Kabanata1: Mission to be

1807 Words
Sa isang lugar kung saan tahimik at mapayapa. Tanaw ang buong mundo at maging ang kalawakan. Lugar kung saan naroroon ang mga anghel, mga banal at tagapaglingkod ng Diyos. May mga anghel na may iba't ibang tungkulin, kakayahan at kapangyarihan. May mga anghel na tagapag bantay ng mundo, ng mga tao, at ng lahat. Ang tagapag bantay ng mga tao o Guardian angels kung tawagin. "Hayyy... Kay ganda ng umaga," nakangiting bati sa umaga ni Lucas, isa sa anghel na tagapag bantay ng kapwa niya anghel, tagapag bantay ng kanilang kinaroroonan o sa madaling salita ay tagapag bantay ng lahat. Ibinuka ni Lucas ang kanyang puti at malaking pakpak at nagtungo siya sa iba pang mga anghel upang tawagin para sa pagsasanay. Ang bawat anghel ay may ginagawang pagsasanay at mga pagsubok na dapat malampasan. Tulad na lamang ng mga anghel na bago pa maging guardian angels ay may dapat muna silang gampanan. "Mga anghel dela-guardia, magsipaghanda na kayo," masiglang utos niya sa mga anghel na agad namang nag sikilos. Pumunta na sila sa kanya-kanyang puwesto at binilang naman sila ni Lucas. Si Lucas ay isa rin sa maestro nila o taga-gabay nila sa mga pagsasanay at pagsubok. Isa... Dalawa...Tatlo... Apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampo, labing isa... Labing-- Hindi niya naituloy ang pag bibilang ng mapansin niyang kulang ng isa. "Sino ang nawawala?!" tanong niya sa mga anghel na nagkatinginan naman ngunit hindi na nagtaka pa. "Ah si Cairo po, maestro," sagot naman ni Leo, isa sa kaibigan ni Cairo ang pasaway na anghel. Hindi talaga maiiwasan na may isang pasaway sa grupo, sa tao, o maging sa mga tulad nilang anghel. "At saan naman siya naroroon?!" malapit nang magalit na sabi ni Lucas pero iniiwasan niyang mangyari iyon dahil nakakasama sa mga tulad nila,kung kaya't napasimangot na lamang siya. Sasagot na sana si Leo pero natigilan din ito nang magsalita agad si Lucas. "Ah alam ko na!" Agad na umalis siya at iniwan ang mga anghel. Nagkatinginan si Leo at si Jess na isa rin sa anghel na magiging tagapag bantay ng mga tao. "Malamang ay may linabag na namang batas si Cairo," sabi nito kay Leo at napailing na lang rin ito at bahagyang natawa. Marahil ay sanay na sila sa kaibigan. Isang pasaway na kaibigang anghel. "Ang gaganda talaga ng mga babaeng taga lupa," nakangisi pang sabi ni Cairo habang nakatingin sa mga babaeng nakasuot ng bikini sa beach. Pasaway talaga siya at walang sinusunod na batas. Hindi naman siya nakikita ng mga tao maliban na lang kung nais niya. Kung saan saan siya pumupunta at sinusundan pa niya ang mga babaeng nakabikini. Hanggang sa marating niya ang mga kubo. Sa dulo ay may isang babae kaya lumapit siya ng bahagya rito. Maganda ang babae, maputi na halos walang gasgas ang binti at naka bikini rin pero nag lagay rin ito ng tapis at naka pusod. Umiinom ng alak ang babae at na ninigarilyo pa ito. 'Tsk,tsk,tsk!" Napapailing na lang si Cairo habang pinag mamasdan ang babae. Parang may mabigat na pinagdadaanan ito. Magpapakita sana siya rito ng bigla siyang tigilan dahil bigla ring sumulpot sa harap niya si Lucas. "M-maestro," nakangisi niyang bati, hindi siya kinakabahan pero ang sama ng tingin ni Lucas sa kanya kaya hindi na ulit siya nakapag salita. "Pasaway ka talaga!" Dali-daling linapitan siya ni Lucas at sabay din silang nag laho. Heavenly's PoV ; "Kung nakakamatay lang sana ang alak!" sigaw ko pa sabay lagok ng alak. Nandito ako ngayon sa kubo at nag-iisa. Nagbaksyon ako pero parang hindi rin ito bakasyon para sa akin dahil parang mas lalo akong na i-stress. Halos matumba ako ng maglakad ako papuntang tabing dagat. "Eh kung magpakalunod na lang kaya ako? Haha!" Lumapit pa ako sa dagat hanggang mabasa na nito ang mga paa ko. Magpapakamatay na ba ako? Kaso kasalanan kay Lord 'yon eh kaya 'wag na lang. Pero pagod na talaga ako sa life ko eh. Napaupo na lang ako sa tabi at nagisip isip,medyo nahihilo pa ako eh. Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit. Umaga pa lang pero lasing na agad ako, eh malamang kagabi pa ako umiinom hahaha. Bakit ramdam ko ang pag ikot ng mundo, eh diba hindi naman daw natin nararamdaman 'yon? Pinagloloko ba ako ng nagturo nun?! Lasing na talaga ako. Wag niyo akong pansinin. Wala lang talaga akong magawa sa buhay.Nakakapagod na kasi eh.Yung mag kunwaring masaya.Yung makisama sa pamilya mong wala naman talagang pakI sayo. Tapos yung sa boyfriend kong parang niloloko lang ako pero hindi ko magawang iwan, mahal ko eh, marupok ako alam niyo ba 'yon? Nakakapagod mabuhay sa Earth. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko pero hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak,wala namang makakakita eh dahil walang masyadong pumupunta dito. Pinilit kong tumayo at bumalik sa cottage ko pero nasa may pinto pa lang ako ng room ko pero natumba na ako. Hay buhay parang life. Anong problema nitong pinto at hindi bumukas eh alam na papasok ako. Tanga lang,parang ako! Unti-unti ng bumigat ang talukap ng magaganda kong mga mata at tuluyan ng nagdilim Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang init ng sikat ng araw sa balat ko. Pag mulat ko ay nakahandusay pa rin ako sa tapat ng pinto ng cottage ko. Bumangon ako dahan-dahan at binuksan ang pinto at pag pasok ko ay pabagsak akong humiga sa kama. Kanina pa yata ako dun, 'ni wala man lang nag abalang tumulong saakin. Napatingin ako sa orasan sa bandang gilid ko. 1:32 p.m na! amputek! Ilang oras akong naka bulagta sa labas. Naglasing ako alam ko pero wala na akong ibang matandaan maliban sa bumagsak ako sa labas tapos wala man lang gumising sa akin at tulungan ako. Pakiramdam ko nangitim ako agad tapos ang epic ng itsura ko dun sa labas tapos naka bikini pa me?! Oh gosh! Baka pinagtawanan pa ako ng mga nakakita sa akin at kung meron man ay punyeta sila! Mga walang puso! Kinapa ko yung phone ko pero wala. "Shocks wala?! Nasaan na 'yon?" Tarantang-taranta ako at agad na hinanap ang phone ko. Yes I can buy new phone kahit sampo pa, sa yaman ba naman namin eh, este sa yaman ba naman ng daddy ko at step mother eh. "Where the hell is my phone?!" Agad akong lumabas at balak kong bumalik sa pinanggalingan ko kanina dahil baka sakaling naiwan ko do'n. Wala kasi dito sa loob ng cottage eh. Hindi pwedeng mawala 'yon dahil maraming memories dun. Pictures or memories namin ni mommy yung totoong mother ko. She died 2 years ago tapos birthday ko nung ibinigay niya saken yung phone na 'yon, after that na ospital siya. At sa phone ko, andoon ang mga records ng jamming namin ni mommy at mga pictures namin. Ang saya pa namin back then. Okay naman yung step mother ko at may kapatid na rin ako na nasa sinapupunan niya this time pero syempre mas mahal ko si mommy Elise. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako habang hinahanap yung phone ko. Kinapa ko sa leeg ko yung kwintas ko na may pendant na krus na bigay din sa akin ni mommy. Hayyst buti na lang hindi ito nawala,mahalaga rin ito eh wag ko daw huhubarin kahit kelan sabi ni mommy...Weird para sa akin pero okay lang naman. Nakarating ako dun sa kubo bandang dulo nitong resort kung nasaan ako kanina. Hinanap agad ng mata ko yung phone ko pero wala. Naupo ako dun sa kubo habang pinupunasan ang luha ko. That phone is old but the memories are still gold. Napatingin ako sa asul na langit. "Mom sorry," at napahagulgol na ako at wala akong pakialam sa makakita. I still miss my mom. Muli akong nakaramdam ng antok, namumugto na ang mga mata ko kakaiyak. Nahiga ako sa mahabang upuan na gawa dito sa kawayan. Ramdam ko ang masarap na simoy ng hangin na mas lalong nakapag paantok sa akin. Pagod na ako sa lahat. Hihintayin ko na lang na makasama ko si mommy in heaven. My atittude is like a hell but my name si Heavenly. Eh? Hindi bagay. Hindi ko na namalayang naka tulog na pala ako. Nagising na lang ako ay palubog na ang araw, at nakaramdam na rin ako ng gutom kagabi pa ako hindi kumakain baka mag ka ulcer na ako nito. Tumayo akong muli at lumapit naman ako sa tabing dagat. Ang gandang pag masdan ng sunset, sayang lang at wala yung phone ko ang ganda sanang kuhaan ng pictures. "Nasaan na ba kasi yung phone ko?!" Napaupo na lang ako sa malaking bato na hindi nababasa ng tubig, para itong rock formation mula dito hanggang sa dulo pa na hindi na sakop nitong resort. Sana mahanap ko na yung cellphone ko. "Miss ito oh phone mo." At nagulat ako ng marinig ang boses na iyon. Napatingin ako sa nasa likod ko na may hawak ng phone ko. Aba't cellphone ko nga. Gwapo ito, maputi, puro puti rin ang suot at kakaiba, may mapupungay na mga mata ,matangos na ilong, at may katangkaran tapos maganda rin ang hubog ng katawan. Wait ba't ko ba dine-describe 'to? "Bakit nasayo ang phone ko? Magnanakaw ka ano?!" sigaw ko dito at agad kong binawi ang cellphone ko. "Hindi ako gano'n. Ako kaya ang tagapag bantay mo," nakangiti niyang sabi. Tumayo naman ako at bahagyang lumayo sa kanya, mamaya holdaper 'to, rapis, o mamamatay tao. "Grabe ka hindi naman ako ganun, lakas ng emahinasyon mo." Aba't sinagot niya ba yung nasa isip ko?! "S-sino ka ba?" tanong ko naman dito, at naka handa na rin akong tumakbo pag may masama itong ginawa. "Ako si Cairo, ang guardian angel mo," full of confidence niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko, lumayo ako sa kanya at binilisan ko ang lakad ko. Baliw yata 'to. Napunta ako sa malapit sa mga guest's rooms kung saan may mga puno. Hindi naman ako magtatago, trip ko lang dito mapunta ba't ba? Napatingin naman ako dun sa nakasunod sa akin. Nakasunod pa rin yung kupal. Wala naman akong nararamdamang masamang mangyayari pag and'yan siya pero hindi ko lang talaga maiwasang mag-isip. "Pwede ba tayong mag usap?" tanong niya sa akin ng makalapit siya. "Sige, pagbibigyan na kita... Makikipag usap lang naman pala eh." Umupo ako sa may puno dahil nangalay ako at medyo nahihilo rin. "Okay what do you want?" mataray kong tanong. "Anghel ako, ah actually... Future guardian angel pero mas napaaga lang ang pag dating ko." Napakunot na naman ang noo ko sa sinabi niya. "Haystt grabe!Naka drugs ka ba!?" sabi ko sa lalaking baliw na ngayon ay nasa harap ko. At dito nag simula ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD