LEYANA
“Aray ko!” daing ko nang higpitan ng lalaki ang hawak sa palapulsuhan ko.
“Ikaw, pinahirapan mo pa kami sa paghahabol sa ‘yo, ha? Pwes, mananagot ka ngayon!” nangingilit ang mga ngipin sa galit na sabi nito sa akin saka ako sinimulan na kaladkarin. Dahil maingay at papalit palit ang patay sindi na mga ilaw ay walang pakialam sa amin ang mga tao dito sa loob ng night club. Abala ang lahat sa pag iiskima ng mga customers dito sa club, habang may nagpe-perform ng sayaw sa stage. May mga nasa lamesa na mga lalaki at may ka-table na mga babae habang umiinom ng alak ang mga ito.
Dahil hinila na ako ng lalaki na may hawak sa akin ay hindi ko na alam ang nangyayari sa dalawang lalaki sa likuran namin. Hindi na rin ako umaasa pa na tutulungan ako ng lalaki na nabunggo ko, hindi ko rin naman siya masisisi, bakit pa siya makikipag away dahil lang sa akin.
Nakalimang hakbang palang kami ay napatili ako sa gulat nang biglang humandusay sa likuran namin ang lalaki na kasamahan ng lalaki na may hawak sa akin.
“Tang *na! Pare, ano ang ginagawa mo r’yan? Ang sabi ko sa ‘yo turuan mo ng leksyon ang lalaki na ‘yon! Bugbugin mo hindi ‘yon ikaw ang magpa bugbog, gago!” sabi ng lalaki sa kasamahan nito na nasa lapag. Putok ang mukha nito at duguan.
“Let her go,” mababa ngunit ma-authority na utos ng lalaki na nabunggo ko sa lalaki na may hawak sa akin. Nagtagisan ng masamang titig ang dalawa.
Tuma ang lalaki na may hawak sa akin sa kaharap dahil inuutusan siya nito. “Hoy! Ikaw, huwag kang umasta kung sino kang savior ng babaeng ‘to, uulitin kong sabihin sa ‘yo, kaya makining kang mabuti. Bayad ang babae na ito, okay. Malaki ang pinakawalan namin na pera para lang makasama namin siya ngayon gabi, kaya pwede ba, tigilan mo ang pangingialam sa amin! Sayang ang oras namin sa ‘yo!” sabi nito na ang mukha ay salubong na ang mga kilay sa galit sa lalaki na nakabunggo ko.
Ngumisi lang ang lalaki na nakabunggo ko sa kaharap nito. “Bakit? Magkano ba ang binayad n’yo?” tanong nito saka tinabig ang kamay ng lalaki na nakahawak sa palapulsuhan ko ko. “Babayaran kita sa ibinayad mo para sa kanya,”
Mabilis na umiling ang lalaki. “Pare, kung trip mo rin siya, sorry ka na lang dahil nauna na kami sa kanya, at hindi namin kailangan ang pera mo! Siya ang kailangan namin,” tangi nito sa sinabi ng kaharap.
“Kaya sa amin siya,” hinila ako ng lalaki pabalik sa kanya, ngunit hindi naman pumayag ang lalaki na nabunggo ko na makuha ako nito. Hawak nila ako sa magkabilang palapulsuhan ko saka ako pinag-agawan.
“Bitawan mo siya dahil sa amin siya!” sabi ng lalaki habang nakikipag laban ng hilahan .
“No! She doesn't like you! So let her go!” matigas naman na sabi lalaking nabunggo ko. Para akong laruan na pilit nilang pinag-aagawan dalawa.
“Kung ayaw mong samain ka sa akin, bitawan mo siya! Sa amin siya!” ulit ng lalaki.
“No, I won’t let her go with you, mag isa lang siya, tapos dalawa kayo? Anong trip n’yo sa kanya?” tugon ng lalaki na nabunggo ko.
“Wala ka ng pakiam doon, pare, basta sa amin siya dahil bayad na namin ang babaeng ‘to!” pagmamatigas naman nito sa kaharap.
Napatili ako ng malakas nang bigla na lang ay sumulpot ang lalaki na sinipa ko doon sa loob ng VIP room. Naka-recover na pala ito sa ginawa ko sa kanya. Napabitaw sa akin ang lalaking nabunggo ko at napaigik ito sa sakit dahil sinuntok siya ng bagong dating. Mabilis akong hinawakan ng mahigpit ng lalaking sinapa ko sa aking buhok.
“Walang hiya kang babae ka! Ang sakit nun, ah!” umiigting ang panga sa galit at banta nito sa akin. Bumaling siya ng tingin sa lalaking nabunggo ko. “At ikaw, subukan mo pang makialam ulit, hindi lang ‘yan ang makukuha mo!” banta nito.
Ginalaw-galaw ng lalaki ang panga nito na sinuntok ng lalaking binayagan ko kanina, at nang ma-check na okay naman ang panga niya ay saka hinarap ang dalawang lalaki na nakahawak sa akin.
“OH MY!” malakas na tili ko nang sugurin ng lalaking nabunggo ako ang lalaking binayagan ko saka ito pinaulanan ng malakas na suntok. Doon palang nag tinginan sa amin ang mga tao dito sa loob ng night club.
Hindi naman pumayag ang lalaking binayagan ko na hindi makapag higante sa sumuntok sa kanya. Napangisi ito kasabay ng pag igting ng panga nang makita ang bahid ng dugo sa kamay.
“Tarantado ka! Magbabayad ka!” mabilis na sinugod nito ang lalaking nabunggo ko ngunit maagap ang lalaki kaya hindi siya na suntok ng lalaking binayagan ko.
Nagtangis at nagbuno silang dalawa kaya mas kumuha ng atensyon ng mga tao dito sa night club.
“Ano ang nangyayari dito?!” malakas na boses ni Madam Karla, ngunit hindi pa rin tumigil ang pagsusuntukan ng dalawa. “Awatin n’yo sila!” utos ni Madam Karla sa mga tauhan nito at kaagad naman na sumunod ang mga ito. Pinaghiwalay ang dalawang lalaking nagsusuntukan.
“Gentlemen, maari ko bang malaman kung bakit kayo dito sa loob ng club ko nagsusuntukan?” tanong ni Madam Karla sa dalawa saka napatitig sa akin. Naningkit ang mga mata nito, at alam kong galit siya sa akin ngunit mabilis din na ngumiti ito at napatitig naman sa lalaking nabunggo ko.
“M-Mr. B-bradley! Narito ka ulit!” halata sa boses ni Madam Karla na masaya ito dahil sa lalaking nabunggo ko, Bradley pala ang pangalan nito.
“Bitawan n’yo siya,” utos ni Madam Karla sa tauhan na nakahawak sa lalaking si Bradley, mabilis naman na sumunod ang tauhan sa sinabi ni Madam Karla.
Kibit balikat na pinagpag ni Bradley ang suot na pantalon, nadumihan kasi iyon nang sipain siya ng kasuntukan nito.
“I want her,” tipid at ma-authority na sabi ni Bradley kay Madam Karla, mabilis na umungol ng pagkadismaya ang tatlong mga lalaking customers ko kanina sa VIP room.
“Teka, teka, Madam Karla, nauna kami sa sa kanya. Bayad na namin ang serbisyo niya ngayon gabi,” giit nito na napatitig pa sa akin.
“Hindi kami papayag, kung gusto niya ang babaeng ‘to, bukas na siya, kami ang naka-schedule ngayon sa kanya.” he added.
“I’ll double the amount,” mabilis na namilog ang mga mata ni Madam Karla na tanging pera ang nakikita ng mga mata nito dahil sa sinabi ni Bradley. Kahit ako rin ay hindi ko napigilan ang sarili ko na ma-amuze sa narinig kong sinabi ni Bradley na do-doublehin niya ang binayad ng tatlong lalaki kay madam Karla kapalit ng serbisyo ko.
“Hindi! HIndi kami papayag! Sa amin siya, kami ang makakauna sa kanya!” muli ay giit ng lalaki kay Madam Karla.
“Sorry mga boss, pero alam nyo naman ang buhay ngayon kailangan ng pera, kaya pasensya na lang kayo dahil do-doublehin niya ang pera na binayad n’yo kay Leyana,” nakangisi na sabi ni Madam Karla sa mga ito. “Eh kung kaya n’yo ba naman gawin 200k ang bayad para sa serbisyo ng batang-bata at berhin kong si Leyana, well, sure akong sa inyo siya mapupunta!” Umangil ang tatlong lalaki sa harap ni Madam Klara dahin sa panghihinayang na hindi sila nagtagumpay na makuha ako… ang serbisyo ko sa kanila bilang isang babae na nagtatrabaho dito sa night bar.
“I’ll make it 300k, basta gusto ko na 3 days siyang nasa akin,” sabi ni Bradley at napatitig sa akin. Mas lalong namilog ang mga mata ni madam Karla dahil sa malaking pera na ibabayad ni Bradley basta kapalit ng serbisyo ko at ang gusto pa nito ay 3 days niya akong kasama.
“O-okay! D-deal tayo sa kondisyon mo, Mr. Bradley! Pero sure ka ba talagang 3 days mo lang gustong i-take out si Leyana? Dahil ito ang first time mong kumuha ng serbisyo ng mga alaga ko, at sa magandang presyo mo pa binayaran si Leyana, sige, bibigyan kita ng bonus. Gawin mo ng 5 days na nasa ‘yo si Leyana,” abot tenga na sabi ni madam Karla.
Mabilis naman na umiling si Bradley. “No need, 3 days is enough for me,” walang emosyon na sagot ni Bradley.
“Well, kung ‘yan talaga ang gusto mo, Mr. Bradley, then, okay! 3 days,” nilahad ni madam Karla ang kamay sa kausap upang makipag- shake hands ito, pero hindi pinaunlakan ni Bradley ang palad ni madam Karla bagkus ay ang kamay ko ang hinawakan nito.
Tahimik na binuksan ni Bradley ang dala nitong maliit na kulay itim na bag, nilabas nito ang booklet cheque nito at sinulatan ng amount na ibabayad kay madam Karla.
“Salamat, Mr. Bradley!” ngiting ngiti na pasasalamat ni madam Karla matapos mabilis na kunin ang tseke mula kay Bradley.
Hindi na sumagot pa si Bradley sa sinabi ni madam Karla, ka agad niya akong hinila palabas ng night bar!