Kabanata 4: Tears to Fall

1328 Words
"Heavenly... huy! gising na,Heavenly may taong nag hihintay sayo sa baba kanina pa." Dinig kong sabi ng pamilyar na boses at boses 'yon ni Cairo. Hindi ako umimik dahil inaantok pa ako. Bwesit na anghel 'to pampasira ng panag-inip,batukan ko kaya 'to. "Huy!"halos yugyugin na ako ni Cairo para lang magising, but actually gising naman na ako eh tinatamad lang talaga akong magmulat at bumangon. "Hayst!tulo pa ang laway mo. Hahaha nakakatawa." Parang pang aasar ang dating sa'ken ng sinabi niya. At dun palang sa sinabi niyang 'yon ako nabuhayan ng diwa. Bumangon ako at agad na humarap sa salamin,nasagi ko pa nga si Cairo pero wala akong pake. g**o-g**o ang buhok,may panis na laway pa at halos lumuha na ang mata. 'Yan ang nakita kong itsura ko pag harap ko sa salamin. "Sino ba yung nag hahanap sa'ken ha?" Tanong ko kay Cairo habang tamad na nagtungo sa banyo. Sa totoo lang ay wala akong ganang gumising sa araw na ito pero mukhang hindi iyon maaari. "Hindi ko kilala eh. At tsaka bakit sa'ken mo pa itatanong? Pwede namang bumaba ka dun at silipin mo. Wag kang tamad." wtf?! Nairita ako sa sinabing yun ni Cairo. Agad akong lumabas at binato ng tuwalya si Cairo bago muling pumasok sa banyo at agad na naligo. Bwesit na anghel talaga yun, anghel ba talaga 'yon? After kong maligo ay nag ayos agad ako tsaka lumabas ng kwarto. Pagkagaling ko kaseng cr ay wala na si Cairo sa kwarto ko at kung nasaan man siya ay wala akong pakealam. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si manang. "Oh ija gising ka na pala. Ang sabi ni Cairo ay ayaw mo daw lumabas ng kwarto dahil may LBM ka daw." Sabi ni manang at napa 'wtf' nanaman ako dun. Feeling ko nag uusok na ang ilong ko sa inis,ay hindi lang pala inis kundi galit. grrr! humanda saken 'yang Cairo na yan. "Eh ano,okay ka na ba ija?" muling tanong ni manang. "Ah opo,eh sino po ba yung nag hihintay daw sa'ken." Tanong ko naman dahil mula kanina ay hindi ko pa alam kung sino ang nag hihintay sa'ken kase 'di man lang sinabi ni Cairo. "Ahmm... Yung kasintahan mo ija." K-kasintahan?! "Si Bryle po ba ang tinutukoy niyo?" Aba syempre naman dahil wala naman akong ibang boyfriend. "Ay oo siya nga, andun sa baba at kanina ka pa hinihintay. Balak ka ngang gisingin eh kaso nag presenta si Cairo na siya na lang daw ang gigising sayo." Paliwanag ni manang at tinanguhan ko na lang siya. Agad akong pumunta sa baba at nadatnan ko dun si tita Crell na kausap si Bryle. Bumaling ang tingin saken ni Bryle ng mapansing papalapit ako sa kanila,at lumingon nadin si tita Crell. "What are you doing here?" Mukhang nagulat ang ekspresyon nilang dalawa sa tanong ko. "Are you mad at me babe?" Tanong ni Bryle na ikinakunot naman ng nuo ko. Bakit ganyan siya ngayon,hindi naman babe ang tawag niya sa'ken. "Ah maiwan ko muna kayo." Tumayo si tita Crell at bahagyang lumapit sa'kin at bumulong. "Umayos ka,kanina pa nag hihintay sayo 'yan." Tsaka tuluyang umalis at kaming dalawa na lang ni Bryle ang naiwan. Napairap na lang ako sa kawalan. "Hindi ka man lang nag sabi sa'ken nung umalis ka,at ngayon wala ka ring balak sabihin sa'kin na andito ka na?!" Hindi niya ako masigawan dahil nandito siya sa pamamahay ko. "What's wrong with you Heavenly?tell me." "This f*****g relationship!" Naningkit ang mga mata niya sa sagot ko. This relationship is damn wrong. "W-what did you say?" Nauutal na tanong niya ,na para bang apektado siya sa mga salitang binitawan ko. Eh wala nga siyang pake sa relasyon namen,tapos ganito pa siya kung maka-react. "You heard it right?"napa cross arms ako at tiningnan ang mga mata niyang puno ng pagkukunwari. "This f*****g relationship!our relationship is wrong!" "Anong punto mo? Bakit ganito?"waring naguguluhang saad niya. God! Bakit parang pakiramdam ko ngayon ay breakup ang nais niyang gawin namen? "Don't ask me kung bakit ganito! Ask your self Bryle, why?w-why? Nung una naman ay maayos pa tayo,masaya at laging priority ang isat-isa." Nag iinit na ang gilid ng aking mga mata at kunti na lang ay bibigay na ang mga luha ko. Ganon ba talaga pag pumasok sa isang relasyon,laging sa una lang masaya? "I didn't got your point Heavenly. So anong gusto mong mangyari?" Napatapik ako sa noo ko sa inis, naiinis ako sa kanya at sa sarili ko. Bakit ganyan siya? I felt... he's not my boyfriend anymore. Sasagot na sana akong muli ng biglang bumaba ng hagdan si Cairo at parang sinasadyang bulabugin kami ,dahil sa mga yabag niya. Masyadong maingay. Pareho kaming napatingin ni Bryle sa kanya. "What?" He ask, sarcastically. "Did I disturb you...love birds?" What the hell is he doing, I mean saying. "Or should I say love birds noon at ngayon pero mamaya ay hindi na." Sinamaan ko siya ng tingin. "Who are you?!" Mayabang na tanong ni Bryle dahilan para sa kanya naman ako humarap at tumingin ng masama. Because of Cairo, napigil ang sana'y pag dadrama ko. "I'm Cairo the handsom." The f*ck? Kumunot ang noo ni Bryle at tumingin sa'ken ng may pagtatanong sa kanyang mga mata. "Bakit ka nandito? Ano ka ng girlfriend ko?!" Wow ha? Big word 'Girlfriend! "Heavenly who is he?" Naguguluhang tanong ni Bryle habang ang dalawang kamay ay kapwa naka hawak sa magkabila niyang bewang. "Siya si Cairo... Friend ko." Halos pabulong lang na sagot ko. Halo-halong imosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Nakatitig na ngayon sa'kin ang dalawa. Ngayon din ay pinag gigitnaan na nila ako at kapwa nag tataka. "Hahayaan ko muna kayong makapag usap. Bye" saad ni Cairo at agad namang umalis. Pero bago siya umalis ay nakaramdam ako ng kaba at aaminin ko ang nasa isip ko 'Cairo wag kang umalis,kailangan kita ngayon. Di ko na yata kayang i-handle ang sakit na nararamdaman ko. "Heavenly." Mahinang tawag sa'kin ni Bryle. "Bryle..." tumingin ako sa kanya, at kapwa nakatitig kami sa isa't isa. Ang bilis ng t***k ng puso ko at nasasaktan din. Ganito ba kapag feeling mo ay lilisan na ang taong 'minahal mo? "Bryle pagod na ako, hindi ko na kayang i-handle ang relationship na ito na ako na lang ang lumalaban." Napasinghap si Bryle pero kita ko sa mukha niya na okay lang. " It's okay." Yun lang? Damn this man! Wala talaga siyang kwenta. Kunti na lang talaga ay bibigay na ako. "Di ko narin naman kaya eh,nakakasawa na. Hinintay ko lang na ikaw na ang sumuko." at sa sinabi niyang yun ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko "Hahaha!" Para akong baliw na bigla na lang natawa. "Iyon naman pala eh, ano pang tinatayo mo diyan? Umalis ka na!" I shouted at him at agad naman siyang umalis ng walang pakundangan. Napaluhod na ako at wala akong pakealam kung marinig ang hagulgol ko dito sa buong bahay. Ang sakit eh! Napahawak ako sa dibdib ko at dahan dahang tumayo. Nang makatayo ako ay agad akong tumakbo sa kuwarto ko. Nakasalubong at naka bangga ko si Cairo pero hindi ko siya pinansin kahit na nag aalala siya. Isa pa yung anghel na yun, mapag kunwari. Bakit ganito ang tadhana? Kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip ko at para na akong baliw. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maramdaman ko ang antok. I closed my eyes, pero bago ako tuluyang pumikit ay naaninag ko si Cairo na pinag mamasdan ako. "Umiiyak ka na naman." I heard his voice on my mind. "Don't worry, when you wake up... I will be your comfort zone, my princess." he whispered on my ears, before everything went black. Itutuloy... Abangan ang mga susunod na kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD