Pagmulat ko ng aking mga mata ay palubog na ang araw. Ganun kabilis ang oras o ganun katagal akong nakatulog.
Naalala ko yung sinabi sa'kin ni Cairo kanina, anong ibig niyang sabihin? Hmmm nevermind. Bumangon ako sa kama ko at humarap sa salamin,at tama nga ako na namumugto ang mga mata ko. Ganun kabilis ang mga pangyayari. Naupo akong muli sa kama ko at pakiramdam ko ay iiyak nanaman ako ng maalala rin ang nangyari sa'min ni Bryle. Ngayon ay wala na kami, tama si Cairo sa sinabi niya kanina na 'di na kami lovebirds ngayon.
Lumabas ako ng kwarto ng mapag alamang wala si tita Crell kasama si manang, at si Cairo? Wala akong paki kung nasaang lupalop ng mundo. Agad akong nagtungo sa kusina at binuksan ang ref para kumuha na alak. Hindi na ako kumuha pa ng wineglass dahil balak kong tunggain ito, gusto kong malasing at kalimutan ang lahat na parang walang nangyari... na parang hindi ako nasaktan.
Bumalik ako agad sa kwarto ko at linagok ang alak, madali akong malasing pero wala akong pakialam. Lagi naman akong walang pakialam eh wag na kayong mag taka. Umupo ako sa sahig sa gilid ng kama ko at sumandal dito habang nakatanaw sa labas na kita mula dito dahil sa bukas na glassdoor ng terrace.
Bawat lagok ko ng alak ay katumbas ang pagbalik ng masasayang alaala namin ni Bryle na ngayon ay itatapon at kakalimutan ko na. Para na akong tulad ng mga napapanood ko sa kdrama o sa ano mang palabas na nagdadrama at naglalasing dahil broken.
'I think I need a comfort zone right now'
"I'm here!" Biglang sumulpot sa harap ko si Cairo habang nakangiti sa'kin, agad niya rin akong tinabihan.
Madali akong malasing kaya wala pa sa kalahati ng wine ang naiinom ko ay nag-iba na agad ang pakiramdam ko. Humagulgol na naman ako, samantalang si Cairo na Guardian Angel ko daw ay nakatitig lamang sa'kin. Ganyan ba ang Guardian Angel, parang walang pakialam?
Tumitig din ako sa kanya at nag titigan kami. Akala ko ay hanggang dito lamang ngunit habang tumatagal ay nag iiba ang tingin ko kay Cairo. Unti-unti na namang bumabalik ang sakit at kirot sa puso ko habang nakatitig sa kaniya. Alam kong mali ang nakikita ko pero hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. Ganito ba talaga pag broken? Mahirap pala.
"Brylle?" Parang nagtataka ang kaharap ko ngayon sa sinabi ko. Wala na akong ibang alam at nakikita bukod kay Brylle dahilan para lalo akong umiyak. Hinawakan ko siya sa kwelyo ng kanyang damit at inilapit ko ang aking mukha.
"Brylle bakit? B-bakit? Anong kulang sa'kin ha?! Bwesit ka alam mo ba 'yon? You're always hurting me, but you didn't know that because you didn't care! Wala kang pakialam sa'kin." Puno man ng pagtataka ang kaharap ko ngayon ay mas lalo ko paring inilapit ang aking mukha, samantalang siya ay hindi na makagalaw at nakatitig lamang sa akin.
"That damn f*cking lips, Brylle" saad ko habang nakatingin sa mga labi niya. Himigpit ang hawak ko sa kaniya at hindi ko na maintindihan ang halu-halong imosyong nararamdaman ko.
"Heavenly." Bakit parang iba ang boses ni Brylle?
"Shshsh!" Iniharang ko ang middle finger ko sa labi niya.Yup! Middle finger, to make him quite. "Don't worry baby, I'm yours this time, ibibigay ko lahat but please don't leave me." At agad ko siyang hinalikan sa labi. Hinawakan ko ang kanyang dibdib at gumapang ang aking mga kamay patungo sa kanyang lieg.
Damn! Habang hinahalikan ko siya ay lumuluha ako. Halos kumandong na ako sa kanya habang nakahawak siya sa aking bewang pero pakiramdam ko ay may mali. Is he forcing me to stop?! Parang pilit niya akong inilalayo sa kanya. Kahit na ganun ay hindi ako tumigil. This is what you want, right, Brylle?
Habang patuloy ako sa ginagawa ko ay nakaramdam ako ng kakaiba. Mali itong ginagawa ko.
Huhubarin ko na sana ang kanyang damit ng napahinto ako dahil sa narinig ko. "Heavenly stop! Hindi mo kailangang ibigay lahat para sa taong mahal mo." Boses iyon ni Cairo.
Huminto ako sa ginagawa ko ng mapagtantong si Cairo ang kaharap ko at lasing lamang ako.
Shocks, anong ginawa ko sa anghel na ito?!
"I-I'm sorry" Pinahid ko ang mga labi ko at umalis sa pag kakandong sa kanya. Nakatitig lamang siya sa akin habang ang mga mata ay may halong pag aalala.
"I can be your comfort zone, but not like that. Not like that way, my princess" he said calmly. Tumayo siya habang ako ay nakaupo pa rin sa sahig at nakatingin sa kanya. Iniibot niya ang kaniyang kamay sa akin.
"Lipad tayo. Kahit saan mo gusto, just to make you happy and comfortable." Then he smiled at me.
"Haha, lipad? How? Anghel na walang pakpak." Kahit papano ay natawa ako.
"Mag tiwala ka sa akin, Heavenly. Guardian Angel mo ako at hindi ko hahayaang manatili ang sakit diyan sa puso mo." Nakangiti pa rin siya sa akin habang ako ay hindi alam ang sasabihin. "Don't worry, after this night... I promise na hindi mo na mararamdaman pa ang sakit mula sa nangyari kanina."
Nginitian ko na lang rin siya, yung ngiting hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Kung dapat ba akong matuwa o muling umiyak.
Sumeryoso siya at iniabot ko na lamang ang mga kamay ko sa kanya. Inangat niya ako patayo,at sa puntong 'yon ay muling nag dikit ang aming mga katawan.
"I'm always here if you need me. I can be your comfort zone, your guardian, and I can also be your boyfriend, milady." At bahagya akong natawa dahil sa huli niyang sinabi.
Sa isang iglap ay lumabas mula sa kanyang likuran ang malalaki, puti, at magandang pakpak na nakapag pamangha sa akin.
Thank you My Crazy Guardian Angel.
_______________________