Ilang araw na rin ang nakakalipas mula nang mangyari iyon, ngunit hindi pa rin siya mapakali dahil sa kaguluhan sa kanyang isipan. “Hindi ko talaga maintindihan kung bagit siya nagagalit? It’s not like I was naked.” Pagrorolyo niya na lang ng mata habang hinahalo ang mainit na inumin. Hindi mapigilan ni Mariella ang maglabas ng sama ng loob matapos ng mga nangyari nitong nakaraan. Nandoon pa rin kasi ang inis, pagkalito, at konsensya sa kanya dahil sa naging sagutan nila. Kasalukuyan siya ngayon na nakatambay sa isang coffee shop, kasama ang kaibigan. Iyon lang kasi ang naisip niyang gawin, kaysa ang tumambay sa tinutuluyan dahil sa hindi niya magawang mapanatag sa naturang lugar lalo pa at naroon ngayon si Armando. Isang malapad na ngisi ang lumitaw sa mukha ni Leora, bakas ang pagka

