Prologue
Tahimik ang buong paligid habang humahalik sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin habang nasa balcony ako ng aking maliit na apartment.
Malapit sa pier ang apartment ko kaya kitang-kita ko ang mga nagsidatingan at nagsialisang mga barko patungo sa distinasyon nito.
Our Lady of Triumph University, ang aking pinasukang paaralan, na kilala bilang isang maritime school, ngunit nag-aalok din sila ng mga kaugnay na programa tulad ng teacher education, hospitality management, tourism management, at criminology education.
I chose teacher education, kasi kung tutuosin para na itong HM at TM dahil ang major namin Food and Service Management. So, parang doble na ang major namin, teaching at cooking, something like that.
Nung una, pinili ko ito dahil wala akong choice since ang Our Lady of Triumph University (OLTU) nalang ang tumatanggap ng enrollees that time.
But now, minahal ko na ang kursong ito.
“Are you with me?” tanong ni Dave.
Napalingon ako sa kanya.
Nakabihis na siya.
Pormadong-pormado.
Ready na rin lahat ng gamit na kakailanganin niya para sa kanyang pagsampa.
Yes, he is a seaman.
I’m falling deeply with Mr. Seaman.
Schoolmate kami dati kaya kami nagkakilala.
Katunayan, kakagraduate niya lang ngayong taon. Mabilis siyang nakasampa dahil sa impluwensya ng pamilya nila.
“Mm.” sabay tango sa kanya.
Hinawakan niya ang mga kamay ko. “Zee…” at tumingin sa aking mga mata, “Babalik ako, hintayin mo ‘ko.”
“Mahal na mahal kita.” Dagadag niya.
I was about to speak when his lips landed on mine.
Humalik ako pabalik.
Halik na puno ng pagmamahal, pag-iingat, at… pagpapaalam.
Gusto ko siyang pigilan.
Gusto kong umiyak para hindi siya makaalis.
Gusto kong magmakaawa na ‘wag siyang umalis pero hindi ko magawa dahil alam kong matagal na niyang pangarap ito.
Natatakot ako na baka hindi na siya bumalik sa ‘kin.
Natatakot ako na baka mambabae siya.
Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya.
Bukas paggising ko, wala na siya sa tabi ko. Hindi ko na masisilayan ang matamis niyang mga ngiti at halik sa ‘kin.
“Zee, don’t cry. Don’t make this hard for me.” Malumay niyang sabi habang pinahiran ang luhang dumaloy sa aking pisnge.
Akala ko mapipigilan ko pero hindi pala.
Niyakap niya ako ng mahigpit habang hinaplos ang aking likuran.
Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang malapad at malambot niyang mga palad habang nakatingin sa ‘king mga mata ang kanyang namumulang mga mata.
“Wait for me, palangga. I love you more than anything in this world.”
Mga huling matamis na katagang lumabas sa kanyang bibig na aking pinananghahawakan.