bc

Amnesia

book_age12+
34.6K
FOLLOW
270.6K
READ
arrogant
badboy
goodgirl
CEO
maid
twisted
sweet
bxg
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

Si Anastasia Salvador ay isang simpleng babae na ang tanging hinahangad lamang ay makasal sa lalaking pinakamamahal niya pero hindi niya inaakala na pagtataksilan pala siya nito.

Dahil sa sakit na naramdaman niya ay kung saan na siya nakarating at hindi niya inaasahan ang mangyayari. Nabangga siya ng isang sasakyan dahilan para mawalan ito ng alaala.

Dahil sa nagka-amnesia siya ay pinatira siya nakakita sa kanya sa mansion ng Montefalco at bilang pagtanaw ng utang na loob ay naging katulong siya. Wala din naman siyang pupuntahan.

At doon niya nakilala ang amo niyang ubod ng sungit na si David Montefalco. Hindi niya alam kung bakit pero bumibilis ang t***k ng puso niya kapag nakikita niya ito.

Mapaibig kaya niya ang masungit na si David Montefalco? Paano kung tuloyan ng bumalik ang alaala niya at maalala na dapat pala siyang ikasal sa nobyo niya na nawala sa memorya niya.

Sino ang pipiliin niya? Ang lalaking minahal agad niya sa sandaling panahon na nakasama niya ito o ang lalaking matagal na niyang minahal pero nakalimutan niya lang dahil sa amnesia niya.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Third Person's POV: "Ano ba?!" sigaw ni David Montefalco dahilan para halos mapatalon na ang lahat ng katulong sa mansyon ng Montefalco. "Why are you all so damn slow? Where is my damn coffee?" "Ito na po, S-Sir." Nanginginig na inilagay ng katulong ang kape sa mesa nito. Dahil sa nanginginig ang mga kamay nito ay hindi sinasadyang matapon ang kape nito sa mesa. "S-sorry po, Sir. H-hindi ko po sinasadya." Dali-dali agad nitong pinunasan ang nagkalat na kape sa mesa. "Damn it!" Napaigta ang katulong dahil sa sigaw ni David, lalo na ng tumayo ito. "Stupid maid," asik nito saka umalis. Halos maiyak ang katulong dahil sa sakit na mga salitang sinabi nito. Napalingon ang katulong nang maramdaman niya ang isang kamay sa balikat niya at nakita ang mayordoma na si Manang Tessa. Si Manang Tessa ang mayordoma ng mansyon ng Montefalco. Bagong kasal pa lang ang mag-asawang Montefalco noon ng magsimula itong manilbihan bilang katulong sa kanila at nang dumating si David sa buhay ng mga Montefalco ay halos siya na din ang nag-alaga at nagpalaki dito dahil masyadong busy sa negosyo ang mag-asawang Montefalco. Hindi naman talaga mainitin ang ulo ang David na nakilala at pinalaki niya noon. Ang totoo ay isa itong masayahing bata pero nawala iyon ng mamatay ang mga magulang nito. Dahil sa aksidente ay tuloyan na siya na ang nagpalaki dito. "Pagpasensyahan mo na si Sir David mo, hija." malumay at nakangiti nitong sabi. Sinusubukan ni Manang Tessa na pagaanin ang loob nito. "Ayos lang po, Manang. Kasalanan ko din naman po eh. Pasalamat na lang po ako at hindi ako nasisante." Napailing na lang si Manang Tessa at napatingin sa pintuan kung saan lumabas ang binata. Kailan kaya ito magbabago o bumalik sa dating masayahing sarili? Tanong na lang nito sa sarili. Gusto niyang makita ulit itong masaya at nakangiti. NAPAHAWAK si Anastasia sa dibdib habang nakatayo sa harap ng isang hotel room. Ito ang hotel room number na natanggap niya sa isang text message kanina. Nasa loob daw nito ang fiancee niya at may ibang kasamang babae. Ayaw sana niyang maniwala at gustong baliwalain ang nabasang text message pero hindi siya mapakali. Kaya kahit ayaw niya ay pumunta pa rin siya para mapanatag ang kalooban niya at mapatunayan na din na kahit kailan ay hindi siya lolokohin ng lalaking mahal niya. Limang taon na sila ni Christian at ilang buwan na lang ay ikakaksal na sila. Sa loob ng limang taon ay ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng dahilan para magalit dito dahil masyado itong maalaga at sweet sa kaniya. Walang araw na hindi pinaparamdam sa kaniya na mahal siya nito. Kaya confidence siya na sa loob ng hotel room na ito ay wala siyang makikitang Christian na may kasamang ibang babae. Huminga siya ng malalim saka ito binuga. Gusto man niyang pigilan ang lakas ng pagkabug ng dibdib niya ay hindi niya magawa. Lakas loob niyang binuksan ang pinto. Hindi ito naka-lock kaya tuluyan na niya itong binuksan saka pumasok. Nanginginig na inihakbang niya ang mga paa papasok sa kwarto. Nasa hallway pa lang siya ay nakikita na niya ang mga nagkalat na mga damit ng babae at lalaki. Pigil hininga siya habang patuloy pa rin siya sa paghakbang papunta sa kwarto. Hindi pa man siya nakakarating sa may kama ay may naririnig na siyang mga ungol. "Sige pa Christian... Ahh.. Ahh..." Napatakip siya sa sariling bibig. Hindi man niya nakikita ang may-ari ng boses ay sigurado siyang kilala niya ito. Tuluyan na siyang napaluha ng tuluyan na niyang makita ang dalawang nagmamay-ari ng mga ungol at gumagawa ng milagro. Ang fiancee niyang si Christian na nakapatong sa ibabaw ng step sister niyang si Sofie. "Ahh... s**t!" Hindi niya inaasahan na ang lalaking mahal niya ay may kasiping na ibang babae. Napaisip siya at napatanong sa sarili kung naisip din kaya siya nito habang may kasiping itong ibang babae. Kung naiisip ba nito kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ang kahayupang ginagawa nito o minahal ba talaga siya nito? Hindi na niya kinaya pa ang nangyayaring kababuyan sa harapan niya kaya naman tumakbo start palabas ng hotel room na 'yun, palayo sa lugar na 'yun. Sa sobrang busy sa ginagawa nito ay hindi man lang napansin na may nakakakita na pala sa mga ito. Tumakbo siya habang umiiyak. Marami na siyang nabubunggong tao pero ni isa sa mga ito ay hindi niya pinapansin. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi ang sakit ng pagtataksil na ginawa ng fiancee niya at ng step sister niya. Mas naging masakit ang sakit na nararamdaman niya dahil ang itinuturing pa talaga niyang kapatid ang babae nito. Bakit sa dinami-dami ng babae, bakit ito pa? Sa sobrang paghihinagpis niya ay hindi na niya alam kung saan na siya nakapunta. Gabi na at wala siyang planong umuwi. Ayaw niyang makita ang mga taksil. Napaisip tuloy siya kung kailan pa siya niloloko ng mga ito. Kung kailan pa siya naging tanga at hindi man lang niya napansin ni katiting sa mga kinikilos nito na may namamagitan na pala sa dalawa. "I LOVE YOU so much, babe. You are the only one I want to be with. Will you marry me?" Nakaluhod ang isang paa ni Christian habang sinasabi ang mga salitang ‘yon sa kanya. Napatakip siya sa bibig at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya dahil sa tuwa na nararamdaman niya ngayon. Naririnig na din niya ang mga tao na sumisigaw ng YES. Nakikisaya sa saya nilang dalawa. "Yes!" sigaw niya na nakapagpangiti kay Christian. "Yes?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Yes." Tumango siya at inilahad ang kamay niya dito par isuot nito ang singsing sa daliri niya. "Of course. I will marry you, babe." Tumayo na mula sa pagkakaluhod si Christian at masayang isinuot ang singsing sa palasingsingan niya. Hinalikan siya nito sa noo, at labi saka siya nito niyakap ng mahigpit. Hindi niya lubos na maisip na magiging ganito siya kasaya kasama ang lalaking mahal niya. NAPANGITI na lang siya ng mapait ng maalala ang araw kung kailan ito nag-propose sa kanya. Bumuhos na naman ang mga luha niya dahil sa mga alaalang ‘yon. Paano ba umabot sa ganito? Naging masaya naman sila sa relasyon nila sa loob ng limang taon. Hindi na ba siya mahal nito o nagsawa na ito sa kanya. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan ilang buwan na lang ay ikakasal na sila. Hindi lumilingon si Anastasia sa dinadaanan niya kaya hindi niya nakita ang sasakyan na paparating. Bumubusena ito ng malakas pero huli na ang lahat para makaiwas pa siya sa mabilis na sasakyan. Tuluyan na siyang nabangga nito at bahagyang tumilapon sa malayo. Agad na bumaba ang driver at kasama nito mula sa sasakyan saka siya tiningnan. May sugat ito sa katawan at ulo na ikinatakot ng driver. Marami-rami ang dugo nito sa ulo. "Tara na, pare," sabi ng driver sa kasama nito saka ito hinila palayo kay Anastasia. "Anong tara na? Dalhin natin ‘to sa hospital, baka mamatay pa ito dito." "Baliw ka ba?" Kinuwelyohan niya ito. "Kapag dinala natin sa hospital ‘yan, tayo pa ang gagastos at makukulong pa tayo pareho kapag nagsampa ‘yan ng kaso sa atin. Kaya mamili ka, aalis na tayo o makukulong tayong pareho?" "P-pero--" "Bahala ka kung gusto mong makulong. Basta ako, ayoko." Mabilis itong naglakad pabalik sa sasakyan. "Ano ba! Bilisan mo bago pa may makakita sa atin dito." Kahit gusto ng lalaki na tulungan si Anastasia ay mas nanaig dito ang takot na makulong dahilan para sumunod ito sa kasama. Agad na pinaharurot ng driver ang sasakyan at iniwan ang duguang dalaga na walang malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.2K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.3K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook