Pagbukas ko ng pinto ng kotse ko ay bumungad sa'kin ang demonyong anghel. Eh? Baliw na lalaki. Nakangisi naman siya sa'kin nakaupo sya sa driver's sit tapos naka hawak sa manibela.
"Sakay na prinsesa ko?" Prinsesa... what the hell!
"Anong ginagawa mo d'yan?" Naiirita na ako sa kanya para syang batang naglalaro lang ng kotse-kotsehan.
"Ako ang mag mamaneho para sayo," nakangiti pa rin s'ya at bakas sa kanya ang saya.
"Hindi pwede!"
"Ay badtrip ka teh!" Napairap na lang ako, kakaiba ang anghel na 'to. Sukatin mo't nakakapag salita sya ng mga ganun. "Sige na ako na lang mag mamaneho," nag puppy eyes pa sya.
Padabog kong sinara yung pinto tapos lumipat ako sa kabilang side at dun ako sumakay. Nakasimangot parin ako at naiirita. "Marunong ka bang mag drive?"
"Oo naman ano, nakikita ko 'to sa iba kapag pumupunta ako dito kahit labag."
"Pasaway na anghel," mahina lang yung pagkakasabi ko no'n pero parang narinig niya.
"Kaya nga ako na parusahan eh." Naparusahan daw ang putek haha buti nga.
"Uy bad yang nasa isip mo ha."
"What ever! Mag maneho ka na!"
Hindi na sya sumagot pa at inabot ko na lang sakanya yung susi at nakita ko naman na tama yung pag start nya hanggang sa pagpapaandar kaya naging kampante na ang loob ko. Marunong din pala ang mga tulad nila sa ganitong gawain at mga sasakyang wala sila. Masyado ng makabago ngayon na parang hindi ka mabubuhay ng maayos kung walang transportasyon at ganun din sa teknolohiya. But what ever! Marami na akong problema at ayaw ko ng problemahin pa ang problema ng bansa o ng buong mundo pa man maski ni mother Earth. Mas nais kong lutasin ang problema ko ngayon at masyado rin akong busy para sa pagiisip ng ganung bagay na hindi naman bahagi ng kwentong ito... blah!blah!blah!.
Tahimik lang ako at ganun din si Cairo na naka fucos sa daan. Natatawa pa ako sa mukha niya, masyado siyang seryoso pero ayos narin 'yan para hindi kami mabangga baka gasgasan niya pa itong baby car ko eh mahal nito. Di ko nga alam kung bakit ako nag titiwala sa tao, etse anghel na'to.
"Huy anghel na walang pakpak, saan ka nga pala tutuloy? Babalik ka ba sa kung saan kayo naninirahan... sa langit ba?" tanong ko pambasag ng katahimikan, masyado ng awkward eh.
"Una sa lahat, hindi pa ako nakakarating sa langit at hindi ko rin batid kung ano ang tunay na itsura no'n. Hindi pa ito ang takdang oras para tuluyan na akong mapabilang sa mga anghel sa langit. Ang totoo niyan ay hindi pa kami mga ganap na anghel na para bang nagsasanay pa lang kami," paliwanag niya. "At sa isang tago at malayong paraiso lang kami naninirahan at hindi pa ako makakabalik do'n hangga't hindi pinahihintulutan ni maestro," nakatuon padin siya sa daan habang nagsasalita.
"Maestro?" tanong ko.
"Oo para bang pinuno naming mga anghel gano'n," paliwanag niyang muli at tinanguhan ko na lang s'ya. "At sa bahay niyo ako titira." Para akong natanga sa sinabi niya. Anak ng porkchop naman bakit samin?!
"Anong samin?! No way!"
"Hindi mo pwedeng tanggihan ang guardian angel mo," nakangisi niyang sabi kaya mas lalong nag init ang ulo ko like a hell. "Pumayag ka na kase hindi pwedeng magkalayo tayo dahil kailangan kitang bantayan."
"Eh ano ba talaga ang misyon mo sa'kin ha?!"
"Hindi nga sinabi ni maestro basta malalaman ko din daw 'yon sa takdang panahon," paliwanag niya napairap na lang ako at tumingin sa kawalan. Takdang panahon? Kelan 'yon, sa pag guho ng mundo?
Tahimik nanaman kami hanggang sa maabutan na ng traffic. Tinuon ko na lang ang pansin sa cellphone ko at kanina ko parin hindi linilingon si Cairo na wala rin namang pakelam saken. Hindi ko alam na may mga ganito palang nilalang at totoo sila, tapos nakikita ko ngayon at kasama ko pa. Hindi naman siguro panag inip ito diba?
Ilang sandali pa ang lumipas at nakausad narin ang mga sasakyan. Liningon ko na si Cairo at may something sa kanya akong naramdaman. Habang nakatitig ako sa kanya ay para bang pakiramdam ko na matagal ko na siyang kilala, siguro ay dahil narin sa guardian angel ko sya kaya ganun.
"Gutom na ako" medyo nagulat naman ako dahil sa wakas nagsalita na siya. "Kain tayo." Mukha ngang gutom na siya dahil halos mag tatatlong oras na kaming nagbibyahe at traffic pa.
"Sige daan muna tayo sa mall may bibilhin din kase ako..."
"Mall? Waaahhh! Sabi nila maganda daw dun, yun lagi ang nakakalimutan kong puntahan kapag pumupunta ako dito," parang batang sabi niya, natawa na lang ako.
"Eh saan ka ba laging pumupunta?"
"Sa park,simbahan, at sa beach," nakangiting sagot niya. "Saan nga pala yung daan patungo dun sa mall?" tanong niya pa.
Sinabi ko sa kanya ang direksyon, malapit lang yun kung saan kami napadpad kanina kaya nakarating agad kami. Tuwang tuwa naman si Cairo, at kung saan saan ako niyaya. Matapos naming kumain dumeretso kami sa jewerly shop at sa wattson dahil namili ako ng mga ibibigay ko sa mga kaibigan ko hindi ako nakabili ng pasalabong sa kanila eh. Kahit hindi naman ako nangibang bansa, basta't may puntahan ako kailangan may pasalubong sila. After that binilhan ko na rin ng mga damit si Cairo.
"Cairo nakikita ka ba ng ibang tao?" tanong ko dito habang namimili kami ng mga damit niya.
"Hindi." Napatingin naman ako sa kanya. "Maliban na lang kung naisin ko." Tinanguhan ko na lang siya at nagpatuloy na kami sa pamimili.
Minsan pinag bubulungan siya ng mga tao tapos tingin ng tingin sa kaniya, as usual nakikita siya ng mga tao sa paligid.
"Ang gwapo niya kaya lang ang weird ng suot niya."
"Cute pa rin naman."
"Yieee! oo nga, girl."
Ilan 'yan sa na dinig kong bulungan sa paligid, nyenye! ang lalandi. Hinila ko na lang si Cairo sa dressing room at pinagpalit na babayaran ko na rin naman lahat eh.
"Bali... 4,780 pesos po, ma'am," sabi nung babae, nandito na kami sa counter upang magbayad.
Iniabot ko 'yung credit card ko. Wala namang kaso sa akin kung gano'n agad kamahal 'yung pinamili ni Cairo pinag bigyan ko na para hindi siya mag mukhang kawawa.
Tuwang-tuwa naman si Cairo habang kumakain ng ice cream at dala-dala niya 'yung paper bags na mga pinamili niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya dahil sa asal niya, basta ang alam ko lang ay okay lang naman.
"Ah Cai... Nakikita ka na ba ng mga tao?" tanong ko dito kase mamaya mga lumulutang na gamit lang nakikita ng mga tao eh.
"Oo," maikling sagot niya dahil busy parin sya sa pag kain. Napailing na lang ako at bahagyang natawa kase ang ungis niya para talagang bata.
Pag kadating namen sa sasakyan ay ako na ang nag drive dahil kumakain pa rin si Cairo, ang dami niyang biniling donuts, e masarap daw kasi at first time nya ring kumain, mga dalawang box 'yung binili niya, takaw diba?
Mga kalahating oras pa at nakarating na kami ng bahay. Ipinarada ko ang kotse ko. Iniisip ko pa rin kung anong sasabihin ko kay tita Crell dahil kasama ko itong lalaking ito. Tiningnan ko siya bago ako bumaba ng kotse, sumunod siya sa akin. Hindi naman daw pwedeng sabihin sa iba na anghel si Cairo Egypt, ay mali lugar pala 'yon! Si Cairo pala. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko, bwisit!
Bubuksan ko pa lang sana yung pinto ng biglang may nag bukas nito at bumungad sa akin si manang Diday. Nakangiti ito pero hindi sa akin nakatingin kung 'di sa lalaking nasa likod ko. Napailing na lang ako. "Ah manang?" Napatingin naman sa akin si manang at medyo napayuko.
"Andiyan na pala kayo hija, halika pasok kayo." At pumasok naman kami no Cairo dala niya ang mga pinamili niya at dala ko naman ang gamit ko. "Ay kagwapo naman nitong kasama mo hija, kasintahan mo ba?" nakangiting tanong ni manang habang nakasunod sa akin.
"H-hindi po manang... Ah nasaan po si tita Crell?"
"Ay, nasa kwarto niya at nagpapahinga." Tinanguhan ko na lang siya.
Ibinaba ko ang gamit ko nang makarating kami sa may salas. Agad akong umupo. Napatingin naman ako kay Cairo na nakatayo lang at nakatingin saken. Hays ganun na ba ako kaganda?
"Anong tinatayo tayo mo diyan?!"
"Ah wala, hehe ang ganda mo pala"
"Ano?"
"Ah ang ganda pala ng bahay niyo."
Hindi ko na lang siya sinagot. Narinig kong may pababa sa hagdan at nakita ko doon si tita Crell. Napatingin agad siya sa kasama ko at napakunot naman ang noo niya.
"Andiyan ka na pala." Lumapit agad saken si tita. "Sino siya?" tukoy niya sa kasama ko.
"Ah tita, si Cairo po," sagot ko kay tita at kumaway naman sa kanya si Cairo,natawa naman ako. "K-kaibigan ko po, dito po muna siya." Napakunot naman ang noo ni tita Crell.
"And why?"
"Ah eh kase po ahmmm," wala na akong maisip na sagot kaya si Cairo na ang sumabat.
"Ah pansamantala lang naman po, dito po muna ako kasi dito ako mag-aaral e, kaso po 'yung bahay namin nasa ibang bansa. " Hindi ko alam kung matatawa na ba ako sa sinabi niya pero napangiti na lang si tita.
"pft. Okay you can stay here," sagot ni tita.
°•°•°•°
Pinaayos na 'yong kwarto para kay Cairo tsaka ko siya hinatid patungo doon. Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa kama tsaka tumingin kay Cairo na pinag mamasdan naman ang buong kwarto. "Ah Cairo okay ka na ba dito?" tanong ko tsaka naman ibinaling niya ang tingin sa'ken tsaka tumango. "Oo naman, malapit lang ako sayo kaya mababantayan kita ng maayos," sagot niya.
"Eh ano nga ba talaga ang misyon mo sa akin?" muli kong tanong at napakamot na lang siya sa ulo.
"Hindi ko nga alam e, basta malalaman ko daw 'yon sa tamang panahon."
"Oks! So paano iwan na kita dito at mag papahinga muna ako," sabi ko saka lumabas ng kwarto.
Hays, kakaibang anghel 'yon. Ganon ba talaga ang mga anghel ang weird eh. Di ko nga alam kung ba't naniniwala ako sa kanya.
***
Gabi na at nandito ako ngayon sa terrace at nag-iisip nang biglang sumulpot sa gilid ko si Cairo. Naka-pajama na siya, yung pinamili namin kanina. Ang nakakatawa lang e, pang bata ang design ng pinili niya hahaha pero okay lang naman.
"Hi Heavenly, magandang gabi! " bati niya habang nakangiti. "Alam mo mukhang wala naman akong misyon sayo kung 'di ang bantayan ka lang," sabi pa niya.
"Baka nga," maikling sagot ko lang. 'Yon lang naman ang mga gawain ng mga anghel diba? ang bantayan ang mga tao...
"Alam mo ba kung bakit ako naparusahan?" Tanong niya.
"Dahil pasaway ka!"
"At alam mo ba kung bakit ako pasaway at laging pumupunta dito sa mundo niyo?"
"Hindi... E, bakit nga ba?"
"Kasi may hinahanap ako at gustong makitang muli pero nakalimutan ko na. Sa sobrang aliw ko sa ibang bagay ay nakalimutan ko na ang totoong pakay ko." Napatingin naman ako sa kaniya.
Nakakalimot din pala ang mga anghel. Kung ano o sino man yung nakalimutan niya ay baka 'yon ang tunay niyang misyon. Hala teka?! Oo nga 'no.
"Ah Cairo baka naman 'yon talaga ang tunay mong misyon. Ang mahanap at maalala ang tunay mong pakay dito sa mundo."
Napatingin naman sa 'kin si Cairo at napatawa na lang ng bahagya. Anong nakakatawa? Ang weird talaga nito.
"Larawan mo ang ipinakita ni Maestro kaya imposibleng ibang tao o bagay ang misyon ko," saad niya at napatango na lang ako.
Eh? Sorry naman kung mali yung hinala o naisip ko. Malay ko ba?