bc

Latched (Next Gen #4)

book_age16+
6.6K
FOLLOW
23.2K
READ
billionaire
confident
drama
sweet
bxg
others
cheating
lies
virgin
like
intro-logo
Blurb

Keyla is a stubborn woman but she loves her family. All she wanted is to feel love form her mother na paborito ang kanyang kapatid. Kaya niyang magparaya para kapatid kaya naman kahit na kapartner ng kapatid ang knayang nobyo ay ayos lang sa kanya. Noong masangkot siya sa eskandalo na maaring makasira sa reputasyon ng kanyang kapatid ay gumawa siya ng paraan upang malusutan iyon. At iyon ay pagpangapin si Kaizen Red Delafuente bilang kanyang kasintahan.

Wala naman sanang problema, until she realizes that she's slowly falling for him.

chap-preview
Free preview
Prologue
Issue "God, Keyla... You're really really stubborn!" Halos tumirik ang mga mata ni Cholo, ang bading kong manager, habang pinapagalitan ako. "We receive a lot of texts at ang raming nagtatanong sa scandal na kinakasangkutan mo!" he spat angrily. "Pero Cholo, you know he's my boyfriend—" "Enough! I told you many times the fans don't care if you're the girlfriend! Hindi ikaw ang gusto nilang ilove team kay Raiden!" Umusok agad ang aking ilong sa aking narinig. Matalim ang tingin sa akin ni Cholo habang panay naman ang ring ng kanyang cellphone. "Ilang beses na natin itong pinag-usapan at mukhang hindi mo naman pala nagegets! Is this some joke to you?" Nailing siya habang dinudukot na ang kanyang cellphone. My face crumpled. So what? Kasalanan ito ng mga immature fans ni Raiden! Wala akong kasalanan dito dahil kung tutuusin ako naman ang legal! He's my real boyfriend! Kami ang may tunay na relasyon hindi iyong shini-ship ng fans niya sa kanya! At bakit sila magagalit kung nauugnay si Raiden sa isang babae? Immature fangirls and their small brain capacity! Kung makapang bash akala mo ang raming alam! Feeling nila kaya nilang kontrolin ang isang sikat dahil lang sinusuportahan nila ito! What kind of fan are they if they're against with our happiness?3 "Yes... Yes she's here, Ma'am Lucille... We'll fix this..." Sumulyap si Cholo sa akin, mariin agad ang tingin. Umirap ako at dinukot ang aking cellphone. There's no texts from Raiden. I'm sure ginigyera narin siya ngayon ng manager niya. Nagtipa ako ng mensahe. Ako: Babe pinapagalitan ako ng baklang si Cholo. Please itanan mo nalang ako. :'((( "Yes, Kaedy... Nandito siya. Okay... Hindi ko na talaga alam... Ang tigas ng ulo ng batang ito!" Napairap akong muli. Kung nakaabot na kay Kaedy ang balita, I'm sure nakaabot narin kay Mommy ang issue na ito. Pwede namang magrelease ng statement si Kaedy nang matigil rin ang fanwars but I guess they're all blaming me. Baka nga kahit mga fans ko ay nasira na ang tingin sa akin. I'm sure bawas followers to sa social media accounts ko. I don't care, anyway... Tiningnan ko ang screen ng aking cellphone. Wala paring reply si Raiden. Gusto ko mang lumabas nalang dito sa condo unit ni Cholo, sigurado akong haharangin niya ako. I tried opening my social media account. Masyado nang naiistress si Cholo sa mga tumatawag sa kanya at panay pa ang pagtapon niya ng matatalim na tingin sa akin. JoanaMarie: Bakit si Keyla?! Yuck! Hindi sila bagay ni Raiden! Raiden'slegalgf: Pag legit silang boyfriend girlfriend then I'm going to stop supporting Raiden! RaiDylovers: No! Keyla is ugly! Mukha iyong pwet ah! Raiden'sgirl: Hindi pa kinonfirm ng manager ni Raiden kaya for sure fake news ito! Kaedylovers: Ang landi landi mo ahas! RaiDyForever: This is a scam! Goodbye Keyla. I'm going to unfollow you, b***h! RaidenSoldiers: Ahas ka! Sinisira mo ang loveteam ni Raiden at Kaedy! Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o ano but calling me an ugly pwet is a big no no! Mas makinis pa nga ang pwet ko kaysa sa mukha niya! "Keyla!" tawag sa akin ni Cholo nang nag-akma na akong magtipa sa aking cellphone. "H'wag na h'wag kang pumatol sa fans!" Matalim niya akong tiningnan, tila nababasa agad ang aking plano. I was just planning to diss them, alright! Gosh! Sa aking inis ay nagdirty finger nalang ako sa screen ng aking cellphone sa bawat mga ugly losers na nagcomment doon. So what? Unfollow me! I am not living to please you all! I am here because of Raiden! Kahit pa magrally kayo ay hindi kami maghihiwalay! Besides, sanay narin ako sa bashers. What's new? Eh kung iupload ko nalang iyong video namin na naghahalikan kaming dalawa just to diss them? Total nagleak na iyong pagpasok ko sa condo ni Raiden at kung ano-ano na agad ang pinag-iisip nila when in fact kumain lang naman kami! Bumukas ang pinto. Nakita ko agad ang pagpasok ng kapatid kong si Kaedy suot ang isang fit na dress at itim na coat.Tumayo ako. "God... Your fans are crazy! Just tell them the truth Kaedy—" "Keyla," putol niya sa akin sa matigas na boses. "You caused so much trouble at galit na galit na si Mommy! You're puting a shame on our name in this industry! Hindi mo ba talaga naisip ang magiging consequence ng gulong ginawa mo bago ka nagpadalos-dalos?" Natutop ang aking bibig. Bumabakas ang galit sa kabuuan niyang hitsura lalo na't namumula na ang kanyang leeg sa pagsigaw sa akin. Nahilot niya ang kanyang ulo at mariin nang pumikit. Dinaluhan siya ni Cholo at hinaplos ang likod. "We're not against with you and Raiden pero please naman, Keyla! Magtira ka naman ng kahihiyan sa sarili mo!" she growled at me angrily. Kinagat ko ang aking labi. Umawang iyon pero natutop rin dahil hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Cholo keeps on glaring at me, too. "You really need to fix this yourself, Keyla! We can't cover you up anymore! Hindi maglalabas ng statement si Raiden sa inyong dalawa at itatanggi iyon ng kanyang manager dahil masyado nang nagwawala ang mga fans! Maaaring maboycot ang iba niyang projects dahil sa iskandalong ito and worst maraming magpupull-out na mga sponsor sa kanya!" Nanatili akong tahimik habang ang paninitig naman ni Cholo ay pinapatunayang tama ang kapatid ko at ako itong wala talagang nagagawang tama. Kaedy is a well payed actress. Marami na siyang projects at kabi-kabila rin ang offer sa kanya lalo na't ang Mommy namin ay isa rin sa mga batikang artista noon. Nagretiro lang ito ngunit namamayagpag parin ang kanyang pangalan sa industriya dahil sa mga nagawa niyang pelikula na nag-iwan talaga ng marka. Si Kaedy ang sumunod sa yakap ni Mommy dahil para kay Mommy ay may mas potential siya since she's a carbon copy of my Mom's teenage days. Ako naman ay nasa side ni Daddy at mas lumilitaw ang pagiging dugong Russian ko. Magkamukha naman kami ni Kaedy pero they say mas namana talaga ni Kaedy ang mukha ni Mommy kaya siya ang mas tinatangkilik ngayon ng medya. Wala namang kaso iyon sa akin lalo na't ayoko ring mag-artista. Sapat na sa akin ang pagiging modelo. May mga projects rin naman ako kahit papaano kahit marami ang bashers ko. Kontento na ako sa ibinibigay sa akin ng industriya. Si Raiden naman ay isa ring artista at modelo. Anak siya ng family friend namin at si Mommy ang nagpasok sa kanya sa showbiz industry lalo na't may artistahin ngang mukha. Bata palang ay sigurado na kami sa nararamdaman naming dalawa ni Raiden para sa isa't isa. Hindi pa siya sumisikat ay may malandi na kaming ugnayan at noong tumuntong nga ako ng 18 ay naging opisyal na kaming dalawa. 13 lamang ako noong sumabak ako sa workshop at noong tumuntong na ng 16 ay pinasok ko na ng tuluyan ang pagmomodelo habang si Raiden ay bata palang nadidiscover na talaga siya lalo na't may exposure rin galing kay Mommy. Iyon nga lang, sila ni Kaedy ang madalas makapares lalo na't sila raw ang old version ng Mommy ko at ka love team niya noon. They ship them. Marami silang fans at mas lalo silang sumikat dahil sa ginawang ingay ng kanilang love team. Alam kong para lang naman iyon sa fame kaya hindi na kailangang ibigdeal lalo na't understanding naman akong girlfriend at may tiwala rin ako sa aking kapatid kaya pumayag akong ilihim ang lahat ng ito at maging tagong girlfriend niya. Iyon nga lang, hindi ko matandaan kung anong nakain ko kahapon at pumasok ako sa condo ni Raiden. Gutom lang naman ako at akala ko ay walang umaaligid na fans iyon pala ay mala CCTV rin ang iba na mabilis agad akong nadetect. Sabay kaming umuwi ni Kaedy. Halos takbuhan nalang namin ang mga media sa parking lot matakasan lamang ang kanilang mga tanong dahil baka mas lumala lamang ang issue pag ako nagsalita. At tama naman si Kaedy... Maipapahamak ko ang reputasyon ni Raiden. Sigurado akong nahihirapan narin siya at nakokonsensya ako sa kagagahang ginawa ko. Pumasok ang sasakyan sa magarang mansyon ng mga Rocales. Walang imik si Kaedy at ako naman itong tinutubuan ng konsensya. Sigurado akong masasabon ako ng husto ni Mommy. "If I were you, Keyla... Sundin mo nalang ang gusto ni Mommy at h'wag nang matigas ang ulo mo," pagod niyang sabi saka naunang pumasok. Kinagat ko ang aking labi. Sumasabog na ang aking dibdib dahil sa kaba. Lumunok ako at sumulyap pa sa driver na kinukuha ang aming mga gamit sa loob ng SUV. "Where's your stupid sister?" Boses iyon ni Mommy. Bumuntong ako ng hininga at nagpasya nang pumasok. I wish I'm not going to lose some teeth. Imposibleng hindi ako masampal ngayon sa ginawa ko. Nakita ko si Mommy, seryoso ang mukha suot ang isang eleganteng damit. Kumikinang ang kanyang tainga dahil sa pearls na naroon idagdag pa ang kwintas na nakapulupot sa kanyang leeg. "Mommy—" Hindi pa ako nakakapagsalita ay isang malakas na sampal na ang inabot ko. "You. Clean. Your. Mess. Keyla." Putol-putol niyang sabi at may diin ang bawat salita. Napayuko ako. Mahapdi ang aking pisngi at feeling ko ay kamuntik na talaga akong mabunutan ng ngipin. "Kung alam ko lang na aabot ka sa puntong ipapahiya ang pangalan ko ay hindi nalang kita pinahintulutang magmodelo!" she spat. Nag-angat agad ako ng tingin sa kanya lalo na't gumapang na ang kaba sa aking mukha. "Your dragging us down my goodness, Keyla! Ilang dekada kong pinaghirapan ang pangalan ko sa industriya tapos dudungisan mo lang?! I am so done with your issues!" Pulang-pula na ang kanyang mukha sa galit. Sumulyap ako kay Kaedy. Tahimik lamang siyang nakaupo sa sofa at wala na namang balak na ipagtanggol ako kay Mommy. "You clean your mess or else you'll stop being a model! I put you on that place and I have the power to kick you out, Keyla. Don't test me." Pinandilatan ako ng mata ni Mommy. Sa gabing iyon ay naiyak nalang ako sa aking kuwarto. Raiden is not answering my calls at hindi rin siya nagrereply. Ang sabi ni Kaedy baka na confiscate na ang kanyang cellphone para hindi ako macontact. I cried helplessly. Ang rami kong nasayang na tissue sa sahig dahil sa kakaiyak ko. I don't want to quit from modelling since masaya narin naman ako sa ginagawa ko. Gusto ko lang naman sanang mapalapit sa mundo ni Raiden kaya pumasok narin ako sa pagmomodelo pero wala naman akong balak na sirain ang pangalan niya, ang loveteam nila ng kapatid ko at ang pangalan ni Mommy sa industriya. Hindi kasi nila gets ang feeling ng miss na miss mo na ang boyfriend mo at kahit kaonting oras man lang sana ay magkita kaming dalawa lalo na't wala talaga kaming oras sa isa't isa dahil sa sobrang busy. Cholo texted me that night. Tutulungan niya raw ako na linisin ang pangalan ko at patayin ang apoy na ginawa ng issue. "Kumalat lang naman ang pictures na pumasok ka sa condo ni Raiden, Keyla. Pwede naman nating palabasin na may pinasuyo lang ang kapatid mo kaya ka nandoon total alam naman ng fans kung gaano ka close si Raiden at Kaedy. May mga fans na hindi iyon tatanggapin pero kung nalaman nilang may boyfriend ka rin ay titigil na sila," paliwanag sa akin ni Cholo sa umaga ng lunes. Huh? "You mean... I'm going to introduce Raiden as my boyfriend?" Nanlaki agad ang kanyang mga mata. "Gaga ka talaga! Hindi si Raiden, Keyla. Ibang lalake," giit niya. Kumunot ang aking noo. "Wala akong ibang boyfriend kundi si Raiden lang, Cholo. I am not a two-timer!" Nahilot niya ang kanyang noo at tila nagsisimula na namang mastress sa akin. Humalukipkip ako at pinasadahan ng haplos ang aking buhok. "Jusko, Keyla... Kaya nga 'di ba at maghahanap ka ng ilalabas mong boyfriend mo para matabunan iyong issue." "So maglalabas ako ng panibago kong issue para mabura iyong unang issue?" Pag-uulit ko na ikinatango niya. Namilog na agad ang aking mga mata. Tumayo ako at umiling. "No! Hindi papayag si Raiden na malilink ako sa ibang lalake!" "God... Hindi naman totohanan, Keyla! Palalabasin mo lang na may boyfriend ka talaga nang tantanan kana ng mga bashers at hindi rin madamay ang mga projects mo! Gusto mo bang magpull-out ang mga sponsors mo?" Mariin niya akong tiningnan. Umupo akong muli at nagrelax. Fine... I just need to latch on someone and pretend that he's my boyfriend?  Pero sino naman? "Who?" tanong ko kay Cholo. Nagkibit siya. "Kahit sino basta h'wag iyong may sabit, Keyla." Ayoko man, sa tindi rin ng galit sa akin ni Mommy ay no choice nga ako. I just found myself on a Bar that night. Nakailang shots ako at halos sumanib na ang alak sa aking kabuuan. Find a guy and make an issue... Find a guy... Find a boyfriend... Find someone, Keyla! Umaalon na ang aking paningin habang lumalabas ako ng Bar na iyon. It's a famous Bar since maraming elite and I'm really hoping to see some goodlooking guys... Or at least a boyfriend material huh? May kung sino akong nabangga. Sa tigas ng dibdib, ako ang nawalan ng balanse pero mabilis niyang nahawakan ang aking beywang. "Oppsee..." Tumawa ako at humawak sa kanyang balikat. "Miss? Okay ka lang?" tanong niya sa baritonong boses. Tiningnan ko ang kanyang mukha. I can't see him clearly since it's dim. "Ihatid mo ako sa labas, please..." I said softly. Masyado nang umaalon ang aking paningin na hindi ko na siya napagtuunan ng pansin habang inaalalayan niya akong lumabas papuntang parking lot. He smells nice huh... I think he's a rich and goodlooking guy. "Miss Keyla! Interview lang!" Marami agad na nagsulputang media sa aking harapan. Nakakasilaw ang flash at inilalapit pa nila ang hawak nilang cellphone para marecord ang aking sasabihin. "Totoo bang may relasyon kayo ni Raiden?" "Kayo ba ni Raiden? Inaahas mo ba ang kapatid mo?" "Naiinsecure ka ba sa kapatid mo kaya gusto mong agawin ang ka loveteam niya?" Halos mahilo ako sa kanilang tanong. I hate this... Think, Keyla... Sumulyap ako sa kasama kong lalake. I almost forgot him! Bago pa may sumunod na mga tanong ulit ay ginawaran ko na ng halik ang lalakeng nasa aking tabi. It was just a one swift kiss at humiwalay rin ako. "Nasagot ko na ba ang mga tanong niyo? I have a boyfriend and imposibleng may relasyon kami ni Raiden." Tumawa ako at bahagya pang nawalan ng balanse dahil sa kalasingan pero agaran rin akong isinandal noong lalake sa kanyang matigas na dibdib. Pumulupot ang kanyang braso sa aking beywang at naisandal ko na ang aking mukha sa kanyang leeg. Thank God I wore some high heels! "Let's go home, babe..." sabi ko sa nakapikit kong mga mata. Mas lalo silang nagkagulo at iyong lalake na ang kinukunan ng interview. Humikab ako sa kanyang dibdib at ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg. God... He smells nice but I am so sleepy! "Anong pangalan mo? Ilang buwan na kayo ni Keyla?" "Anong masasabi mo sa mga leak photos na pumasok siya sa condo ni Raiden?" Just leave them and bring me to your car for Pete's sake! Wala na akong masyadong marinig pero may tanging malinaw sa akin na binigkas niya, ang tanging tanong na sinagot niya. "I'm Kaizen..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.4K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.1K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.5K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook