Kabanata 2

1890 Words
Nagising si Anastasia na masakit ang katawan, lalong-lalo na ang ulo niya. Napahawak siya dito ng may maramdaman na likido na dumadaloy doon. Dugo. Napahawak siya sa ulo niya ng kumirot ito doon. Hindi niya maalala kung anong ginagawa niya sa lugar na ‘yun at kung bakit ganito ang sitwasyon niya ngayon. Napatingin siya sa paligid, madilim pa din at walang kahit anong sasakyan ang dumadaan sa kinalalagyan niya. Kahit nasasaktan dahil sa mga natamo niyang sugat ay sinubukan niya pa ring tumayo at maglakad para makahingi ng tulong. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, basta ang nais niya lang ay makahingi ng saklolo. Ayaw pa niyang mamatay. Habang naglalakad siya ay may nakita siyang maliwanag at malaking mansyon sa hindi kalayuan. Nakaramdam siya ng pag-asa sa loob niya na baka sa malaking mansyon na ‘yon ay may taong makakatulong sa kanya. "Tulong," mahina niyang sabi dahil nanghihina na siya. Hindi pa man siya nakakaabot sa gate ay bumagsak na ang katawan niya sa malamig na semento. Hindi na niya kaya pa, hinang-hina na siya dahil sa mga sugat niya lalo na ang dumudugo niyang ulo. Ang natitira niyang lakas kanina ay inubos na niya sa paghahanap ng makakatulong sa kanya at ngayon ay ubos na ubos na talaga ang lakas niya. Gusto man niyang sumigaw ng tulong sa mga tao na nasa loob ng malaking mansyon ay hindi na niya magawa. Kahit ang pagsasalita ay wala siyang lakas. Gusto na niyang matulog at magpahinga. Bumibigat na ang talukap ng mga mata niya dahilan para ipikit niya ito at tuluyan na siyang nawalan ng malay. "MANANG TESSA. Manang Tessa!" Nabulabog ang mga tao sa mansyon ng Montefalco dahil sa sigaw ng guwardyang si Berting. "Ano ba, Berting? Ang aga-aga, ang ingay-ingay mo," sabi ni Manang Tessa ng makalapit sa gate. "Tingnan niyo ho, Manang Tessa." Turo nito sa dalagang duguan at walang malay na nakahandusay sa harapan ng gate nila. "Jusko!" hindi makapaniwalang ani nito. "Tingnan mo nga, Berting, kung buhay pa." Agad na itinulak nito si Berting palapit sa dalaga na walang malay na nakahiga sa harap ng gate ng mansyon. Hinawakan ni Berting ang leeg nito at dinama ang pulso nito. "Buhay pa, Manang," sabi nito ng maramdaman na may pulso pa ito. "Kargahin mo dali, tapos dalhin mo sa guest room," utos niya kay Berting. "Sige po, Manang." Binuhat nito ang dalaga saka ipinasok sa mansyon. "Tawagan mo si Doc Denver at sabihin mong may emergency." "Opo, Manang Tessa." Nagmamadali ding pumasok ang katulong sa bahay para gawin ang iniutos niya. Agad din namang sumunod si Manang Tessa sa loob mansyon saka dumiretso sa guest room kung saan dinala ang dalaga. Inutusan niya ang ibang mga katulong na kumuha ng maligamgam na tubig, pamunas, at damit. Siya na mismo ang naglinis at nagpalit ng damit ng dalaga. Habang nililinis niya ang dalaga ay hindi niya maiwasan na magtanong sa sarili kung anong nangyari dito. Tiningnan niya ang mukha nito at napangiti na lang dahil sa taglay nitong ganda at mala-anghel nitong mukha. "Manang Tessa." Napalingon siya sa binatang tumawag sa pangalan niya na kakapasok lamang sa kwarto. Si Denver. "Ano po ang emergency?" nag-aalala nitong tanong sa kanya. Si Denver Baltazar ang isa sa matalik na kaibigan ni David. Ang ama nito ang dating family doctor ng mga Montefalco na ngayon ay si Denver na ang pumalit. Halos siya na din ang nagpalaki sa batang ito dahil halos dito na din ito tumira noon. "May sakit po ba kayo?" Lumapit agad ito sa kanya at tiningnan ang kabuohan niya. Kinapa din nito ang noo, at leeg niya para maramdaman nito kung may lagnat ba siya o wala. Napailing na lang siya sa ginawa nito. "Wala akong sakit." Bahagya siyang natawa sa inasta nito. "Masyado kang nerbyosong bata ka," sabi nito saka ito pinalo sa braso dahilan para mapa-aray ito. "Sinabi ko sayo na wag masyadong magkakape at nakakasama sa katawan mo iyon." "Hindi naman po masyado, Manang Tessa," depensa nito. "Syempre hindi ko maiwasan na mag-alala ng sinabi ng katulong na may emergency dito. Imposible namang si David ang magkasakit, eh, dinaig pa ang bato no’n para tablan ng sakit." Napailing na lang siya sa sinabi nito. Sa isip naman ni Denver ay medyo natawa siya. Syempre bilang isang doctor ay hindi niya talaga maiiwasang hindi uminom ng kape, lalo na kapag night shift ang schedule niya. Kailangan ng kape ang katawan niya para lagi siyang gising during night shift. "Anyways, ano pong emergency ang meron? You look healthy." Napalingon si Denver sa kama ng tumingin si Manang Tessa dito at nagulat ng makita ang magandang dalaga pero namumutla na. "Sino siya, Manang?" Lumapit ito dito para tingnan ito sa malapitan. "Hindi ko siya kilala. Nakita lang siya kanina ni Berting sa harap ng mansyon, sugatan at walang malay. Ang dami niyang mga sugat." Hinawakan ni Denver ang palapulsuhan nito. "Mahina ang pulso niya. Tatawag muna ako sa assistant ko at magpapadala ako ng mga gamit dito. Masyado na siyang maputla. She needs some blood." Agad nitong kinuha ang cellphone saka tumawag sa assistant niya. NAGISING si David na hindi man lang alam ang nangyayari sa loob ng mansyon niya. Agad itong naligo at nagbihis ng pang-opisina. Pagkatapos na ayusin ang tie sa suit niya ay kinuha niya ang coat na nakapatong sa kama saka lumabas sa kwarto. Doon niya lang napansin ang dalawang katulong na nanggaling sa guest room na may hawak na maliit na planggana na may lamang tubig at damit na may bahid ng dugo. Nagtaka siya sa nakita. Wala siyang naaalala na may bisita siya na nasa guest room. "Hey, you!" sigaw niya dito dahilan para mapaigta ang mga ito sa gulat at mapalingon sa kanya. "A-ako po, Sir?" Turo ng isa sa katulong sa sarili. "Yeah, you." Hindi niya kilala ang mga pangalan nito kaya you na lang ang tawag niya dito. "B-bakit po, Sir?" Lumapit ito sa kanya ng may bahid ng takot sa mukha. "What was that for?" Turo nito sa hawak nito. "And what are you doing in the guest room?" "Ahm, kasi po, Sir." Tinaasan niya ito ng kilay. "May nakita po kasing babae kaninang umaga sa harap ng gate." Napayuko ang katulong ng magsalubong ang makakapal niyang mga kilay. "Dinala po siya ni Manang Tessa sa guest room para gamutin." "Good morning, Mr. Montefalco." Nabaling ang atensyon ni David kay Monicca, ang assistant ni Denver. "What are you doing here?" Nagtatakang tanong nito. Agad naman na yumuko ang katulong saka umalis. Lumapit sa kanya sa Monicca ng may ngiti. "Tinawagan ako ni Doc Den, at pinadala sa akin ang mga gamit niya." Nagsalubong ang mga kilay niya ng tingnan siya nito ng may pang-aasar. "Balita ko, maliban sa mga katulong ay may nakapasok daw na babae dito, at sugatan pa." Napailing na lang siya dahil kahit mainis siya dito ay ngingitian lang siya nito. Para sa kanya para itong may sayad. Walang pakialam kung pagalitan man ito. "I don't know what you're talking about." Nilampasan niya ito saka naglakad papunta sa guest room para makita ang babaeng kanina pa sinasabi ng katulong at ni Monicca. Kilala niya si Manang Tessa, hindi ito basta-basta nagpapasok ng kung sino-sino lang. Lalo na't alam nito na ayaw niyang nagpapasok ito ng hindi niya kilala. Well, lahat naman ng katulong ay hindi niya kilala pero lahat ng mga ‘yon ay dumaan kay Manang Tessa. Matagal ng naninilbihan sa pamilya niya si Manang Tessa kaya malaki ang tiwala niya dito na hindi ito basta-basta magpapasok ng kung sino-sino lang na tao. But this time it's not a maid. It's just a strange woman who they found in front of the gate and hell, its wounded. Malay ba nila kung saan ito nanggaling at sugatan pa. Hindi nila alam kung masama ba ito o kung may ngawa ba itong masama kaya ito sugatan. Baka naman isa itong kriminal at kaya sugatan dahil tumakas ito sa preso. They can’t be sure with the people they don’t know. Nang makapasok ay nakita niya si Manang Tessa na nakaupo sa kama habang si Denver naman ay ginagamot ang sugat ng babae. Lumapit siya dito para makita ang mukha ng babae. Maganda at maputi ito pero sa kabila ng kaputian nito ay hindi maitatago na maputla ito dahil sa marami nitong sugat. "Manang," tawag niya sa mayordoma. Doon pa lang napansin nang dalawa na nasa loob na pala siya ng silid. "David, anak." Tumayo ito saka lumapit sa kanya. "Who is she?" Turo nito sa babaeng nakahiga sa kama at walang malay. "Hindi ko siya kilala. Nakita lang siya kanina ni Berting sa harap ng gate sugatan, at walang malay. Naawa ako kaya pinapasok ko dito para magamot siya ni Denver." "But Manang, we still don't know her and why she's wounded. We don't know if she's a bad person-- Aww." Napatahimik siya ng hampasin syia ni Manang Tessa sa braso niya. "Ikaw bata ka, 'wag mo ako ini-ingles ha." Sinamaan niya ng tingin si Denver ng marinig niya ang pagbungisngis nito, pero umiling-iling lang ito. "Tingnan mo nga ang mukhang ‘yan." Napatingin siya sa tinuro ni Manang Tessa. "Mukha bang masamang tao ‘yan?" Napailing na lang siya. "Tingnan mo nga, ang amo ng mukha niya. Para siyang isang anghel." He hate to admit, but Manang Tessa was right. She has the face like an angel, but still... "But still Manang, we can't judge her by her looks or by her face. May kasabihan nga ‘di ba na, ‘don’t judge the book by it’s cover?’ Kaya hindi pwede na ang mukhang niyang ‘yan lang ang pagbabasihan natin kung mabait ba siya o masama.” "You don't have to worry about that thing." Napatingin siya kay Denver na katatapos lang ikalabit ang dextrose nito. Hindi niya napansin na nakapasok na pala si Monicca sa silid at nagamot na din ni Denver ang mga sugat nito, dahil sa pag-uusap nila ni Manang Tessa. "Sa tingin ko nabangga siya ng isang sasakyan. Kaya may sugat ang ulo niya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa kanya." "Nakita mo na?" Tinaasan siya ng kilay ni Manang Tessa. "Sabi ko sa ‘yo eh." "You still don't know her, Manang-- Aww." Napadaing na naman siya ng hampasin na naman siya nito sa braso. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong ini-ingles, bata ka." Napabuntong-hininga na lang siya. Masyado kasing makaluma ang Manang Tessa niya. Masyadong loyal sa sariling lenggwahe. Gusto nito nagta-tagalog ka kapag kausap mo siya. "Hindi pa rin natin siya kilala, Manang." "Eh, di tanungin natin paggising niya." Sinamaan niya ito ng tingin pero nabawi din agad ng pandilatan siya ng mga mata nito. Lahat ng tao sa mansyon ay takot sa kanya maliban kay Manang Tessa na nagpalaki sa kanya. "Bahala kayo, basta pagnagising na ang babaeng ‘yan ay paalisin niyo na. Ayokong may ibang tao sa pamamahay ko." Agad na siyang lumabas dahil alam niyang makikipagtalo lang si Manang Tessa sa kanya, lalo na't maawain ito sa iba. "Itong batang 'to talaga oh." Napailing na lang si Manang Tessa. "Hayaan niyo na, Manang. Kilala niyo naman ang alaga niyo eh. Masyadong matigas ang puso," sabi ni Denver dahilan para mapabuntong-hininga na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD