“Bwesit!” sigaw ni Sheena. “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” tanong niya sa taong inutusan niyang sundan si Beatrice. “Opo, ma’am. Nakita mismo ng dalawa kong mata , kaya naman kinuhanan ko para maniwala kayo,” sabi nito saka kinuha ang cellphone at pinakita sa kanya. “Nakita namin na tumatakbo palabas ng condo, kung saan nakatira si Beatrice, si Anastasia. Nagulat na lang kami ng sumunod si David at niyakap ang asawa. Mukhang nagkabalikan na nga po ang dalawa. Nakita din namin si Beatrice na naglalasing sa isang club,” dagdag pa nito. “Bwesit!” sigaw na naman nito saka tinapon ang cellphone ng taong pinasusunod niya kay Beatrice. “Ah!” napasigaw din ako. “Ang cellphone ko.” Napatingn ito sa cellphone niyang wasak na wasak na ngayon. Sana pala pina-develop na lang niya ang mga picture par

