LEYANA
Napuno ng katahimikan sa pagitan namin ng lalaking kasama ko dito sa loob ng kanyang kotse habang seryoso na nagmamaneho ito. Kung hindi ako nagkakamali ay halos isang oras at kalahati na rin siyang nagmamaneho, at kung saan niya ako dadalhin ay wala akong idea.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang mapatingin ako sa harapan. Sa lalaki na nasaraharap ko ngayon ay mas mabuti ng ito ang makauna sa akin kesa naman doon sa tatlong manyakis na takam na takam sa katawan ko.
Hindi ako marunong kumilatis ng lalaki. Pero sa tindig at itsura palang ni Sir Bradley ay sure akong mayaman ito at may pinag-aralan. Kaya barya lang siguro sa kanya ang 300k na binayad niya kay Madam karla kapalit ng serbisyo ko.
“Get my Jacket, gamitin mo kung nilalamig ka.” wika nito sa akin dahil marahil ay napansin nito na medyo nanginginig ako. Manipis na tela lang kasi ang suot ko, tapos ang lakas ng aircon dito sa loob ng kotse niya.
Napatingin ako sa tinutukoy nito na Jacket, nakapatong sa ibabaw ng upuan katabi ng upuan na kinauupuan ko dito back seat. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis kong hinawakan ang Jacket nito.
“S-salamat,” nahihiya na sabi ko. Sinuot ko ang Jacket ni Sir Bradley at napapikit ako sa mabangong amoy niyon. Ang bango-bango kasi. Niyakap ko ang sarili saka tumingin sa labas ng bintana. Anong oras na kaya? Siguro pasado 11 Pm na ng gabi. Hindi ako pinakain ng mga tauhan ni Madam Karla para daw mas flat at sexy akong tingnan sa suot kong color red nightgown na ito na halos lumuwa na ang lahat-lahat sa akin. Sa nipis kasi ng suot ko ay maaaninag na ang kulay ng suot kong bra at panty.
Lihim akong napapalipit sa sakit ng tiyan. Nagrereklamo na at umiiyak ang sikmura ko sa gutom. Paano naman kasi eh ni tubig hindi ako nakainum kanina. Nagpasya akong ipikit na lang ang mga mata upang hindi ko maramdaman na nagugutom na ako. At hindi naman nagtagal ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko dahil nakatulog na ako.
Nagising ako sa marahan pagtapik ni sir Bradley sa balikat ko. “We’re here,” bahagyang nanlaki ang mga mata ko saka mabilis na tumingin sa labas ng bintana. Pasimple kong sinalat ng aking daliri ang gilid ng labi ko. Baka kasi dahil sa sobrang sarap ng tulog ko eh tulo laway na pala ako. Napalunok ako at mabilis na kumilos.
“O-o—-----kay po Sir!” inayos ko ang sarili ko saka bumaba sa kotse, hindi naman nagtagal ay lumabas na rin ng kotse ang kasama ko.