bc

Chasing Eugene

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
dominant
comedy
sweet
bxg
humorous
enimies to lovers
secrets
Neglected
like
intro-logo
Blurb

CHASING THE BILLIONAIRE

Blurb

Coraline Dixon, known for being a social climber. Gagawin niya ang lahat, makahanap lang ng isang mayamang lalaking mag-aangat sa kaniyang buhay. She doesn't care what others will think.

And one night, she then met Eugene Eldridge who will answer all her prayers. Ngunit papaano kung pagkatapos ng isang gabi nilang pagtatagpoʼy kakalimutan na lang nito ang nangyari sa kanila?

Ano'ng gagawin niya? Eugene is the only answer she was waiting for so long. Hindi puwedeng kalimutan na lang nito! She must do something and she will do anything to make this billionaire fall.

chap-preview
Free preview
Simula
CHASING EUGENE SIMULA KORINGʼS POV Makapal na kolorete sa mukha. Isang spaghetti at maikling skirts ang suot. Isang two inches na sapatos. Isang bag na mukhang mamahalin pero ang totoo niyaʼy ʼdi ito authentic. Nabili ko lang ito sa tiangge ng sobrang mura lang. "Perfect! Ang ganda-ganda mo na, Koring! Makakabingwit ka ngayong gabi." Napangisi ako habang pinagmamasdan ang sarili sa isang human size mirror na basag sa bandang ibaba nito. Napanguso ako ng tila may kulang at agad napapitik nang makita kong wala pala akong lipstick. Pulang lipstick upang maitago ang lahat ng pinagdadaanan. Ano ba! Hindi tayo puwedeng magdrama ngayon dahil oras nang paghahanap ng mag-aangat sa 'tin sa kangkungang ito. Lumabas ako sa munti kong kubo at saka nilakad ng taas noo ang maruming daan. Puno ng mga tinapong basura ng mga mayayaman. Lumabas ako sa iskinitang aking pinagmulan at nang sa national highway na akoʼy pinara ko ang tricycle na naparaan. "Saan lakad natin ngayon, Koring? Ang ganda-ganda mo ngayon, a." Ngumisi ako dahil sa naging turan nito. "Well–" Sabay hawi ng buhok. "Dahil diyan, ililibre mo na ako ng sakay." At saka ako naupo. Tumawa lang siya. "Ikaw pa! Malakas ka sa 'kin. Basta pa-score ako kapag may time," sabi niya. Umirap lang ako. "Kapag sapat na ang pambayad mo, why not?" Hindi na siya sumagot pa't pinaandar na ang motorsiklo nito. Ilang minuto lang ay narating namin ang maingay na lugar. Lugar kung saan nababagay ang suot ko ngayon ngunit ang katayuan sa buhay ay hinding-hindi. Isa akong dakilang hampaslupa na gabi-gabiʼy naghahanap ng biktima. Para lang may maipanglaman sa kumakalam kong sikmura. Isa akong social climber at hindi ko iyon itatanggi. Maganda. Sexy. May malaking dibdib. Salamat dahil may katangian ako ng mga bagay na iyon na nagagamit ko para magkapera. Napangisi ako habang naglalakad. Taas noo. Hindi mo aakalaing butas ang bulsa at hindi pa naghahapunan. Patingin-tingin ako sa paligid. "Who's that girl?" sabi ng isang babae sa isang grupo. Makapal din ang kolorete sa mukha niya at suot pa lang, sumisigaw na ang karangyaan. "I don't know. Newbie? Cheap," ani pa ng kasama niyang maganda rin at putok din ang makeup. Hindi ko sila pinansin. Hindi ako naparito para manggulo at ipamukha sa kanilang kahit na cheap akoʼy mas maganda at sexy pa rin ako sa kanila. Nagpatuloy ako hanggang sa makarating ako sa counter. Naupo ako sa isang highchair. Agad naman akong dinaluhan ng bartender. "Wine, ma'am?" Ngumiti ako. "No thanks. I'm not in the mood to drink. Magmamaneho pa kasi ako e," seductive kong sagot. Ang totoo niyaʼy uhaw na uhaw na ang lalamunan ko sa alak ngunit wala akong perang ipangbabayad sa inuming ʼyan. Baka maibenta ko ang atay ko ng wala sa oras. Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na ʼto sa harapan koʼt nilapitan ang kakarating lang na lalaki. Tumingin ako sa crowd. Inilibot ang mga paningin sa abalang mga mayayaman. Isa sa kanila. Isa kanilang ang mag-aangat sa buhay ko. Hindi puwedeng masayang ang pinunta ko rito. Gabi-gabi, iba-ibang clubhouse ang pinupuntahan ko. May mga nabibiktma ako ngunit ʼdi iyon nagtatagal dahil lahat silaʼy ayaw sa mga ʼtulad kong dukha. Pagkatapos makipa-s*x, iiwanan na lang akong parang basahan ngunit 'di na bale sa akin iyon dahil may pera naman silang iniaabot. At para sa kaalaman ng lahat, malinis ako. Palagi akong protektado dahil hindi mawawala sa laman ng bag ko ang isang karton ng condom na hinihingi ko sa center. Abala ang bawat isa sa isa't isa. Halos lahat ay may kasamang barkada. Nagpapakalango sa epekto ng alak na tila ba wala silang iisiping problema kinabukasan. Sigurado ako na karamihan sa mga nandito'y ʼtulad kong hampaslupa rin na nagtatago sa likod ng magagarang damit. Katulad kong naghahanap ng mag-aangat sa buhay o ʼdi naman kaya'y tawag lang ng laman. Ang bar kasing itoʼy free lang ang pagpasok. Tumama ang mga mata ako sa may dulong bahagi kung saan ang mga sofa at mga mesa naka-pwesto. May nag-iisang lalaki roon. Napangisi ako. Time to shine. Bumaba ako sa high chair at nag-cat walk papalapit sa direksiyon nito. Kumuha ako ng Marlboro red sa aking bag at saka ng lighter. Nakalapit ako nang 'di ako nito napapansin. Marami nang mga bote ng beer sa center table. "Cigarette?" Naupo ako sa kaniyang tabi at inabutan siya ng isang sigarilyo. Tumingin siya sa akin at biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Sapat lang ang ilaw upang makita ko kung gaano kakapal ang kaniyang pilik mata na medyo may kalakihan na bilugan. May balbas na ito ngunit bagay na bagay sa kaniya. Mukhang siyang daddy na nakapagpangisi sa akin lalo. Tiningnan niya ang hawak kong sigarilyo at saka iyon kinuha. Malandi akong tumingin dito at saka lumapit sa kaniya upang sindihan ang sigarilyong nasa kaniyang may kakapalang labi ngunit bagay naman sa kaniya. "Thanks," aniya at mapapamura ka dahil sa lalim ng kaniyang boses. Pinasadahan ko siya ng tingin at masasabi kong matangkad siyang tao. Nakasuot ng puting long sleeve na nakatupi hanggang siko ang sleeves nito. Malalaki ang kaniyang braso na hinaplos ko gamit ang bagong manicured kong kamay. "You seem alone, Sir. Wanna have some fun after this?" bulong ko habang abala itong humihithit sa sigarilyo. Kinagat ko ang tainga nito. Ang bango rin niya't mukhang mamahalin ang gamit niyang pabango. Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa. Kapag may isda, dapat mo nang sakmalin kaagad bago pa ito makawala. Bumaling siya sa akin at dahil nanatili akong malapit sa kaniyang tainga, ilang pulgada lang ang layo ng aming mukha. Binugahan ako nito ng usok na ʼdi ko pinansin at ngumisi lang. Mapupungay ang kaniyang mga mata, halatang lasing na ito. Hindi na rin ako nagsayang pa ng oras at agad ko nang hinuli ang kaniyang nakakatakam na labi. Ito na. Simulan na ang laban. Mukhang jackpot din ako ngayong gabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
133.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook