Mag-isang dumalaw si Anastasia sa anak niya. Wala si Amber dahil uuwi ito sa kanila. Hindi niya din kasama si David dahil may aasikasuhin itong importante. Hindi na din siya nagtanong dahil baka para ito sa kompanya nito. May kasama naman siyang driver pero naghihintay ito sa kotse. Pinalitan na ni David ang driver niya. Masyado ng matanda si Mang Delfin at parang na-trauma na ito sa nangyaring aksidente. Kahit na hindi ito nasugatan ay parang natatakot na din ito. Kapag mamalengke na lang ang mga katulong, ito nagmamaneho. Kinatok niya ang salamin at nakita muli ang anak niyang wala ng oxygen. Natutuwa siya dahil mas lumalakas ito. Hindi pa nga lang ito nakakainom ng gatas dahil baka hindi pa kaya ng tiyan bata. He is still developing. "Anak mo?" napatingin siya sa lalaking nagsalita.

