Chapter 27

1405 Words

‘Baog’ ‘Walang silbe’ ‘Napaglipasan na’ Isang malalim na lunok ang kinailangan ni Mariella para pahupain ang pagririgudon sa kanyang dibdib. Idagdag pa ang pagbabadya ng kanyang mga luha habang paulit-ulit ang pag-alingawngaw ng mga katagang ibinato sa kanya noon ng dating asawa at ng kabit nito. Iyon ang mga inaalala niya ng mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Ito ang ginagawa niyang pampalakas niya ng loob upang magpatuloy at lumaban. Maingat niyang sinipat ang sarili upang masigurado na maayos ang kanyang hitsura. Hapit ang kanyang suot na pencil skirt pero abot tuhod naman ito, ang kanyang polo na sumakto sa hubog ng kanyang katawan ay makapal at mahaba ang manggas kung kaya naman propesyonal pa rin tingnan. Nang makontento na siya sa kanyang h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD