n talaga ang buhay, girl, gamitin ang ganda para sa pera." sabat naman ng isa pang babae.
"E, 'di ba nga ganiyang edad ka lang rin naman ng mapadpad dito," anang isang babae sa naunang magsalita na babae.
Malakas na nagtawanan ang mga ito.
"Wala e, pera is life. Maganda lang ako pero bobo ako! Kaya heto, magpaligaya lang talaga ang kaya kong gawin!" proud na sagot ng babae sa mga kasamahan nito.
Natigil ang tawanan ng mga ito at bumalik sa sariling mga pwesto ng dumating ang madam na tinutukoy ng mga ito.
"Hoy, ikaw, sumunod ka sa akin sa VIP room, hinihintay ka na ng mga customers mo." sabi nito sa akin.
Napatingin sa akin ang mga babae. Si Dimple naman ay humigpit ang paghawak sa aking palad.
"Sa VIP room po agad si Leyana, Madam?" lakas loob na sabi ni Dimple.
"Bakit? May problema ka ba do'n? Big time ang customers ng babae na 'yan, kaya hindi niya dapat pinaghihintay." Tumingin si Madam sa lalaki na nasa likuran nito.
"Dalhin mo na sa VIP room ang babae na 'yan," utos nito sa lalaki at kaagad naman na sumunod ito kay Madam. Hinawakan ako sa aking palapulsuhan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang rito sa paglakad upang hindi ako makaladkad.
Pagtapat namin sa pinto ng VIP room na tinutukoy ni Madam ay kaagad na pinihit pa-bukas ng lalaki ang pinto at itinulak ako papasok sa loob. Gulat na napatingin sa akin ang tatlong lalaki sa pagkagulat dahil muntik na akong mabuwal sa tindi ng pagtulak sa akin ng lalaki at malaki pa ang suot kong heels plus hindi naman ako sanay ng nakamataa na heels.
Napatitig ang tatlong lalaki sa akin kasabay ng pag-igting ng mga panga. Napalunok ako at pasimple kung ibinaba ang lumilis paitaas na suot kong kulay pulang dress na lantad ang balat ko sa likod.
Costumers ko ang tatlong lalaki na 'to? Tatlo talaga sila? Ano ang gagawin ko sa kanila? Ang sabi ni Dimple pasasayahin ko sila sa pamamagitan ng pag sayaw or di kaya naman ay pagkata. Pero paano ako magsisimula... Wala akong idea sa ganitong larangan...
Napa kurap na laman ako at naramdaman ko ang pang-iinit ng aking magkabilang pisngi at hindi nagtagal ay umagos ang aking mga luha. Tita Jilda, bakit nyo po ito ginawa sa akin… Paano na ako…