Kabanata 2: Who?!

2250 Words
Kabanata2 Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Lasing pa rin ba ako nun? Who the hell is that?! Bumangon ako sa kama ko at pumunta ako sa labas dahil gusto kong mahanginan, yung sariwang hangin. Baka naka drugs lang yung lalaki kanina pero bakit biglang nawala? Hindi ako naniniwala sa mga anghel dahil hindi naman talaga sila dapat paniwalaan. Umupo ako sa bench malapit lang sa cottage ko. "Mom..." Tumingin ako sa langit. "Gusto na po kitang makasama,pagod na ako sa lahat. Nakakawalang ganang gumalaw,mabuhay or what! A-and I miss you mom, sunduin mo na ako dito." At muli akong napahagulgol at yumuko sa mga tuhod ko. Ilang minuto akong umiyak tapos biglang nag ring yung phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag, si daddy pala. Sinagot ko ito. "Dad?" ["Hello, Heavenly kelan ka ba uuwi?"] Boses iyon ni tita Crell, step mother ko, akala ko kasi si daddy. "Ah, bukas din po," sagot ko ng walang lungkot sa boses dahil ayaw kong ipaalam sa kanya kung anong pinagdadaanan ko, lagi kasi niyang alam na may problema ako kapag may pagka cold ang voice ko. ["Okay, pumunta kase dito si Bryle hinahanap ka. Hindi ba niya alam kung nasaan ka?"] Si Bryle eh yung boyfriend kong laging wala, walang pakialam sa akin at wala ring alam sa mga nangyayari sa'kin kasi nga wala siyang pake. Get?! "Ahmmm, h-hindi po pero uuwi na rin naman po ako tomorrow, so he don't need to know pa." Masyado ng cold ang relationship namin ni Brylle mula nung umalis siya at pumunta sa States para dun mag-aral ng college. And now graduated na siya,tapos ako graduating palang pero tinatamad na akong mag-aral. Next school year ga-graduate na ako and after that pupunta na ako sa London para dun mag stay at kalimutan lahat ng sakit na nabuo at nangyari sakin dito. After namin mag usap ni tita Crell ay pumasok na rin ako sa loob para matulog dahil nakalimutan ko kahit sandali yung baliw na lalaki kanina kaya makakatulog na ako ng maayos. Hindi ko na rin namalayan ang oras at nagising na lang ako ay tanghali na. Late ako ng gising at mamayang hapon aalis na ako dito sa resort, at makikita ko na naman 'yong boyfriend kong nakakairita at mga kaibigan kong baliw. May kaibigan naman ako kahit papano pero kunti lang ang totoo and the rest plastics. Lumabas ako ng room ko pagtapos mag-ayos ng mga gamit at ng sarili ko para ready na mamaya. Pumunta ako sa tabi ng dagat at wala akong balak kumain dahil hindi ako gutom. Iniisip ko na naman ngayon 'yong lalaki kagabi. "Nasaan na kaya iyong baliw na lalaking 'yon?" "Bakit? Miss mo na agad ako?!" At nagulat na naman ako nang may mag salita sa likod ko. "Ayyy s**t na malupit!" Nagulat talaga ako nang biglang nasa harap ko na yung lalaking baliw. Ang kapal ng mukha nito para sabihing miss ko na siya. "Hindi ako baliw. At 'saka pwede namang magulat nang hindi nag mumura eh. And last hindi makapal ang mukha ko, gwapo lang." At nginisian niya pa ako sabay kininditan. "Binabasa mo ba ang nasa isip ko?" "Yup, at naniniwala ka na bang ako ang guardian angel mo?" sabi pa niya pero inirapan ko lang siya at iniwan. May anghel ba na mayabang? Ngayon ako nakaramdam ng gutom kaya pupunta ako sa food court. Hindi ko alam kung sinusundan pa rin ako nung lalaking baliw. Tuloy lang ako sa paglakad ng bongga hanggang sa makarating ako dun sa food court tsaka namili ng kakainin. After kong um-order ay pumunta na ako sa table ko at sinimulang kumain. Ikakain ko na lang yung inis ko dun sa nakaka-stress na lalaking baliw. Ano 'yon, kulang sa aruga? Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba yung mga sinasabi niya lalo pa't nababasa niya yung nasa isip ko, hindi normal ang ganun 'no. Pero kung totoo man ang sinasabi niya eh wala akong paki. Guardian angel kamo? Duh! Hindi na ako bata. "Hindi ka na nga bata..." At nagulat naman ako ng biglang may nakaupo na sa harap ko tapos hinatak yung plato ko na may pan cakes tapos tudo-tudo yung subo na parang patay gutom. "Huy! pagkain ko 'yan!" Bwesit na 'to inagawan pa ako. "May guardian angel bang patay gutom?!" irita kong tanong dahilan ng pag simangot niya. "Hindi ako patay gutom 'no, gutom lang ako at ngayon lang ako makakakain ng pagkain niyong mga tao... Ang sarap pala 'no," sabi pa niya na parang batang pulubing gutom na gutom, pero cute. "Cute pala ako huh?" aniya habang may pataas-taas pang kilay. "What?!" Binabasa na naman iniisip ko, nakakatakot na tuloy mag-isip ng kung ano. "Narinig ko in your mind na cute ako." Tapos sumilay ang malaking ngiti sa labi niya. "Oh tapos na akong kumain, salamat." At bigla siyang naglaho sa harap ko,napatingin ako sa plato niya at said na said yung pagkain. Kakaiba yung tao na 'yon, este anghel oh? Anghel ba talaga siya? Baka demon 'yon? "Uyy hindi ako demonyo 'no!" Dinig ko kung saan, boses nung lalaking baliw na hindi ko tanda ang name. Naglinga-linga ako pero wala siya, narinig ko lang 'yon sa utak ko. Cairo's POV; Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ni Heavenly habang iniwan ko siya dun sa kinainan namin kanina. Iniisip ko pa rin kung bakit nga ba babantayan ko pa siya at bakit ngayon pang malaki na siya? Misyon ko ito at parusa na rin dahil sa pagiging pasaway ko. Paano nga ba nangyari ang mga ito?hmmm... Flashback *Somewhere up there* "Aray!araaay!" sigaw ko habang pinipingot ni maestro yung tainga ko at dinala ako dito sa lugar namin na hindi ko na sasabihin kung saan. Basta somewhere...Paraiso...wews! "Maestro tama na po,masama yan maestro diba bawal manakit," palusot ko dahilan para tigilan na ako ni maestro at hinarap. Nakakunot ang noo nito at ang sama ng tingin, parang may pagnanasa. "Hoy kung anong iniisip mo d'yan ha?! Anong may pagnanas?!" sigaw nito sa'kin, nakalimutan ko nababasa nga pala niya nasa utak naming kapwa niya anghel. "Ang tigas talaga ng ulo mo ano Cairo?!" galit na namang sermon niya sakin "Wala namang malambot na ulo diba?" bulong ko sa sarili ko para hindi marinig ni maestro. Humarap sa'ken muli ng maayos si maestro at ibinuka niya ang kanyang malaki, maganda at puting pakpak pero syempre mas maganda ang mga wings ko ano. Hinila niya ako paalis at pumunta kami sa pagpupulong ng iba pang anghel. Nakita ko sila Leo at Jess kaya lumapit ako sakanila habang pumunta naman si maestro sa gitna sa harap naming lahat. "Nais ko lang malaman niyo na may parusa sa lahat nang lalabag sa batas. At si Cairo..." Tumingin sa akin si maestro bago muling nagsalita. "Si Cairo ay lampas na sa tatlo ang nalabag na batas kaya siya ay papatawan ng parusa upang matuto at maintindihan ang mga pagkakamali niya." Napakamot ako sa ulo. "Kita mo na Cairo sa pagiging pasaway mo mapaparusahan ka. Tsk, tsk,tsk!" Iiling-iling na sabi ni Leo sa'ken at hindi ko na lang ito pinansin pa. Eh? magugulat pa ba ako kung ganyan siya eh sanay na ako diyan sa damuhong anghel na 'yan. "Kaya ikaw ngayon Cairo ay bababa na sa lupa at kailangan mong bantayan ang babaeng ito." Itinuro ni maestro yung lumabas na larawan ng babae sa hangin. "Teka parang kilala ko 'yan ah." Siya yung babae sa beach na umiinom kanina. Bakit ko siya babantayan pa eh di na 'yan bata... Parusa na ba 'yon? masyado yatang madali, at tsaka wala ba syang sariling tagapag bantay? "Kilala mo 'yan?" tanong ni Jess at tinanguhan ko na lang siya bago muling nakinig sa sinasabi ni maestro. "Maestro bakit po malaki na yung babantayan ko at ano po ang misyon ko diyan?" tanong ko kay maestro at lumapit naman ito sa'kin. "Malalaman mo rin Cairo, oh sige na magiingat ka at mag pakatino. Huwag kang mag alala't gagabayan naman kita," nakangiti niyang sabi sa'kin. "P-pero maestro hanggang kelan po---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang naglaho ang lahat at pagmulat ko ay nasa lupa na akong muli at hahanapin ko pa yung babaeng 'yon. End of flashback Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung ano ang misyon at dapat kong gawin sa babaeng 'yon. Linibot ko ang tingin sa kwarto ni Heavenly at maya-maya rin ay biglang pumasok si Heavenly at nanlaki ang mga mata ng makita ako. "Hi!" nakangiti kong bati sa kaniya, ang gwapo ko talaga. "Anong ginagawa mo dito? Papanong--?" "Shshsh! Anghel nga kasi ako." Umupo ako sa kama niya at kinindatan pa siya. Nakasimangot siya habang nakatingin sa'kin "Ano naniniwala ka na ba?" Nabasa ko kasi sa isip niya na mukhang paniniwalaan na niya ako, kailangan ko raw kaseng magpakita sa kanya sabi ni maestro sa utak ko kanina. "Okay, maniniwala na ako pero ipaliwanag mo sakin ang lahat," sabi pa niya at nginisian ko na lang siya. Ipiniliwanag ko sa kanya ang lahat at ng matapos naming mag-usap ay sinabi niyang naniniwala na raw siya pero may pagtataka pa rin sa isip niya at nababasa ko ito. Nakikita ko rin na marami siyang pinagdadaanan at mukhang suicidal itong babaeng 'to. Napansin ko iyong kwintas niya,kumikinang at ang ganda pero hindi lang 'yon dahil iba ang pakiramdam ko dito. "Bakit tinitingnan mo dibdib ko? manyak!" sigaw sa'kin ni Heavenly kaya napatawa na lang ako. "Gwapo ako pero hindi ako manyak, anghel nga diba... At tsaka hindi 'yang dibdib mo ang tinitingnan ko kun'di 'yang kuwintas mo." Lakas din ng imahinasyon ng babaeng 'to masyadong masama ang tingin sa iba, akala niya perpekto siya. "Huh? Bakit? Balak mong nakawin 'to 'no?!" Aba nalintukan ang utak nitong babaeng ito at kung ano-anong iniisip. "Hindi magnanakaw ang mga anghel na tulad ko, lalo na akong cute." Tapos kinindatan ko pa siya pero inirapan lang niya ako bago tinalikuran at lumabas siya ng kwarto niya kaya sinundan ko siya kasi iniisip niyang takasan ako, kala niya huh! "Huy! sandali saan ka pupunta?" "Mag che-check out na ako at uuwi," sabi niya na hindi man lang ako hinaharap at tuloy lang sa paglakad kaya hindi ko na lang siya pinakialaman, mamaya magalit pa 'yan. Habang hinihintay ko siya ay nakipag kuwentuhan muna ako sa mga dilag dito na kulang ang suot na damit. Heavenly's PoV; After kong mag check out at babalik na sana ako sa room ko para kunin ang mga gamit ko dahil hindi na ko makapag hintay pa hanggang mamaya dahil nakaka-stress lang dito lalo na't kasama ko yung lalaking anghel daw na ewan basta his crazy. Nakita ko yung baliw na anghel daw o tawagin na lang natin sa pangalang crazy guardian angel kaya lang masyadong mahaba hindi ko kase tanda yung name niya eh. Hmmm ano kaya itatawag ko sa kanya?. Eh basta! Nagtataka pa rin ako kung bakit ako ang misyon niya. Bakit aayusin niya ba ang walang kuwenta kong life? Naglakad-lakad pa ako hanggang sa matanaw ko yung lalaking baliw na anghel daw dun sa may tabing dagat na may kalandiang dalawang babae. "Malanding anghel!" Naiinis ako sa malalandi, malapitan nga. Dali-dali akong nag lakad papalapit sakanila at nakita kong nagtatawanan pa sila. Nakakairita yung tawa nung mga babae, pabebe. "You're so funny talaga, cute pa." Dinig kong sabi nung babaeng maikli ang buhok tapos makapal ang lipstick. "What's your name agai, baby?" Putchang baby 'yan! Nakakapit pa sa braso nung baliw na lalaki yung isang babaeng payat na halos pwede ng liparin ng wind. "Cairo," pakilala niya dun sa dalawa tapos tawanan pa sila ng tawanan hanggang sa mapansin ako ni Cairo. "Girls, sandali huh," paalam niya do'n sa dalawang babaeng malandi. Lumapit sa akin si Cairo at napansin kong napairap na lang sa hangin yung dalawang babae. "Aba marunong na palang lumandi ang anghel," inis kong sabi dito bago siya talikuran. Hindi ko alam pero basta naiinis ako and I hate this feeling. Pakiramdam ko'y matagal ko ng kilala 'tong lalaking ito tapos parang naiinis ako pag nakikipaglandian siya sa iba. Grrr! Ano bang nangyayari sa akin, hindi naman ako nakainom ah. "Nag seselos ka ba?" nakangising tanong ni Cairo na ngayon ko lang ulit nalaman ang pangalan dahil narinig ko kanina. "Sandali uuwi ka na ba?!" "Paki mo ba?!" Dumeretso ako sa loob ng cottage ko at kinuha ang gamit ko bago lumabas at hindi ko pinapansin si Cairo. "Syempre may paki ako, kasi ako ang tagabantay mo." "Hindi kita kailangan, kaya ko na ang sarili ko!" "Eh kung pwede lang sana eh kaso misyon ko 'to noh." Sunod lang siya ng sunod sa akin hanggang sa harapin ko na siya. "Pwede bang 'wag ka na lang magpakita sa'kin?" Bakit nga ba nag papakita 'to sa'ken, eh diba sabi nila hindi naman daw nag papakita ang mga anghel? Pinagloloko yata ako ng lalaking ito eh. "Bakit?" parang may pagka-dissapoint sa mga mata at boses niya. "Basta!" sabi ko pa bago ako tuluyang lumayo sa kaniya at pinuntahan yung kotse ko, hindi na rin siya sumunod pa kasi hindi ko na siya nakikita. Hays buti naman! Wait what? Parang hindi yata ayos 'yon, anghel kasi 'yon eh baka sa impyerno pa ako ipadala ni papa God, sorry po. Ayaw ko lang talaga ng ganung lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD