Naggo-grocery si Anastasia sa isang grocery store. Gusto niyang siya mismo ang mamili ng mga ingredients na kanyang lulutuin para kay David. Ilang araw at gabi na itong hindi umuuwi sa mansyon dahil naging busy na ito sa trabaho. Halos sa opisina na ito tumira, pero kahit gano'n naman ay hindi naman nito nakakalimutan ang tumawag sa kanya araw-araw. Pero ngayong gabi ay uuwi ito sa mansyon kaya naman ipagluluto niya ito ng paborito nitong pagkain. Namimili siya ng mga gulay ng may biglang bumangga ng cart niya. Napatingin siya sa nagmamay-ari nito at napangiti ng makilala ito. "Niccolo," sambit niya sa pangalan nito. "Kumusta ka na?" tanong nito habang nakangiti. "Ayos naman ako. Ikaw? Ang tagal din nating hindi nagkita ah." "Oo nga eh, medyo naging busy lang. Well, I'm doing great

