Third Person’s POV
"Yes! More... ohh f**k!"
"More... sige pa— haaa... f**k!"
"I'm cumming... ughh... s**t!"
"Ohhh..."
Matapos ang mahabang halinghing, unti-unting nawala ang ingay na nagmumula sa kabilang kwarto. Bumalik ang katahimikan sa buong bahay—tanging mahinang ugong ng electric fan at paminsan-minsang langitngit ng kahoy ang maririnig.
Mariing napapikit si Theodore habang nakahiga, nanginginig ang dibdib sa pigil na paghinga. Hawak-hawak niya ang kanyang malaki at galit na galit na alaga, pabilis nang pabilis ang pagtaas-baba ng kanyang palad dito. Tila naninigas ang mga binti at paa niya sa pagkakaunat, habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang larawan—parang ayaw niyang bitawan kahit sa isip man lang.
"Damn..." mahinang ungol ni Theodore nang siya ay labasan ng mainit init at may kalaputang puting likido.
Saglit siyang napahiga nang nakapikit, parang ninanamnam ang init na kumalat sa katawan. Pero agad din siyang napabalik sa ulirat. Kinapa niya ang tissue sa gilid ng kama—wala. Dahil biglaan lang din ang kanyang ginawang pagpaparaos, hindi siya nakapaghanda. Napailing siya, napabuntong-hininga, at ginamit na lang ng binata ang kanyang underwear. Hindi na niya iyon isinuot pa; tanging boxer short na lang ang iniwan niya sa sarili.
Habang nakahiga sa malawak na kama at nakatingin sa kisame, hindi mapigilang maalala ni Theodore ang nangyari kanina. Dahil sanay sa probinsya—gising sa gabi at tulog sa hapon—nagising siya nang hatinggabi. At hindi niya inaasahan na ang bubungad sa kanyang pagkagising ay ang nakakahumaling na mga halinghing ng taong pinapantasya niya: si Cielo.
"Tanga ka, Theodore..." mahinang tanong niya sa sarili, paos ang boses. "Tama bang pagpantasyahan ang asawa ng kuya mo?"
Mariin siyang dumapa at mariing pumikit, parang kayang pigilan ng pagpikit ang mga imahe sa isip niya.
"Tanga ka," bulong pa niya sa sarili—pero kahit sabihin niya iyon, hindi humuhupa ang bigat sa dibdib, ni ang init sa katawan.
At dahil nakaramdam siya ng gutom—dahil hindi siya nakapaghapunan kanina—agad siyang bumangon. Walang pag-aalinlangan siyang lumabas ng silid kahit wala siyang suot na underwear; boxer short lang, kaya bakat na bakat ang kanyang p*********i. Saglit pa siyang huminto sa tapat ng pinto, nakinig sa paligid. Tahimik. Walang yapak. Walang boses.
Siguro naman tulog na sila… okay lang lumabas nang ganito, sabi-sabi pa ni Theodore sa isipan habang dahan-dahang isinasara ang pinto ng kanyang silid, pinipigil ang tunog ng seradura.
Ngunit sa pagharap niya—
Nabangga niya si Ate Cielo.
"S-sorry…"
"Sorry!"
Sabay nilang sabi, dahilan para matigilan sila at bahagyang mapatawa. May sandaling nagtagpo ang tingin nila—maikli lang, pero sapat para maramdaman ni Theodore ang pagkakakuryente ng kaba sa batok.
"Buti nagising ka na," malambing ang boses na sabi ni Cielo. "Nagugutom ka ba? Ipag-iinit kita ng ulam sa baba, tara."
Napakamot si Theodore sa batok kahit hindi makati, dala ng hiya at ng kung anong mas malalim pang guilt na ayaw niyang pangalanan.
"Huwag na, Ate. Ako na," nakangiting sagot niya, pilit na normal.
"Hahaha, ano ka ba. ’Wag ka nang mahiya. Tara na sa baba," natatawang sabi ni Cielo. "Tulog na si Kuya mo. May kasabay ka sanang kumain."
'Okay lang… sabay naman kaming nilabasan,' sa isip ni Theodore.
Halos masampal niya ang sarili sa utak dahil kung ano-anong pumapasok sa isip niya.
Nang makarating sila sa baba, agad binuksan ni Cielo ang ilaw. Sa biglang liwanag, mas malinaw kay Theodore ang itsura ni Ate Cielo—at mas lalo siyang napatigil sa paghinga.
Nakasuot ito ng nightwear na kumikinang sa telang silk. Dahil maputi si Cielo, mas bumagay rito ang suot; parang mas lalo siyang nagliwanag sa ilalim ng ilaw sa kusina. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya, at bahagya ring bumabakat ang u***g dahil sa nipis ng tela.
Kung wala siyang bra… edi wala rin siyang panty? natanong ni Theodore sa isipan habang nakatitig kay Cielo na abala sa pag-iinit ng ulam. Narinig niya ang mahinang kalansing ng kawali, ang bukas-sarang takip ng kaldero, at ang amoy ng ulam na unti-unting kumalat—pero mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang tanawin sa harap niya.
Dahil sa kung ano-anong gumugulo sa isip niya—at sa napakagandang tanawing nasa harapan—hindi mapigilan ni Theodore ang makaramdam ng init. Doon niya naalalang wala nga pala siyang suot na underwear. Kaya ngayong ang alaga niya ay galit na galit, kitang-kita rin at bakat na bakat ito sa suot niyang boxer short. Mabuti na lang at may kahabaan ang suot niyang sando.
Ngunit hindi pa rin iyon sapat. Makikita pa rin ang kalakihan ng kanyang alaga kahit natatakpan ng puting sando.
Napailing na lang si Theodore at mabilis na umupo, kunwaring inaantok, para maitago iyon. Inayos pa niya ang upo—bahagyang yumuko, bahagyang sumandal—na parang simpleng komportable lang, kahit ang totoo, nagpa-panic na siya sa loob.
"Theodore," tawag ni Cielo, dahilan para matigilan siya. "P’wede mo bang iabot sa akin yung liquid seasoning? Ubos na pala ’tong nasa baba."
"Ah… oo," sagot niya, pilit na kalmado, pero mabilis ang t***k ng puso.
Nang itaas ni Theodore ang kamay upang abutin ang seasoning ay bahagya ring tumaas ang kanyang sando, dahilan para makita ni Cielo ang bakat ng malaki at galit na galit niyang pagkalalaki
Saglit na natigilan si Cielo.
Hindi man ito nagsalita, halatang nag-iba ang timpla ng hangin sa pagitan nila. Mabilis nitong iniwas ang tingin, parang may biglang dumaan sa isip na ayaw niyang salubungin. Bahagya ring namula ang pisngi nito habang pilit na ipinapako ang mata sa kalan.
"A-ah… salamat," mabilis na sabi ni Cielo, sabay kuha sa seasoning na parang iyon lang ang mahalaga sa sandaling iyon.
Nanlalamig ang batok ni Theodore. Parang gusto niyang lumubog sa sahig sa sobrang hiya.
'Tanga ka, Theodore… bakit ba kasi—' hindi na niya tinapos sa isip.
Mabilis siyang bumalik sa upuan, halos madapa sa pagmamadali. Umupo siya nang mariin at inayos ang sando, pilit tinatakpan ang kung ano mang dapat takpan. Yumuko siya nang bahagya, kunwaring antok at walang malay, kahit ang totoo’y kabog na kabog ang dibdib.
Tahimik.
Tanging tunog ng kumukulong ulam at ugong ng bentilador ang maririnig. Si Cielo naman, halatang nagmamadali sa mga galaw. Paulit-ulit nitong hinahalo ang ulam, binubuksan at sinasara ang takip ng kawali, tapos biglang kinapa ang sandok na para bang nawawala.
Para siyang naghahanap ng pagkakaabalahan para hindi humarap kay Theodore.
Si Theodore naman, nakatitig sa mesa, hindi malaman kung saan ipupwesto ang kamay. Hindi niya magawang tumingin kay Cielo, pero ramdam niya ang ilang nito—ramdam niyang gusto na nitong matapos ang lahat.
Maya-maya, pinatay ni Cielo ang kalan.
"Ayan… luto na," sabi nito, pilit na normal ang tono pero may bahid ng pagmamadali. Kumuha ito ng plato at nagsandok ng ulam, saka kanin. Mabilis. Masyadong mabilis. Inilapag nito sa harap ni Theodore pati kutsara’t tinidor, saka baso ng tubig.
"Kain ka na," sabi ni Cielo, bahagyang iwas pa rin ang tingin. "Inaantok na ’ko. Aakyat na ’ko."
"Salamat, Ate," mahinang sabi ni Theodore.
Tumango lang si Cielo, tapos nagpunas ng kamay sa nightwear na parang may dumi kahit wala naman. Saglit itong huminto na parang may sasabihin pa, pero binalikan lang nito ang hagdan.
"’Wag ka na maghugas kung ayaw mo," dagdag pa ni Cielo, mas mabilis ang boses. "Basta… i-lock mo na lang mamaya."
At bago pa makasagot si Theodore, umakyat na si Cielo.
Naiwan si Theodore sa mesa, nakatingin sa plato. Biglang bumigat ang sikmura niya, kahit gutom siya kanina. Umigting ang hiya at guilt sa dibdib.
'Tama ba ’to…?'
Pinilit niyang kumain. Subo, nguyâ, lunok—pero halos hindi niya malasahan. Ang nasa isip niya lang, yung biglang tingin ni Cielo, yung mabilis nitong pag-iwas, at yung katahimikang iniwan nito.
Tinapos niya ang pagkain nang mabilisan, hindi dahil busog, kundi dahil gusto na niyang umakyat at magtago sa kwarto.
Pagkatapos, mabilis niyang binanlawan ang plato at kutsara, hindi na nagtagal. Pinatay niya ang ilaw sa kusina at dahan-dahang umakyat, nakikinig kung may tunog sa taas. Tahimik. Wala.
Pagpasok niya sa kwarto, isinara niya ang pinto at sandaling sumandal dito.
"Haa…" napabuntong-hininga siya, saka kinamot ang batok.
'Tanga ka talaga, Theodore…'
Nilapitan niya ang mga gamit niyang nakasalansan—maleta, bag, kahon—at sinimulan niyang mag-unpack. Isa-isang inilabas ang mga damit, isinabit sa aparador, yung iba tinupi. Nilabas din niya ang toiletries, charger, earphones—kahit alin, basta may gawin lang ang kamay para hindi bumalik ang isip sa nangyari sa baba.
Hanggang sa mapansin niya ang laptop.
Natigilan siya saglit, saka kinuha ito at inilapag sa mesa. Parang may pamilyar na bigat itong dala—yung tipong kapag nandito siya, may kontrol siya sa sarili niyang mundo.
Binuksan niya ang laptop. Umilaw ang screen, tumama sa mukha niya ang malamig na liwanag. Nag-login siya, kumonekta sa internet, tapos binuksan ang trading platform.
Lumabas ang charts, mga linya, candlesticks, watchlist—mga bagay na kaya niyang intindihin nang walang halong hiya at guilt. Dito, malinaw ang rules.
"Focus," bulong niya sa sarili at pilit na di pinapansin ang kanyang matigas na alaga.
Sinilip niya ang mga presyo, tinignan kung may dapat i-adjust, kung may dapat bantayan. Nagpalit siya ng timeframe, nag-zoom in, saka huminga nang mas malalim.
Unti-unti, humupa ang kabog ng dibdib niya.
Pero kahit nakatutok ang mga mata niya sa screen, may anino pa ring kumakapit sa gilid ng isip niya—yung sandaling nakita siya ni Cielo at yung pagmamadali nitong umalis na tila naapektohan to ng sobra sa kanyang nakita.
Napahigpit si Theodore sa panga.
'Bukas… dapat normal na ulit.'
At habang tumatakbo ang mga numero sa monitor, pilit niyang ibinabaon ang sarili sa trading—sa mundong hindi siya puwedeng magkamali dahil lang sa isang sulyap.