Chapter 4

1965 Words
LEYANA Sabay sabay na napapalunok ang tatlong lalaki sa harapan ko habang malagkit na nakatitig sa akin. Sa itsura ng mga ito ay sigurado akong hayok sa laman ang tatlong lalaki na ito. Sa pakiwari ko ay tila gutom na gutom ang mga ito dahil napapadila pa sila. . . Dahil nakatitig sila sa mga hita at dibdib kong halos lumuwa na sa mga mata nila. Kinakabahan na napalunok ako tsaka ko mabilis na inayos ang suot kong dress. Mabilis na rumihistro ang pagkadismaya at panghihinayang sa mukha ng mga kaharap ko dahil sa ginawa ko. Mabigat ang aking paghinga at nilukob ako ng labis na takot sa aking dibdib nang nakita kong lumapit papunta sa akin ang isang lalaki. Nakangisi ito kaya naman alam kong wala siyang mabuti na balak gawin sa akin. Pero ano ang gagawin ko? Tatlo sila at isa lang ako? Natatakot ako. . . Hindi ko alam kung sino at kanino ako hihingi ng tulong dahil unfortunately ay walang sasagip sa akin mula sa kanila. Napapikit na lang ako at hinayaang umagos ang mga luha ko. Napadilat ako nang maramdaman ko ang palad ng lalaki sa balikat ko. “Tama nga ang sinabi ni Madam Karla, ang bango mo at ang ganda-ganda mo. Yummy na yummy!” may halong pagnanasa at gigil na sabi ng lalaki sa harapan ko. Nakangisi na humaplos ang palad nito sa hita ko. Mas lalong nilukob ako ng tako. . . takot dahil hindi ko alam ang gagawin nila sa akin. Ang sabi ni Dimple ay i-entertain ko lang sila, sayaw at kanta lang. Pero bakit may kasamang haplos sa katawan ko ang lalaki na nasa harapan ko? “Ang kinis at ang lambot pa ng balat mo, umm… ang sarap mo!” ngisi nito na anas sa akin habang ang mga ngipin ay nangingilit pa dala ng pagnanasa sa katawan ko. “Oh! Pare, tirahan mo kami, ah! Wag kang magpakasugapa sa r’yan!! Hati-hati tayo at walang lamangan sa kanya dahil pare-pareho tayong naglabas ng pera!” sita ng isang lalaki sa lalaki na humahaplos sa hita ko. “Oo nga, pare, ‘wag kang sugapa! Hating kapatid, ah! Sabi mo i-tse-check mo lang siya? Bakit nauuna ka ng lumamas sa kanya?” susog naman ng isa pang lalaki. Sunod-sunod akong muling napalunok. Nasa mukha ng dalawang lalaki na takot maisahan ng kasama nila. Nanginginig ang aking mga tuhod at buong katawan sa takot. Ano ang gagawin ko para matakasan ko silang tatlo. “Halika, Miss, doon tayo sa sofa,” aya sa akin ng lalaki sa harapan ko. Takot akong napakislot nang hawakan niya ako sa palapulsuhan ko kaya naman mabilis kong nilayo ang kamay ko sa kanya. “A-ayoko ko po. . . Please po, ‘wag niyo po akong gagawan ng masama. Bata pa po ako, kaka-18 years old ko pa lang po!” humihikbi at takot na tangi ko sa rito. Sa halip na maawa ito sa akin ay ngumisi pa ito na parang nanalo sa jackpot sa lotto. “Kaya nga mahal ang binayad namin sa ‘yo, Miss, kasi bata ka pa at berhin, meaning, ang sarap mo!” Rumagasa ng todo ang ang takot sa dibdib ko dahil sa itsura nito na manyak at hayok sa laman. Muli ay hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko, mabilis naman akong kumilos at winasiwas ko ang kamay nito. Tinignan niya ang dalawang kasama niya at sininyasan ang mga ito. “Hawakan n’yo siya sa magkabilang kamay! Tang *na! Ang mahal ng binayad natin sa babaeng ‘to tapos hindi natin masusulit ngayong gabi?! Hindi pwede ‘yon!” mariing utos nito at ka agad naman na tumalima ang dalawang lalaki. “Huwag po! Pakiusap bitawan n’yo po ako! Ano po ang gagawin n’yo sa akin?” piglas na sabi ko sa dalawang lalaki na naka ngising nakatitig sa akin at hawak ako sa magkabilang palapulsuhan ko. “Huwag ka ng mag laban pa Miss, binayaran ka na namin ngayon gabi kaya sa amin ka na, at kahit anong gawin mong sigaw ay walang papasok dito dahil nasa VIP room tayo!” sabi ng lalaki na nakahawak sa kanang palapulsuhan ko. “Tama siya, Miss, kaya kung ako sa ‘yo, makisama ka na lang sa amin at ibigay ang serbisyo mo! Bayad ka ngayong gabi kaya dapat lang na paligayahin mo kami!” sabi naman ng isang lalaki na nakahawak sa kaliwang palapulsuhan ko. Napakislot ako sa sa takot nang umupo sa harapan ko ang lalaki na nasa harapan ko tsaka inamoy ang hita ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa labis na kaba, takot sa ginagawa nila sa akin. “Tulong! Tulungan niyo po ako—--” napatigil ako sa pagsigaw ng takpan ng isang lalaki ang bibig ko gamit ang palad nito, napapikit na lang ako nang gumapang paakyat sa malapit sa private part ko ang palad ng lalaki na nakaupo sa pagitan ng mga hita ko. “Huwag po, please…” pagmamakaawa kong sabi habang nakatakip ang palad ng lalaki sa bibig ko. Takot na takot ako. Dahil ang dalawang lalaki na nakahawak naman sa palapulsuhan ko ay nagsimula na humalik sa kamay ko paakyat sa braso ko. “Umm… ang bango mo!” anas na ungol ng isang lalaki habang mapaglaro na pinapatakan ng halik ang braso ko. “Pakiusap ‘wag nyo pong gawin ‘to sa akin. . . P-parang awa n’yo na po!” muli ay pagmamakaawa ko at umaasa na pakinggan nila ako. Pero bingi sila… Hindi sila tumigil sa ginagawa sa katawan ko. Ang bigat ng aking paghinga dahil nawawalan na ako ng pag asa na makakaligtas pa ako mula sa kamay ng mga ito. “Umm… Ohh…” paligsahan na ungol ng mga ito sa pagitan ng pag amoy at halik sa balat ko. Pumikita ko at nanalangin sa Diyos na sana… Kahit alam kong imposible ay may tao na magliligtas sa akin sa kamay ng mga hayok sa laman na mga lalaki na nasa harapan ko. Mabilis akong napa dilat nang maramdaman kong bumaba ang mukha ng dalawang laki sa bahagi ng dibdib ko at pinag tig-isahan amuyin at haplusin ang dibdib ko habang ang lalaki sa harapan ko ay humaplos naman sa p********e ko! “Please! ‘Wag po!” sigaw ko. Pero tila bingi ang mga ito dahil hindi ako narinig. Nakapikit ang mga ito ay ini-enjoy ang katawan ko. Nang maramdaman kong binaba ng isang lalaki ang cup ng suot kong bra at humalik ito sa dibdib ko! Kaysa pagsamantalahan at magpakasasa ang mga ito sa katawan ko, mabuti na ang lumaban ako kahit ikapahamak ko pa. Ang mahalaga, hindi sila magtagumpay sa masamang balak sa katawan ko. . . Sa akin. Diyos ko! Tulungan niyo po ako! Inipon ko ang lahat ng lakas ko at pagkatapos ay malakas kong sinipa sa ang lalaki sa harapan ko. Napangiwi ito sa sakit dahil sa private part ng p*********i ko ito tinamaan. Iyon talaga ang pinuntirya ko, sa mga napapanood ko sa tv ay madalas na gawing self defense ng babae ang bayagan ang mga lalaki na gustong manamantala sa mga babae. “Awww! Ang sakit!” gulat na napadilat ang dalawang lalaki nang marinig nila ang tinig ng kasamahan nila, mabilis na binitawan ako ng mga ito at dinaluhan ang kasama na namimilipit sa sakit. “Pare! Ano ang nangyari sa ‘yo?” sabay na tanong ng dalawa. “Binayagan ako ng babae na ‘yan!” sagot nito habang hawak ang p*********i at namimilipit sa sakit. Mabilis ako napalunok nang bumaling sila sa akin ng tingin. “Pare!” sigaw ng dalawa nang bumuwal ang lalaki na sinipa ko. “Kaya mo pa ba pare?” tanong ng isa sa namimilit na kasamahan. Dahil naging busy ang mga ito ay mabilis kong pinagala ang mga mata ko. Nang makita kong naka-awang ng maliit ang pinto nitong VIP room ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, ka agad kong hinubad ang suot kong sandals at pagkatapos ay mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa pinto. “Arghhhh! Habulin n’yo ‘yong babae! Sayang ‘yung binayad natin sa kanya!” utos ng lalaki na sinipa ko sa mga kasamahan nito. Grabe ang kabog ng dibdib ko sa takot na baka abutan ako ng mga ito. Kaya naman mas binilisan ko pa ang takbo. Hilam sa luha ang mga mata ko kaya naman nanlalabo na ang mga mata ko pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo sa pagnanais na makalayo sa mga ito. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makalabas ako ng pinto ng VIP room. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko ay tumakbo lang ako ng tumakbo para makalayo at wala na akong pakialam sa paligid ko. “Watch out!” napapitlag ako at napatigil sa pagtakbo nang marinig ko ang boses ng lalaki na nabunggo ko. “S-so… s-sorry po, Sir! H-hin… hindi ko po sinasadya—--” nabitin ako sa aking pagsasalita at nanginginig ang buong katawan sa takot nang marinig ko ang boses ng dalawang lalaki na humabol sa akin. “Ayon! Ayon ‘yon babae!” mabilis na tumakbo ang mga ito sa gawi namin, napatakip ako ng bibig sa takot habang walang humpay ang pag iyak ko. Ka agad na hinawakan ko ng dalawang lalaki sa palapulsuhan ko nang abutan ako ng mga ito. “Ikaw babae ka, ah, pinahirapan mo pa kami! Pwes, yari ka sa amin ngayon!” nakangisi na banta nitong sabi sa akin. “Bitawan n’yo po ako!” Piglas na sabi ko at napatingin sa lalaking nabunngo ko. “Sir, tulungan n’yo po ako, please po Sir!” pagmamakaawa ko rito. Kumunot ang noo nito nang makitang nanginginig ako sa takot. “She said, let her go, so let her go.” mababa ang boses na sabi ng lalaki na nabuggo ko at tinitigan niya ng masama ang dalawang lalaki na nakahawak sa magkabilang palapulsuhan ko. Naka ngising tumingin ang isang lalaki na nakahawak sa palapulsuhan ko dahil hindi nito nagustuhan ang sinabi ng lalaki na nabunggo ko. “Tsk! Bata, ‘wag kang makilama dito dahil wala kang karapatan! Malaki ang binayad namin makuha lang namin ang babaeng ‘to, kaya hindi kami papayag na hindi namin siya matikman ngayong gabi!” sagot nito sa lalaking nabunngo ko. “Tama! Kaya ikaw, boy, kung ako sa ‘yo, ‘wag ka ng makisawsaw pa sa amin, okay? Kung ayaw mo na samain ka sa amin! Mind your own business, alam mo naman siguro ang kasabihan na ‘yan!” sabi naman ng isa pang lalaki na may hawak sa palapulsuhan ko. Nag sukatan ng masamang titig ang mga ito sa isa’t isa. Pero hindi naman nagpasindak ang lalaki na nabunggo ko sa dalawang lalaki na nasaharap nito. Nalungkot ako dahil hindi na sumagot ang lalaki sa pananakot ng dalawang kaharap nito. Baka natakot sa banta ng mga ito. Napapikit na lang ako nang hilahin ako ng mga ito palayo sa lalaki. “Bitawan n’yo ako! Please, bitawan n’yo ako!” piglas na sabi ko sa dalawang lalaki na walang puso na kumakaladkad sa akin. Nabuhayan ako nang loob nang muling nagsalita ang lalaki na nabunggo ko. “Bingi ba kayo? HIndi n’yo ba narinig ang sinabi niya? Bitawan n’yo siya!” napatigil ang dalawang lalaki sa paglalakad tsaka bumaling ng tingin sa lalaking nabunggo ko. “Pre, ikaw na bahala sa isang ‘yan, turuan mo ng leksyon!” nakangisi na baling na sabi ng isang lalaki na nakahawak sa palapulsuhan ko sa kasamahan nito. “Sige, pare! Naghahanap ng gulo ang isang ‘to, kaya pagbibigyan ko na!” tugon naman ng lalaki at nasa mukha nito ang kahandaan sa pakikipag buno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD